Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Makabuluhang agrarian reform support law

SHARE THE TRUTH

 239 total views

Mga Kapanalig, sa kanyang unang State of the Nation Address (o SONA), nanawagan si Pangulong Bongbong Marcos, Jr sa Kongreso ng isang loan condonation law na magpapaluwag sa obligasyong magbayad ng amortisasyon o utang ng mga agrarian reform beneficiaries (o ARBs).

Bilang tugon, naghain si Albay Representative Joey Salceda ng panukalang batas na bubura sa mga utang ng ARBs. Ilan pang probisyong magdudulot ng kaginhawaan para sa mga magsasaka ay ang pagbibigay ng palugit o amnestiya sa pagbayad ng estate tax at ang pagbasura sa mga kasong nagpawalambisa sa naipamahaging sakahan dahil sa hindi pagbabayad ng amortisasyon at interes sa utang.

Ayon kay Congressman Salceda, kung maipapasá bilang batas ang panukala niyang “New Agrarian Emancipation Act” (o House Bill No. 3797), makikinabang ang mahigit kalahating milyong ARBs na nagmamay-ari ng lampas sa kabuuang isang milyong ektaryang lupang naipamahagi. Hindi lamang nito mapalalaya ang mga magsasaka mula sa utang, mabibigyan pa sila ng pagkakataong gawing produktibo ang lupa dahil mawawala na ang pasanin ng pagkakautang.

Mahalagang patuloy na gawing produktibo ang lupa matapos itong maipamahagi sa magsasaka. Ang agrarian reform program ay hindi natatapos sa pagbibigay ng titulo ng lupa sa mga kuwalipikadong benepisyaryo. Kaakibat nito ang pagsuporta sa mga magsasaka, at dito nagkukulang ang ating gobyerno. Sa pamamagitan ng Program Beneficiary Development ng ating agrarian reform program, dapat na mabigyan din ng pamahalaan ng sapat at akmang suporta ang mga magsasaka sa kanilang mga pangangailangan sa produksyon at pagbebenta ng kanilang ani.

May ganitong probisyon sa panukalang batas ni Congressman Salceda. Gayunman, nakasaad doong uunahing bibigyan ng support services ang mga ARBs na kumpleto na ang bayad ng amortisasyon. Paliwanag ng kongresista, ito raw ay para maging patas ang panukalang batas sa mga nagsusumikap na magbayad ng kanilang amortisasyon.

Kung nais ng panukalang batas na tulungan ang mga ARBs, hindi nga ba ang mga nahihirapang makapagbayad ng kanilang amortisasyon ang unang dapat mapaabutan ng support services? Sa ganitong paraan, mapagyayaman nila ang lupang ipinagkaloob sa kanila. At kung produktibo ang kanilang sakahan, mapauunlad nila ang kanilang pamilya at makaaambag sila sa pagkain sa ating mga pamilihan. Mahalagang-mahalaga ito lalo na ngayong may krisis tayo sa pagkain.

Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo sa Simbahan ang prinsipyong tinatawag na universal purpose of eathly goods. Batay ito sa paniniwalang ang lahat ng nasa daigdig ay biyayang kaloob sa atin ng Diyos, at dapat lamang na pagbahaginan natin ang mga ito. Sinabi sa Second Plenary Council of the Philippines (o PCP II) noong 1992 na kailangan ang prinsipyong ito sa isang tunay at komprehensibong repormang agraryo o agrarian reform. At ang makabuluhang agrarian reform program ay walang magsasakang iniiwan.

Kung tunay ngang prayoridad ng kasalukuyang administrasyon ang agrarian reform at ang kapakanan ng mga ARB, mainam na abutin ng mga bubuuing batas at programa ang mga higit na nangangailangan sa kanila. Hindi natin sinasabing pabayaan na lang ang mga nakakabayad na. Sapat na tulong-pinansyal, suporta sa produksyon, at access sa merkado ang kailangan para sa lahat ng ARB—nakakabayad man o hindi. Ang mga ito ang magtitiyak na kakayanin ng magsasaka na gawing produktibo ang kanyang lupa nang masuportahan niya ang kanyang sarili at pamilya. Kung wala ang mga ito, patuloy na magsasanla, magpaarenda, o aabandonahin ng magsasaka ang kanyang lupa.

Mga Kapanalig, maging bukás sana si Congressman Salceda at mga kapwa niya mambabatas na gawing higit na makabuluhan ang “New Agrarian Emancipation Act”. (Balita rin nating may katulad na panukalang batas si Senador Lito Lapid.) Nawa’y maging mga lider silang “iginagawad ang katarungan sa api at mahihirap,” gaya ng sinasabi sa Mga Kawikaan 31:9.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 3,647 total views

 3,647 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 16,787 total views

 16,787 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 22,760 total views

 22,760 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 28,515 total views

 28,515 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 35,777 total views

 35,777 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 3,648 total views

 3,648 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 16,788 total views

 16,788 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 22,761 total views

 22,761 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 28,516 total views

 28,516 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 35,778 total views

 35,778 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 40,879 total views

 40,879 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,260 total views

 36,260 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,264 total views

 48,264 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,306 total views

 56,306 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,863 total views

 47,863 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,288 total views

 46,288 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,074 total views

 48,074 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,999 total views

 44,999 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,313 total views

 59,313 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,003 total views

 63,003 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top