Malaking papel ng Sangguniang Kabataan, kinatigan ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,866 total views

Tiniyak ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang patuloy na pagbubukas ng kamalayan ng bawat isa kaugnay sa malawak at mabuting magagawa ng Sangguniang Kabataan sa pamayanan.

Ito ang ibinahagi ni PPCRV National Coordinator Dr. Arwin Serrano kaugnay sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa darating na Oktubre.

Ayon kay Serrano, maraming magagandang programa na maaaring gawin ang mga maihahalal na Sangguniang Kabataan para makatulong sa paghubog ng kanilang kapwa kabataan sa bawat barangay.

Pagbabahagi ni Serrano, mahalagang mabuksan at mabago ang isip ng lahat kaugnay sa malawak na maitutulong at magagawa ng Sangguniang Kabataan sa pamayanan.

“Hindi po ako nagsasawa na patuloy kong bibigyan ng karagdagang linaw na maraming magagandang programa na pwedeng isagawa ang SK sa tulong ng kanilang kalipunan ng kabataan at yan ay patuloy nating gagawin upang sa gayun ay makita natin na magkaroon ng pagbabago na ang ating mga SK ay talagang mag-isip ng magagandang programa para sa ganun yung kabataan natin mahubog, lumaki sila marami silang matutunan na kaligaligaya,” pahayag ni Serrano sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Serrano na ang Sangguniang Kabataan ay hindi lamang tungkol sa mga palaro o paligsahan tulad ng mga basketball o beauty contests kundi sa malawak na mga programa na maari nilang magawa.

Partikular na tinukoy ni Serrano ang mga programa para sa pagtiyak ng kalusugang pangkaisipan o mental health ng mga kabataan.

“Ang SK ay hindi lamang tungkol sa sports or basketball o kaya yung mga beauty contests marami ring magagandang programa na pwede nilang isagawa at isa na nga dito ay dun sa larangan ng kalusugang pangkaisipan or mental health,” dagdag pa ni Serrano.

Una ng binigyang diin ng PPCRV ang kahalagahan ng aktibong partisipasyon at pakikibahagi ng lahat sa nakatakdang halalang pambarangay na magsisimula sa pagpaparehistro lalo’t higit ng mga kabataang first time voters sa bansa.

Nasasaad sa Repubic Act (RA) No. 11935 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatakda ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa huling araw ng Lunes sa buwan ng Oktubre o sa ika-30 ng Oktubre ng kasalukuyang taon.

Sa datos ng National Statistical Coordination Board (NSCB), aabot na sa humigit kumulang 43,000 ang kabuuang bilang ng mga barangay sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 16,122 total views

 16,121 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 38,127 total views

 38,126 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 62,469 total views

 62,468 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 86,397 total views

 86,397 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 120,991 total views

 120,991 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top