Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Makilahok sa shake drill bukas

SHARE THE TRUTH

 242 total views

Inaanyayahan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS) ang publiko na makilahok sa isasagawang National Simultaneous Earthquake Drill sa buong bansa bukas ganay na alas 9 ng umaga.

Ayon kay PHILVOCS director Dr. Renato Solidum, ito’y bilang paghahanda sakaling may tumamang malakas na lindol para na rin malaman ng mamamayan ang tamang pagkilos upang mailigtas ang sarili at ang pamilya.

“May national simultaneous earthquake drill sa ibat-ibang relihon may piling lugar na sentro ng atensyon ng shake drill, lahat sana ng paaralan, opisina, pribado man o gobyerno dapat sumali para masanay sila kung totoong may malakas na lindol sa lugar nila alam nila ang kanilang gagawin maging ang mga bahay sa at least drop, cover and hold and evacuate.” Pahayag ni Solidum sa panayam ng Radyo Veritas.

Umaasa naman ang PHILVOCS director na miyon-milyong tao ang makikibahagi lalo na sa Metro Manila na may simultaneous rescue rin na magaganap at koordinasyon sa ibat-ibang probinsiya na hindi apektado ng paglindol upang mahingan ng tulong.

“Milyon ang inaasahang sasali, may simultaneous rescue, pagpatay ng sunog, pag-extract sa mga naipit, ang NDRRMC, may coordination meeting, ang MMDA gagamit ng ilog dahil assumption na masisira ang Guadalupe Bridge, NDRRMC may pagpupulong coordinated sa mga probinsiya na hindi apekatdo na sila naman ang tutulong sa Metro Manila, matagal na itong giangawa di lang napapansin.” Ayon pa kay Solidum.

Sa paliwanag ni Solidum, kung gagalaw ang Valley fault, intensity 7 sa buong Metro Manila habang nasa intensity 8 naman ang mga karatig lalawigan gaya ng Bulacan, Western Rizal, Northern Cavite at Laguna sa loob ng 50-60 kilometers radius

Aniya, sa mga lugar na malalambot ang lupa gaya sa Maynila at malapit sa Manila Bay, aabot sa intensity 9 ang paggalaw ng lupa.

Noong October ng 2013, niyanig ng 7.2 magnitude na lindol ang Bohol mahigit 200 ang nasawi at mahigit 20 Simbahan ang nasira maliban pa sa bilyong-bilyong pinsala sa mga ari-arian at imprastraktura.

Una ng hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang lahat ng mga parokya at catholic schools sa bansa na lumahok sa isasagawang shakedrill

Ito’y bilang paghahanda upang masagip ang sarili at ang kapwa sa mga sakuna gaya ng lindol

Inatasan din ng CBCP ang mga parokya na magpatunog ng kampana bilang hudyat sa pagsisimula ng drill alas nuebe ng umaga sa June 22.

Naghahanda rin ang Caritas Manila at ang Radyo Veritas ng mga programa kaugnay sa pag-iwas sa kalamidad at agarang pagsaklolo sa mga biktima.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 107,257 total views

 107,257 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 115,032 total views

 115,032 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 123,212 total views

 123,212 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 138,200 total views

 138,200 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 142,143 total views

 142,143 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Veritas Team

Earth Hour 2020 goes digital

 4,856 total views

 4,856 total views March 11, 2020, 3:39PM Mula sa malakihang aktibidad, ipagdiriwang ngayong taon sa pamamagitan ng Social Media ang Earth Hour 2020. Ang Earth Hour

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top