Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 796 total views

Homiliya Para sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay, ika-22 ng Mayo 2022, Juan 14:23-29

May natutunan akong salitang Tagalog sa bokabularyo ng mga Batangueno: ang salitang MALIGALIG. Ang ibig sabihin daw pala nito para sa mga taga-Southern Tagalog ay MAKULIT, MAGULO, PROBLEMADO, o iyung tipong DI-MAPAYAPA. “Ala-e bat ba kanina ka pa parang turumpo dya-an, ba’t ba ikaw e napaka-maligaleig?”

Ang ebanghelyo natin ngayon ay tungkol sa mga bagay na nakaliligalig sa atin dito sa mundo, at ang sikretong dapat nating matutunan o pag-aralan upang tayo’y MAPAYAPA. Pero bago iyon, itanong muna natin, ano ba ang madalas na nakaliligalig sa atin, o mga bagay na nagiging dahilan kung bakit kung minsan parang nababalisa tayo, naguguluhan o parang hindi mapayapa?

Apat na dahilan ang ibinibigay ni Hesus sa ebanghelyo natin ngayon. Mga bagay na nagdudulot ng pagkaligalig ng ating kalooban. Magkakarugtong ang apat na ito.

Una, pag may binitawan tayong salita pero hindi natin tinutupad ito. Pangalawa, kapag hindi natin tinutupad ang ating salita dahil nakakalimutan natin ang mga salitang binitawan natin, o sadyang nililimot natin. Pangatlo, kapag nababalisa ang loob natin o inuusig tayo ng konsensya dahil sa di-pagtupad na dulot ng pagkalimot. At pang-apat, kapag inuunahan na tayo ng takot na mawalan—mawalan ng mahal sa buhay, ng kayamanan, ng alaala, o mawalan ng katinuan. Ang mga taong insecure sa mundo ay mananatiling maligalig.

Ang sagot ni Hesus sa lahat ng apat na ito na dahilan ng pagkaligalig ay ang regalo niyang KAPAYAPAAN. Kung napansin ninyo, sa bawat Misa, inuulit natin ang mga salitang ito ni Hesus matapos na dasalin natin ang AMA NAMIN. Una dinadasal ng pari, “Hinihiling namin na kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa kapahamakan…”

Pagkatapos, bago siya bumati ng kapayapaan, dinadasal din ng pari, “Panginoong Hesukristo sinabi mo sa iyong mga apostol: kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo…” Hiniram ang dasal na ito sa ebanghelyo natin ngayon.

Dito niya sinasabi na ang kapayapaang kaloob niya ay di-tulad ng kapayapaang dulot ng daigdig. Iyan ang tipo ng kapayapaang pinanghahawakan ng mga nananalig sa siguridad na maibibigay ng kayamanan. Iyung umaasa sa siguridad na dulot ng armas o sandata o baril bilang depensa katulad ng ginagawa ngayon ng ibang mga bansa sa Europa. Parang lahat nagpapaampon ngayon sa NATO dahil sa pag-atakeng ginawa ng Russia sa Ukraine. Ito ang mentalidad ng mga walang maisip na panlaban sa karahasan kundi karahasan. Pero ang ganyan, imbes na mapayapa, lalong naliligalig. Kasi, alam din nila na pag may nasaktan sila, gagantihan din sila ng mga ito pagdating ng panahon.

So ano ang susi ng tunay na kapayapaan para kay Hesus? Hindi ito sa atin nakasalalay kundi sa Diyos. Ito ay biyaya. At ito ang gusto niyang iregalo sa atin sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ano ba ang ituturo sa atin ng Espiritu Santo na siya lang makapagdudulot sa atin ng kapayapaan?

Una, tuturuan niya tayong tumupad ng ating salita. Ito ang madalas na maging sanhi ng problema sa daigdig. Kapag hindi mo mapagkatiwalaan ang salita ng tao dahil laging salungat na ang sinasabi sa iniisip o ginagawa. Nadadala ang tao kapag ang mga pangako ay napapako. Hindi mabubuo ang pagkatao ng taong walang isang salita. Kaya palaang tawag natin sa mga taong marunong tumupad ng salita ay MAY INTEGRIDAD. Ibig sabihin, buo, hindi hati ang pagkatao.

Pangalawa, dahil ang madalas na maging dahilan ng hindi pagtupad sa salita ay pagkalimot, sabi ni Hesus, ang Espiritu Santo daw ang magpapaalala sa atin. Kaya siguro taon-taon sinasariwa natin ang mga pangako natin, isinasaritwal natin, sinisimbolo natin, sinusuot natin katulad ng singsing, dahil alam natin, tulad nga ng sabi ng kanta, “Ang tao’y marupok kay daling lumimot.” Hindi ba may kasabihan, “Those who do not remember the past are doomed to repeat it?”

Pangatlo, aalisin ng Espiritu ang mga takot at pangamba upang mapanatag ang atin loob. Totoo namang mga takot ang madalas maging dahilan kung bakit di tayo makatulog, hindi mapanatag, o hindi makatagpo ng katiwasayan sa buhay.

