Aminin ang pagkakasala at magbalik loob sa panginoon, panawagan ni Bishop Gaa sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 708 total reads

Nanawagan ang mga lider ng Simbahan sa mga mananampalataya na kilalanin ang kanilang mga pagkukulang at magsikap na magbago bilang bahagi ng sama-samang pagninilay at pagsisisi ng Simbahan sa isinagawang Confessio Peccati na pinangunahan ng mga consecrated persons.

Ayon kay Novaliches Bishop Roberto Gaa, layunin ng inisyatiba na pukawin ang kamalayan ng mamamayan upang higit na mapangalagaan hindi lamang ang kalikasan kundi maging ang mga ugnayang panlipunan.

“Isang bagay ang pag-amin na tayo ay nagkulang, pero kaakibat ng pag-amin na tayo ay nagkulang ay ang ating pagnanais na magbago,” pahayag ni Bishop Gaa sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ng obispo na mahalaga ang pagkilala sa mga pagkukulang bilang simula ng tunay na pagbabago, lalo na sa pangangalaga sa mga mahihinang sektor at mga nasa laylayan ng lipunan.

“Kailangang pangalagaan ang mga social structures na nangangalaga sa mga mahihirap, sa mga laborer, at sa mga pinakamahina sa sektor,” ayon sa obispo.

Umaasa rin si Bishop Gaa na magsisilbing paanyaya ang gawain upang gisingin ang kamalayan ng lipunan sa kanilang pananagutan sa kapwa at sa komunidad.

“Sana ito ay magpumukaw sa puso at isip ng mga tao na magising, mag-isip kung ano nga ba ang kailangang gawin, ano ang bahagi natin dito para mapangalagaan ang ating pamilya, ang universal family,” dagdag pa ng obispo.

Samantala, binigyang-diin naman ni Franciscan priest Fr. Angel Cortez, co-executive secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines, na ang paghingi ng tawad ay mahalagang hakbang upang maranasan ng tao ang awa at kapatawaran ng Diyos.

“Hindi natin matatanggap ang kapatawaran ng Diyos kung ang mga kasalanan natin bilang mga Katoliko at Kristiyano ay hindi natin aangkinin at aaminin,” paliwanag ni Fr. Cortez.

Ayon sa pari, ang paggunita sa Daan ng Krus ay paalala na sa kabila ng mga krisis at suliraning kinahaharap ng lipunan ay nananatili ang pag-asa sa pamamagitan ng pagmamahal at awa ng Panginoon.

“Sa lahat ng issue at crisis na pinag-uusapan, darating din ang tagumpay sa pamamagitan ng pagmamahal at awa ng Panginoong Hesukristo,” ani Fr. Cortez.

Dagdag pa ng pari, hindi dapat manatili sa panlabas na gawain ng debosyon ang pananampalataya ng mga mananampalataya kundi dapat itong magbunga ng tunay na pagbabagong-loob.

Isinagawa ang Confessio Peccati sa temang “Daan ng Krus, Lakbay ng Pag-asa at Pananampalataya” bilang bahagi ng panawagan ng mga consecrated men and women na hikayatin ang mga mananampalataya na magnilay sa kanilang mga pagkukulang sa Diyos, sa kapwa, at sa kalikasan, kasabay ng pananalangin para sa pagbabagong moral at panlipunan ng bansa.

Nagsimula ang gawain sa San Jose, ang Tagapagtanggol Parish na pinangunahan ni CMSP Chairperson Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, kung saan halos 1,000 consecrated persons at mga layko ang sama-samang nagsagawa ng Daan ng Krus patungong Cathedral Shrine and Parish of the Good Shepherd, kung saan pinangunahan ni Bishop Gaa ang closing rites ng Confessio Peccati 2026.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 49,710 total reads

 49,710 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 86,942 total reads

 86,942 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 122,241 total reads

 122,241 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 348,511 total reads

 348,511 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 239,036 total reads

 239,036 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top