Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 94 total views

Homiliya para sa Biyernes ng Ikatlong Linggo ng Kuwaresma

13 Marso 2026 – Marcos 12:28–34

Hindi ba parang nakapagtataka na nagdagdag pa si Hesus ng ikalawang utos, gayong ang tanong sa kanya ay tungkol lamang sa “pinakauna sa lahat ng utos”?

Pero bago ang pangalawa, ano ba ang ibig sabihin ng nagtatanong tungkol sa “pinakauna”? Sa ibang ebanghelyo, ang tanong ay “Alin ang pinakadakila?” Pareho lang iyon sa pinakauna—ibig sabihin, ang pinakamahalaga, o ang pinakabuod ng lahat ng utos. At bilang isang mabuting Hudyo, ibinigay ni Hesus ang expected na sagot—mula sa Deuteronomio 6:4–5. Ito ang kilala ng lahat ng mga Hudyo na “Dakilang Shema,” na kailangang kabisaduhin ng bawat kabataan bago umabot sa edad na labintatlo. Tinawag itong Shema dahil nagsisimula ito sa salitang Hebreo na shema, na ang ibig sabihin ay “Pakinggan mo” o “Dinggin mo.”

“Dinggin mo, O Israel! Ang Panginoon ang ating Diyos, ang Panginoon ay iisa! Kaya ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso,
nang buong kaluluwa, at nang buong lakas.”

Pero gaya ng nabanggit ko, nagdagdag pa si Hesus ng ikalawa, mula naman sa Levitico 19:18:
“Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.”

Tuwang-tuwa ang eskriba sa sagot ni Hesus. Inulit pa niya ito at nagdagdag pa ng paliwanag na galing sa propetang si Jeremias.

Bakit kaya nagdagdag pa si Hesus ng pangalawang utos, kung sapat na sana ang una para sagutin ang tanong ng eskriba?

Dahil hindi rin sapat kay Hesus na sagutin lang ang eskriba; gusto rin niya itong hamunin. Pansinin natin ang sinabi ni Hesus sa eskriba sa bandang dulo: “Hindi ka malayo sa kaharian ng Diyos.”

Parang papuri iyon, pero sa totoo lang isang hamon iyon. Alam nyo ba yung kantang: “So close, so close and yet so far.” ? Sa Tagalog-“Malapit man malayo din.”

Kapag sinabing “hindi ka malayo,” ibig sabihin malapit ka na—pero hindi rin niya sinasabing “nandoon ka na”, kundi wala ka pa roon.

Maayos ang sagot ng eskriba at malinaw na naiintindihan niya ang sinabi ni Hesus. Pero para kay Hesus, hindi sapat ang pag-unawa lamang. Kahit naman ang demonyo ay marami ring alam tungkol sa Diyos at mahilig ding magbanggit ng mga talata mula sa Bibliya.

Iba ang alam mo kung ano ang tama, at iba rin ang ginagawa mo ang tama. Parang sinasabi ni Hesus: Malapit ka na sa kaharian dahil naiintindihan mo na ang kautusan. Pero hindi ka pa nakakaabot doon hangga’t hindi mo ito isinasabuhay.

Sa bersiyon ni San Lucas ng halos tungkol din sa pinakamahalagang utos (Lucas 10:25–37), imbes na sagutin, ibinalik ni Hesus ang tanong sa lalaki. At ang eskriba mismo ang sumagot sa sarili niyang tanong:

“Ibigin ang Diyos nang buong puso, at ang kapwa gaya ng sarili.”

Sumagot si Hesus:

“Tama ang sagot mo. Gawin mo ito.”

Doon nagsimula ang hamon para sa eskriba. Dahil humirit pa siya matapos sagutin ang sariling tanong. Sinubukan pa niyang ipagtanggol ang sarili sa pamamagitan ng follow-up question:
“Sino ba ang aking kapwa?”

At imbes na paliwanag, isang kuwentong patalinghaga ang isinagot ni Hesus: ang talinghaga ng Mabuting Samaritano.

May katbas dim ito San Juan sa kanyang unang sulat (1 Juan 4:20), pero mas direkta at prangka:

Kung sinasabi daw ng isang tao na mahal niya ang Diyos pero kinapopootan niya ang kanyang kapwa, sinungaling siya. Paano daw niya masasabi na mahal niya ang Diyos na hindi niya nakikita kung hindi mo naman alam mahalin ang kapwa na kanyang nakikita?

Sa totoo lang ito ang background kung bakit ipinagbabawal sa pananampalatayang Hudyo ang paggawa ng mga larawan ng Diyos na hindi nakikita. Bakit? Dahil ginawa na ng Diyos mismo ang pinakamalinaw na larawan niya—ito’y walang iba kundi ang tao mismo. Ang taong kalarawan ng Diyos.

Kaya din siguro sa nobelang LES MISERABLES, naisulat ni Victor Hugo: To love another person is to see the face of God.

“Nakikita ng taong magmamahal ang mukha ng Diyos sa kanyang kapwa.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 7,003 total views

 7,003 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 35,008 total views

 35,008 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 52,808 total views

 52,808 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 52,522 total views

 52,522 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 164,676 total views

 164,676 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMMUNION

 2,009 total views

 2,009 total views Homily for the Coronation Feast of Our Lady of the Rosary of Manaoag, 19 April 2026 – 3rd Sunday of Easter (Lk 24:13–35)

Read More »

ANG KABALINTUNAAN NG KRUS

 12,214 total views

 12,214 total views Biyernes Santo 2026 – Jn 18:1–19:42; 1 Cor 1:18–25 Mga kapatid, bago tayo magbigay-pugay sa Krus, inaanyayahan ko kayong samahan akong magnilay tungkol

Read More »

PAGDURUSANG TUMUTUBOS

 13,243 total views

 13,243 total views Homiliya para sa Miyerkoles Santo, 1 Abril 2026, Mat 26:14-25 Kagabi, nagbigay ako ng rekoleksyon tungkol sa apat na tula ni propeta Isaias

Read More »

PAGDURUSANG TUMUTUBOS

 11,094 total views

 11,094 total views Homiliya para sa Miyerkoles Santo, 1 Abril 2026, Mat 26:14-25 Kagabi, nagbigay ako ng rekoleksyon tungkol sa apat na tula ni propeta Isaias

Read More »
Scroll to Top