1,583 total views
Pinuna ng isang opisyal ng Vatican ang pagsasawalang-bahala at pagsasantabi sa mga kautusan o batas na naglalayong magkaroon ng mas maayos na paraan ng pamumuhay ang bawat isa sa lipunan.
Ito ang pagninilay ng Kanyang Kabunyian Cardinal Luis Antonio Tagle – pro Prefect Dicastery for Evangelization sa Banal na Misa sa Pontificio Collegio Filippino sa Roma kaugnay sa kahalagahan ng mga batas at kautusan partikular ng mga utos ng Diyos.
Ayon sa Cardinal, maituturing na isang kabalintunaan ang pagnanais ng bawat isa na magkaroon ng maayos, makatarungan at patas na lipunan habang isinasantabi at ipinagsasawalang bahala naman ang mga batas na naglalayon na makamit ito.
“I don’t know whether it is only during our time but maybe it is part of human frailty that we are allergic to commandments, we are all allergic to orders and laws. While we are all looking for some sort of order, orderliness in life, we want a more just, equitable society, when it comes to commands, orders we feel like our freedom is being restricted and that is not only with human commandments and laws, the sad thing is even when we are talking about God’s commandments there seems to be a certain repulsion,” ang bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.
Pagbabahagi ni Cardinal Tagle, malaki ang pagkakaiba ng mga utos ng Diyos na naglalayong mapabuti ang bawat isa kumpara sa mga batas na gawa ng tao na kung saan maaari lamang pumabor sa kapakanan ng iilan.
Ipinaliwanag ng Cardinal na kumpara sa ilang mga batas ng gawa ng tao na para lamang sa interes at kabutihan ng iilan ay hindi dapat magduda ang bawat isa sa Salita ng Diyos partikular na sa Ten Commandments na naglalayong mapabuti at magabayan ang lahat sa tamang landas ng pamumuhay.
“God will never command anything that will destroy us, maybe human beings could fabricate laws that will meet to their advantage and we see that happening, commandments that do not serve the common good, commandments that serve personal interests and could even hide destructive corruption, but when it comes to God, God’s commands are always life giving, the commandments of God contained the wisdom of God that is power, the wisdom of God that constructs rather than destroys,” dagdag pa ni Cardinal Tagle.
Sa panlipunang turo ng Simbahan mahalagang suriin ng bawat isa ang Salita ng Diyos partikular na ang Ten Commandments o ang Sampung Utos ng Diyos upang maging batayan at gabay sa maayos at mapayapang pamumuhay ng naayon sa landas na patungo sa Panginoon.