At pang-apat, tuturuan tayo ng Espiritu ng pinakamabisang susi ng kapayapaan: ang tiwala sa Diyos. Maghahanap talaga tayo ng kakapitan kapag wala tayong tiwala na may sasalo sa atin pag tayo’y nahulog. Kaya tinuturuan niya tayong bumitaw, na huwag kumapit sa mga bagay na lumilipas.

Sa buhay daw ng isang agila, kapag nabubuo na ang mga pakpak nito, unti unti siyang iniiwan ng nanay at tatay niya. Minsan, hahayaan siyang magutom at hindi muna dadalhan ng pagkain para matutong lumabas sa pugad. Hahayaan siyang mahulog mula sa pugad habang nakabantay ang tatay niya sa may kalayuan para saluhin siya sa mga unang pagkahulog. Uulit-ulitin daw ito hanggang sa matutuhan niyang gamitin ang kanyang mga pakpak. Parang malupit, pero paraan lang pala ito ng ama para turuan tayong lumipad. Iyun pala ang sinasabi ng kinakanta natin sa simbahan na galing sa Salmo:

“And He will raise you up on eagles’ wings, bear you on the breath of dawn, make you to shine like the sun and hold you in the palm of his hand.”

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

JOBLESS

 14,419 total views

 14,419 total views Nakakalungkot na reyalidad sa ating bayan, napaka-mahal ang edukasyon, butas-butas ang bulsa ng mga magulang upang maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak, makapagtapos

Read More »

Cha-cha talaga?

 28,651 total views

 28,651 total views Mga Kapanalig, umuugong na naman ang panukalang amyendahan ang ating Saligang Batas.  Isa sa mga nagbunsod nito ay ang hindi pagkakasundo ng mga

Read More »

Mga mata ng taumbayan

 44,744 total views

 44,744 total views Mga Kapanalig, mainit na usapin pa rin ngayon ang mga maanomalyang flood control projects. Bilyun-bilyong piso kasi ang inilalaan ng ating pamahalaan para

Read More »

Bumabaha sa katiwalian

 63,259 total views

 63,259 total views Mga Kapanalig, hindi lang dismayado si Pangulong Bongbong Marcos Jr sa mga anomalyang nakapalibot sa malalaking flood control projects. Galit na raw siya.

Read More »

POOR GETTING POORER

 114,664 total views

 114,664 total views Bakit hindi na nakaka-ahon sa kahirapan ang maraming Pilipino habang patuloy namang yumayaman ang mga mayayaman na? Ano ang pumipigil sa mga mahihirap

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

TRIP TO JERUSALEM

 4,831 total views

 4,831 total views Homiliya para sa ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 24 Agosto 2025, Luk 13:22-30 Sa ebanghelyong binasa natin, habang nagbibiyahe daw ang mga alagad

Read More »

KASALI KA

 3,683 total views

 3,683 total views Homiliya para sa Misa para sa BEC Day ng Kalookan, Sabado sa ika-20 Linggo ng KP, Paggunita kay Santa Rosa de Lima, 23

Read More »

GENTLE WOMAN…

 7,147 total views

 7,147 total views Homily fot the Feast of the Queenship of Mary, 22 Aug 2025, Lk 1:26-38 May isang Marian song, parang oyayi ang dating. Pakiramdam

Read More »

PANATA AT TIPAN

 9,022 total views

 9,022 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-20 Linggo ng KP, Paggunita kay Santo Papa Pio X, 21 Agosto 2025, Hukom 11:29-39a; Mat 22:1-14 Obvious

Read More »

NAGPUPUYOS

 11,708 total views

 11,708 total views Homiliya para sa Bihilya ng Misang Pang-20 Linggo ng KP sa Kapistahan ni San Roque, 16 Agosto 2025, Lk 12:49-53 Nagpupuyos. Ito ang

Read More »

BATHALA SA PAMAHALAAAN

 8,389 total views

 8,389 total views Homiliya para sa Ika-19 na Linggo ng Karaniwang Panahon, 10 Agosto 2025, Lk 12:32-48 Ang paksa ng ating ebanghelyo ay tungkol sa pagiging

Read More »

PARA SA SARILI LAMANG?

 11,280 total views

 11,280 total views Homiliya para sa Ika-18 Linggo ng KP, 3 Agosto 2025, Eccles 1:2; 2:21-23, Col 3:1-5, 9-11, Lk 12:13-21 “Monologue” ang tawag sa Ingles

Read More »

TAHANAN NG DIYOS

 17,932 total views

 17,932 total views Homiliya para sa araw ng Paggunita kay San Ignacio ng Loyola, 31 Hulyo 2025, Exod 40:16-21, Salmo 84, at Mat 13:47-53 Maikli lang

Read More »

SAMAHAN MO KAMI

 17,274 total views

 17,274 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kina Marta, Maria at Lazaro, Ika-29 ng Hulyo, Juan 11:19-27 Ang malakas na alingawngaw na naririnig ko sa

Read More »

PANINDIGAN MO

 20,387 total views

 20,387 total views Homiliya para sa Kapistahan ni Santiago Apostol, 25 Hulyo 2025, 2 Cor 4:7-15; Mat 20:20-28 “Nanindigan ako, kaya’t nagsalita ko.” Galing sa Aklat

Read More »
Scroll to Top