Makataong pagtulong sa mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,084 total views

Mga Kapanalig, kaguluhan sa gitna ng kahirapan o “chaos amidst poverty” ang paglalarawan ng Social Work Action Network Philippines (o SWAN Philippines), isang network ng social workers at social service practitioners, sa distribusyon ng educational assistance ng Department of Social Welfare and Development (o DSWD) noong ika-20 ng Agosto. Bahagi ang ayuda ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (o AICS) Program ng ahensya na layong tulungan ang mga kababayan nating nangangailangan ng tulong-pinansyal para sa pagpapagamot, pagpapalibing, pagpapaaral, at iba pa.

Sa pagkakataong ito, ang educational assistance ng AICS ay tulong para sa mga estudyanteng nagsimulang magbalik-eskuwela noong nakaraang linggo. Tinatayang 500 milyong piso ang tulong-pinansyal na iniabot at iaabot pa ng DSWD sa mahihirap na mag-aaral. Bawat pamilya ay maaaring makakuha ng ayuda para sa hanggang tatlong anak. Sanlibong piso ang ibibigay sa mga nasa elementary, dalawang libong piso sa mga nasa high school, tatlong libong piso sa mga nasa senior high school, at apat na libong piso sa mga nasa kolehiyo at nag-aaral ng technical-vocational courses. Tuwing Sabado mula Agosto 20 hanggang Setyembre 24 ang pamimigay ng ayuda sa mga opisina ng DSWD sa iba’t ibang lugar.

Sa kasamaang palad, naging magulo ang pamamahagi ng ayuda ilang araw bago magsimulang muli ang face-to-face classes. Dinagsa ang mga opisina ng DSWD sa unang araw pa lang ng distribusyon. Sa central office dito sa Quezon City, nasa limanlibo ang tinatayang dumayo. Sa Zamboanga City, 29 ang nasugatan sa stampede. Sa Iloilo, libu-libong estudyante ang dumagsa sa Iloilo Sports Complex upang kumuha ng ayuda. Mayroon ding mga natulog sa labas ng mga opisina at sumampa sa gate ng mga ito.

Agad namang humingi ng tawad si DSWD Secretary Erwin Tulfo. Miscommunication daw ang nangyari. Nakipag-ugnayan na rin ang DSWD sa Department of the Interior and Local Government upang ayusin ang distribusyon ng ayuda sa tulong ng mga lokal na pamahalaan. Ayon sa SWAN Philippines, kinundena ng maraming organisasyon ang nangyari dahil ipinakikita nito ang kawalan ng maayos at sistematikong paghahatid ng tulong sa mga nangangailangan. Makikita rin daw ang mababang pagpapahalaga ng pamahalaan sa dignidad ng tao, lalo na ng mahihirap, sa pamamaraan ng pag-aabot sa kanila ng mga serbisyo.

Ang pagtatangì sa mahihirap ay isa sa mga pangunahing imbitasyon ng Katolikong panlipunang turo. Nakabatay ito sa pagpapahalaga nating mga Kristiyano sa dignidad ng tao. Bawat tao ay nilalang na kawangis ng Diyos. Pantay-pantay tayo sa mga mata ng Diyos. Gayunpaman, ang mahihirap ay kadalasang biktima ng kawalan ng katarungan sa lipunan. Niyuyurakan ang kanilang dignidad at pinagkakaitan sila ng mga oportunidad at pantay na pagkakataong paunlarin ang kanilang mga sarili. Hindi nila nakakamit ang mga bagay na dapat ay natatanggap nila bilang mga mamamayan at bilang mga tao. Binibigyan-diin ng mga panlipunang turo ng Simbahang sa tuwing tumutugon tayo sa pangangailangan ng mga dukha, sa kanila—hindi sa atin—ang ibinibigay natin. Ang pagtatangì sa mahihirap ay hindi mababaw na kawanggawa kundi paggagawad sa kanila ng katarungan.[4]

Nakalulungkot na kailangang umabot sa stampede, pagtulog sa bangketa, at pagsampa sa gate ang paghahatid ng tulong sa mga kababayan natin. Tila nawalan sila ng dignidad. Sa ilang beses na pagbibigay ng ayuda tuwing may sakuna at nitong panahon ng pandemya, hindi pa rin nagawang sistematiko at maayos ng pamahalaan ang distribusyon ng ayuda sa mga nangangailangan.

Mga Kapanalig, ang Diyos ay “humahatol at iginagawad ang katarungan; natatamo ng inaapi ang kanilang karapatan.” Katulad ng paalalang ito mula sa Mga Awit 103:6, manawagan tayo para sa isang makatao at makatarungang pagpaparating ng tulong sa mahihirap. Tandaan po natin, ibinabalik lamang natin ang tunay na sa kanila.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 32,740 total views

 32,740 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 61,091 total views

 61,091 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 128,821 total views

 128,821 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 151,972 total views

 151,972 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 219,739 total views

 219,739 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ibinasurang paraiso

 32,741 total views

 32,741 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 61,092 total views

 61,092 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 128,822 total views

 128,822 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 151,973 total views

 151,973 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »
Scroll to Top