Malayang pagpapahayag ng mga guro

SHARE THE TRUTH

 422 total views

Mga Kapanalig, noong isang linggo naging kontrobersiyal ang paalala ni DepEd Secretary Leonor Briones sa mga guro na hindi sila maaaring mangampanya o mag-post ng kanilang political views sa kanilang social media accounts. Iginiit ng kalihim na dapat manatiling neutral o walang kinikilingan ang mga kawani ng pamahalaan, kasama na ang mga guro at ­non-teaching staff ng mga pampublikong paaralan.

Ayon sa kalihim, mayroong issuances tungkol sa panuntunang ito katulad ng DepEd Order No. 48 o “Prohibition on Electioneering and Partisan Political Activity” na inilabas noong 2018. Nang tanungin ang kalihim kung maaari mag-post ang mga guro sa kanilang social media ng kanilang political views, mariin niya itong ipinagbawal. Aniya, kung gagawin nila iyon, hindi sila maaaring magpakilala bilang mga guro dahil “bureaucratic neutrality” ang pangunahing prinsipyo pagdating sa isyung ito.

Hindi rito sang-ayon Alliance of Concerned Teachers partylist representative France Castro. Para sa kanya, karapatan ng mga gurong magbahagi ng kanilang mga opinyon. Hindi sila maaaring manatiling apolitical, lalo na sa panahon ng matinding historical revisionism o pagbabaluktot sa kasaysayan. Dapat daw maging halimbawa ang mga guro sa kanilang mga estudyante sa pamamagitan ng paninidigan sa kanilang mga karapatan, at pagbabahagi ng tamang impormasyon at kanilang mga paniniwala. Wala raw saysay ang pagsasaulo ng mga formula, petsa sa kasaysayan, at pangalan ng mga bayani kung hindi marunong ang mga estudyanteng magsuri sa mga nangyayari sa bansa. Dagdag pa niya, dapat hinuhubog ng mga guro ang kritikal na pag-iisip ng mga bata upang hindi sila maging isang henerasyon ng brainwashed robots.

Para sa isang high school philosopher teacher na si Urayjan Borlaza, “theoretically impossible” ang pagiging apolitical ng mga guro. Naniniwala siyang ang pananahimik sa mga isyu ay paghikayat sa pagkalat ng fake news. Bagamat sinasabi ng mga panuntunan ng DepEd na bawal mangampanya at dapat manatiling non-partisan ang mga guro, mayroong Joint Circular No. 1 ang Commission on Elections at Civil Service Commission noong 2016 na sinasabing ang pagpapahayag ng mga paniniwala sa mga kasalukuyang isyu ay hindi maituturing na partisan. Dagdag pa ng guro, pagiging tapat sa kanilang bokasyon bilang mga guro ang paglaban sa disinformation, maging sa social media.

Kinikilala ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang karapatan ng mga manggagawa, kasama na ang mga guro. Ang mga karapatang ito ay nakabatay sa kanilang dignidad bilang nilikha ng Diyos. Isa sa mahahalagang karapatang ito ang maprotektahan ang kanilang indibidwal na personalidad, kasama na ang paggalang sa kanilang konsensya at mga paniniwala. Naniniwala rin ang ating mga katuruang hindi obligado ang mga mamamayang sumunod sa mga panuntunan ng pamahalaan kung labag ito sa moralidad ng lipunan, kanilang mga karapatan at konsensya, at mga turo ng Simbahan. Tinatawag natin itong “right to conscientious objection” dahil paggalang ito sa idinidikta ng isang konsensyang dapat hinubog at nakabatay sa Mabuting Balita.

Bagamat nauunawaan nating mahalaga ang pagiging non-partisan ng mga kawani ng pamahalaan sa paglilingkod nila, hindi ito dapat maging hadlang sa pagtataguyod ng isang lipunang makatotohanan, makatao, at makatarungan. Malaki ang papel ng mga guro sa pagpapanday ng lipunang ito bilang mga tagapaghubog ng isipan ng kabataang itinuturing nating pag-asa ng bayan. Kaya naman, isang kabalintunaang hingin ang kanilang pananahimik sa panahong higit na kailangan ng pagsusuri at talakayan.

Mga Kapanalig, katulad ng paalala sa 1 Pedro 2:16, “Mamuhay kayong tulad ng mga taong malaya… mamuhay kayo bilang mga alipin ng Diyos.” Ang pagkitil sa kalayaang magpahayag o pananahimik sa kabila ng panawagan ng panahon ay tahasang paglahok sa kasamaan. Nawa’y magamit ng mga guro at ng bawat mamamayan ang kanilang kalayaang iwaksi ang kasinungalingan, magsulong ng katarungan, at maging tunay na tagasunod ng Diyos.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malnutrisyon

 3,267 total views

 3,267 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 7,629 total views

 7,629 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »

Trabaho sa kabila ng init

 18,221 total views

 18,221 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 26,445 total views

 26,445 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Permanent interests

 32,291 total views

 32,291 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 3,268 total views

 3,268 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 7,630 total views

 7,630 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 18,222 total views

 18,222 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 26,446 total views

 26,446 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 32,292 total views

 32,292 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 43,900 total views

 43,900 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 46,993 total views

 46,993 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 36,698 total views

 36,698 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 37,586 total views

 37,586 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 52,889 total views

 52,889 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 65,298 total views

 65,298 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Farm lots

 59,642 total views

 59,642 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wage Gap

 60,848 total views

 60,848 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Equality

 70,839 total views

 70,839 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 56,224 total views

 56,224 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top