Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 895 total views

Ang Mabuting Balita, 01 Nobyembre 2023 – Mateo 5: 1-12a
MAKITA ANG DIYOS
Noong panahong iyon, nang makita ni Jesus ang napakakapal na tao, umahon siya sa bundok. Pagkaupo niya’y lumapit ang kanyang mga alagad, at sila’y tinuruan niya ng ganito:
“Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan
kundi ang Diyos, sapagkat makakasama sila sa
kanyang kaharian.”
“Mapalad ang mga nahahapis sapagkat aaliwin
sila ng Diyos.”
“Mapalad ang mga mapagpakumbaba,
sapagkat tatamuhin nila ang ipinangako ng Diyos.” “Mapalad ang mga nagmimithing makatupad
sa kalooban ng Diyos, sapagkat ipagkakaloob
sa kanila ang kanilang minimithi.”
“Mapalad ang mga mahabagin,
sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.”
“Mapalad ang mga may malinis na puso,
sapagkat makikita nila ang Diyos.”
“Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa
ikapagkakasundo, sapagkat sila’y ituturing
ng Diyos na mga anak niya.”
“Mapalad ang mga pinag-uusig dahil sa
kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos,
sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.”
“Mapalad kayo kapag dahil sa aki’y inaalimura
kayo ng mga tao, pinag-uusig at pinagwiwikaan
ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang
kasinungalingan.
Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki
ang inyong gantimpala sa langit.”
————
Noong panahon ni Jesus, ang mga Judio ay mayroon 613 na utos na tinatawag nilang Batas ni Moises. Isipin na lang natin, ni hindi lahat tayo ay maisasaulo ang 10 Utos, paano pa kung 613? Ipinagmamalaki ng mga eskriba at Pariseo ang kanilang pagiging “interpreter” ng Batas ni Moises, at ipinaniniwala nila ang mga tao na sila ay gagantimpalaan o parurusahan ng Diyos ayon sa batas na ito. Kaya’t hindi kataka-taka na nahirapan ang mga Judio sumunod sa mga ito, at kadalasa’y nahuhusgahan na mga makasalanan. Sa paraan ng pagtuturo ng mga eskriba at Pariseo, ang ugnayan ng Diyos at tao ay naging simpleng ugnayan ng tagapagpatupad ng utos at alipin. Isipin natin ngayon, si Jesus ay nagsasalita tungkol sa pagiging mapalad sa halip ng panghuhusga. Napakalaki ng kaibahan ng pagsasalita niya sa mga eskriba at Pariseo. Tunay ngang ang BEATITUDES ay nagbibigay ng kaginhawaan, pag-asa at inspirasyon sa mga nagnanais na MAKITA ANG DIYOS. At oo, sa tulong ng biyaya ng Diyos, maaari nating maabot ang mga tala sa kataas-taasan ng langit! Nariyan sila para sa ating lahat!
Sa pagdiriwang natin ng Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal (kabilang na ang mga kamag-anak at kaibigan natin na ngayo’y nasa langit), hilingin natin na ipanalangin nila tayo upang manatili tayong mapalad buong buhay, habang buong pag-asa nating hinihintay ang pagdating ng ating Tagapaglitas na si Jesukristo!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,935 total views

 70,935 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,930 total views

 102,930 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,722 total views

 147,722 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,693 total views

 170,693 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 186,091 total views

 186,091 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,647 total views

 9,647 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

OPPOSITE

 1,912 total views

 1,912 total views Gospel Reading for November 6, 2025 – Luke 15: 1-10 OPPOSITE The tax collectors and sinners were all drawing near to listen to

Read More »

GOD ALONE

 2,862 total views

 2,862 total views Gospel Reading for November 05, 2025 – Luke 14: 25-33 GOD ALONE Great crowds were traveling with Jesus, and he turned and addressed

Read More »

NOT AUTOMATIC

 3,293 total views

 3,293 total views Gospel Reading for November 04, 2025 – Luke 14: 15-24 NOT AUTOMATIC One of those at table with Jesus said to him, “Blessed

Read More »

A ONE-WAY GESTURE

 3,308 total views

 3,308 total views Gospel Reading for November 03, 2025 – Luke 14: 12-14 A ONE-WAY GESTURE On a sabbath Jesus went to dine at the home

Read More »

ASSURED

 3,424 total views

 3,424 total views Gospel Reading for November 02, 2025 – John 14: 1-6 ASSURED The Commemoration of All the Faithful Departed (All Souls) “Do not let

Read More »

BE COUNTED, Solemnity of All Saints

 3,515 total views

 3,515 total views Gospel Reading for 01 November 2025 – Matthew 5: 1-12a BE COUNTED, Solemnity of All Saints When Jesus saw the crowds, he went

Read More »

OF PRIMARY IMPORTANCE

 3,205 total views

 3,205 total views Gospel Reading for October 31, 2025 – Luke 14: 1-6 OF PRIMARY IMPORTANCE On a sabbath Jesus went to dine at the home

Read More »

STRONG AND COURAGEOUS

 2,612 total views

 2,612 total views Gospel Reading for October 30, 2025 – Luke 13: 31-35 STRONG AND COURAGEOUS Some Pharisees came to Jesus and said, “Go away, leave

Read More »

SACRIFICE

 2,721 total views

 2,721 total views Gospel Reading for October 29, 2025 – Luke 13: 22-30 SACRIFICE Jesus passed through towns and villages, teaching as he went and making

Read More »

HE DOESN’T SLEEP

 7,789 total views

 7,789 total views Gospel Reading for October 28, 2025 – Luke 6: 12-16 HE DOESN’T SLEEP Jesus went up to the mountain to pray, and he

Read More »
Scroll to Top