Pagtitipid, panawagan ng Obispo sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 534 total reads

Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga Pilipino higit na ang mga Overseas Filipino Workers at Filipino Migrants na manatiling mahinahon at huwag mangamba sa pagharap ng sambayanan sa mga suliraning kinakaharap ng ekonomiya dulot ng giyera sa pagitan ng Amerika at Iran.

Dahil sa patuloy na digmaan sa Gitnang-Silangan, halos tumaas ng 50-porsiyento ang presyo ng mga produktong petrolyo kasunod na ang pagtaas sa halaga ng mga pangunahing bilihin gayundin ang mga pampublikong serbisyo.

“Lubos kong nauunawaan ang hirap na dinaranas ng ating mga maralitang pamilya, ng ating mga migranteng manggagawa, at ng ating mga Overseas Filipino Workers na nagsusumikap sa ibang bansa para sa kanilang pamilya. Ang inyong sakripisyo ay nakikita ng Diyos at pinahahalagahan ng ating bayan. Hindi lamang ninyo pasan ang sarili ninyong hirap, kundi pati ang pangarap at pag-asa ng inyong mga mahal sa buhay,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Santos asa Radyo Veritas.

Pinaalalahahan naman ng obispo ang sambayanang Pilipino na iwasan ang mag-panick buying, makuntento sa anong kaya at meron, pag-iwas sa pamamasyal, pagkumpuni sa mga nasirang gamit sa halip na bumili ng bago at pag-ipon sa hinaharap.

Nanawagan din ang Obispo ng maayos na budget system sa tahanan, pagpapaliban sa magagarbong selebrasyon, pagtutulungan bilang komunidad, panatilihing matatag ang pamilya at manalangin para sa ikakabuti ng sambayanan.

“Mga kapatid, kilala ang Pilipino sa tibay ng loob, malasakit sa kapwa, at matibay na pananampalataya. Marami na tayong pinagdaanang pagsubok bilang isang bayan, ngunit sa tulong ng Diyos at sa ating pagkakaisa, patuloy tayong bumabangon. Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Sa halip, gawing pagkakataon ang mga pagsubok na ito upang lalo pang mapalalim ang ating pagmamahalan at pagtitiwala sa Diyos.”
ayon pa sa mensaheng pinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Dahil sa digmaan sa Gitnang Silangan, tinatayang umabot sa 200-US dollars ang presyo ng kada bariles ng mga produktong petrolyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 12,158 total reads

 12,158 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 72,656 total reads

 72,656 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 94,347 total reads

 94,347 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 175,002 total reads

 175,002 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 276,070 total reads

 276,070 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top