Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 12,486 total views

Mga Kapanalig, ilang beses na tayong nakapanood sa balita ng mga kababayan nating kinilala ang kanilang katapatan. Halimbawa, ilang linggo na ang nakalipas, pinarangalan ang security guard na si Gilren Bajado. Isinauli niya kasi ang bag ng isang customer sa mall kung saan siya naka-duty. Naglalaman ang napulot niyang bag ng ₱64,000 at mahahalagang ID. Malaking halaga ito, ngunit hindi ito pinag-interesan ng lady guard. Tiniyak din niyang nabawi ng may-ari ang bag.

Saludo tayo sa mga kababayan nating nagsasauli ng mga bagay na hindi sa kanila. Lalo silang kahanga-kahanga dahil sa hirap ng buhay ngayon, tiyak na malaking tulong ang pera o gamit na natagpuan nila at napapadpad sa kanilang mga palad. Pero hindi sila nagpatukso. Mas nangibabaw sa kanila ang tapang na piliin ang tama at mabuti. 

Ang paggawa ng mabuti ay maituturing na kabanalan. Sa apostolic exhortation na Gaudete et Exsultate, sinabi ni Pope Francis na lahat tayo ay tinatawag na maging banal sa pamamagitan ng pamumuhay nang may pagmamahal at sa pamamagitan ng pagpapatotoo sa lahat ng ating ginagawa, saan man natin matatagpuan ang ating sarili. Kung tayo raw ay naghahanapbuhay, maaari tayong maging banal sa pamamagitan ng paggawa nang may integridad at paglilingkod sa ating mga kapatid. Ganito ang ipinamalas ni Gilren Bajado.

Ngayon ay Araw ng mga Santo o All Saints Day. Isa itong okasyon para sa ating mga Katoliko upang ipagdiwang at parangalan ang mga santo o mga tao sa langit (na-canonize man o hindi), na namuhay nang may kabayanihan, nag-alay ng kanilang buhay para sa iba, o naging martir para sa pananampalataya, at karapat-dapat na tularan. Ngunit tandaan nating ang mga santo ay hindi mga perpektong tao. Sila ay mga taong nakatagpo ang Diyos sa kanilang buhay. Sila ay nagsikap na bigyang-puwang sa kanilang buhay ang Panginoon nang ang Kanyang liwanag ay dumapo sa kadiliman ng kanilang kasalanan. 

Sa araw na ito, hindi lamang natin pinararangalan ang mga nakarating na sa langit. Ipinaaalala rin sa atin ng okasyong ito na may mga tao—ang ilan ay maaaring kilala natin—na, sa pamamagitan ng kanilang araw-araw na kabalanan, ay nakikibahagi sa pagkilos ng Diyos sa ating mundo. Ang araw-araw na kabanalang ito ay matutunghayan natin sa sermon ni Hesus sa bundok, ang Ebanghelyo (mula sa Mateo 5:1-12) para sa araw na ito. Katulad ng mga santo, pinagpapala ang mga nakararanas ng kasiyahan sa gitna ng pagdadalamhati o pagdurusa. Pinagpapala ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, ang mga mapagpakumbaba, at ang mga mahabagin. Pinagpapala ang mga may malinis na puso, at ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan. Pinagpapala ang mga may matinding hangarin na sumunod sa kalooban ng Diyos, kahit pa usigin sila dahil dito. 

Kapag sinusubukan nating isabuhay ang mga turong ito ni Hesus, nakasasama tayo ng Diyos sa pagtatatag ng Kanyang kaharian sa mundo. Sa ganitong paraan, nakatutugon tayo sa tawag na maging banal. Hindi ito madali sa mundong kinalalagyan natin. Napakahirap, halimbawa, na magkaroon ng malinis na puso—na piliin ang tama at matuwid, na maging matapat, na pigilan ang tuksong lamangán ang ating kapwa—lalo na’t tila bihira ang mga katangiang ito sa mga namumuno at inaasahan nating maging mabuting ehemplo. Ngunit huwag sana tayong panghinaan ng loob. 

Mga Kapanalig, sa kanya-kanya nating paraan, pagsikapan nating maging banal. Ang kabanalan, dagdag pa ng Santo Papa, ay lumalago sa pamamagitan ng maliliit na kilos. Si Santa Teresa ng Calcutta ay may ganito namang paalala: “Holiness is not the luxury of a few people, but a simple duty for you and me.” Kaya nating maging banal araw-araw.

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,772 total views

 5,772 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 18,912 total views

 18,912 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 24,885 total views

 24,885 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 30,640 total views

 30,640 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 37,902 total views

 37,902 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,773 total views

 5,773 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 18,913 total views

 18,913 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 24,886 total views

 24,886 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 30,641 total views

 30,641 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 37,903 total views

 37,903 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,051 total views

 41,051 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,432 total views

 36,432 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,436 total views

 48,436 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,478 total views

 56,478 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,035 total views

 48,035 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,460 total views

 46,460 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,246 total views

 48,246 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,171 total views

 45,171 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,485 total views

 59,485 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,175 total views

 63,175 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top