MAKAKITA ANG BULAG, MABULAG ANG NAKAKIKITA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,277 total reads

Homiliya para sa Linggo ng Laetare sa Kuwaresma, 15 Marso 2026, Jn 9:1-41 or 9:1, 6-9, 13-17, 34-38

Medyo weird o kakaiba ang dating sa paraan ni Hesus ng pagpapagaling sa taong bulag mula pagkasilang. Actually nasa Gospel of Mark din ang mga kwento tungkol sa paggamit ni Hesus ng laway sa panggagamot. Pero dito di lang laway kundi lupa na hinaluan ng laway at ginawang putik ang ginamit niya at ipinahid sa mata ng bulag.

Ang tawag dito ng mga dalubhasa sa Bibliya ay “Matalinghagang Kilos-Propeta” (symbolic prophetic action). Ginawa rin ito ng ibang mga propeta—mga tipo ng pahayag hindi sa pamamagitan ng salita kundi sa kakaibang kilos na tumatawag pansin at matalinghaga ang dating. Parang palaisipan, kumbaga.

Kung ganoon, ano ang ibig ipahiwatig ni Hesus sa ginawa niya sa bulag? Kailangang balikan ang kuwento ng paglikha ng Diyos sa tao sa Book of Genesis. Sabi ng manunulat, nang likhain ng Diyos ang tao: kumuha siya ng putik (clay), minolde ito, hinipan at nabuhay.

Ito ang para bang ginagawa ni Hesus para sa lalaking isinilang na bulag, sa kuwento ng ebanghelyo. Parang binubuo ang hindi nakumpleto sa kanyang pangangatawan. May mata siya pero bulag mula sa pagkabata. Sa pinaghalong laway at lupa, gumawa ng putik ang Panginoon, ipinahid sa mga mata ng bulag, at pagkatapos pinaghugas siya sa balon. Pati pangalan ng balon ay matalinghaga: Siloam, na ang ibig sabihin ay “isinugo”. Iyun ang layunin niya: hinihilom niya ang bulag para maisugo siya, para makiisa siya sa pagmimisyon.

Hindi ginagamit ni San Juan ang salitang milagro para ilarawan ang pagpapagaling na ginawa ni Hesus. Mas gusto niyang gamitin ang salitang palatandaan. Kaya sa may bandang dulo, nasabi niya, “Naparito ako sa mundong ito para sa paghuhukom, upang makakita ang mga bulag at mabulag ang mga nakakakita.”

Nakakitang muli ang taong bulag mula sa pagkabata. Pero ano ang reaksyon ng mga Pariseo? Lumabag daw siya sa batas dahil pinagaling niya ang bulag sa araw ng Sabbath, araw na bawal ang gumawa ng kahit na anong trabaho.

Kapag mabuti na ang nangyayari pero masama pa rin ang nakikita, ano ang dapat itawag doon? Ano pa kundi espiritwal na pagkabulag? Sa pamamagitan ng pagpapagaling sa taong bulag mula sa pagkabata na hindi makitaan ng kabutihan ng mga Pariseo, naging malinaw ang punto ng Panginoon: mas madaling hilumin ang pisikal kaysa espiritwal na pagkabulag.

Applicable din ito sa baligtad na sitwasyon. Dito, mabuti ang nangyari pero masama ang nakita. Pwede ring mangyari na walang makitang anumang masama sa paligid niya ang tao, lalo na kung nagiging panatiko na siya. Di ba ba may palaisipan ang mga Tsino tungkol sa tatlong unggoy na nagtatakip ng mata, tenga at bibig: “See no evil, hear no evil, speak no evil”? Ibang klaseng pagkabulag din ito.

Sa iba’t ibang dako ng mundo, nauuso na naman ang mga lider o politiko na tinatawag na populista na mahilig sa giyera. Mga tipong mahusay mangumbinsi na sila ang magdadala ng madaliang solusyon sa mga problema ng lipunan. Na sagabal lang ang batas, na kailangan ang kamay na bakal. Mahusay silang mang-udyok ng galit at hinanakit, mahusay magturo ng kung sino ba ang dapat sisihin sa kahirapan ng tao, na mapapadali ang solusyon kung hahayaan silang puksain na lang na parang peste o salot ang mga ito.

Ito ang klase ng mga lider na nauuso na naman—mga tipong iniidolo. Bayani pa rin ang turing sa kanila kahit walang paggalang sa batas, kahit lantaran na ang kanilang mga krimen, nananatili pa ring tapat ang kanilang mga loyalista taga-suporta. Ibig sabihin hindi na mga mata lang ang may diperensya kundi puso at kaluluwa, na nabalutan na ng dilim. Sabi nga ng Panginoon sa Mateo 6, 23: “Kung malabo ang iyong mata, madidiliman ang buo mong katawan. Kung ang magsisilbing ilaw mo ay kadiliman, napakatinding kadiliman nito.”

Ito ang pagnilayan natin ngayong panahon ng Kuwaresma. Ito rin ang hilingin natin sa ating panalangin: “Panginoon, isugo mo po sa amin ang Banal na Espiritu at kami’y muling likhain, upang matanglawan ng liwanag ang aming mga puso at kaluluwa, at upang kami’y makabahagi mo sa patuloy na pagpapanibago sa daigdig. Amen.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,673 total reads

 63,673 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,551 total reads

 142,551 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 175,996 total reads

 175,996 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 211,295 total reads

 211,295 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 435,237 total reads

 435,237 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 15,112 total reads

 15,112 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 20,762 total reads

 20,762 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 20,024 total reads

 20,024 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »
Scroll to Top