Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,900 total reads

Homiliya para sa Biyernes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, 27 Marso 2026, Juan 10:31-42

Ang kuwaresma ay panahon ng pagsasanay na espiritwal. At isa sa mga disiplina na kailangang matutuhan natin bilang tao ay paglilinis ng kalooban. Isang malinaw na ebidensya kung bakit importanteng disiplina ito ay ang nangyayari ngayong krisis sa Gitnang Silangan.

Nilusob ng Israel at America ang Iran. Unang araw pa lang ng paglusob nila—patay ang 168 sa mga batang estudyante, 80 marinong Iranian na hindi armado sa barko nila sa may Sri Lanka. Patay ang marami sa pamilya ng kanilang Supreme Ayatollah. Wala nang batas-batas na sinusunod kundi ang batas ng lakas.

Ano ang kasunod? Gumanti ang Iran. Nagpalipad ng mga drones at missiles patungong Israel at sa mga base militar ng America. Muling gumanti ang America at Israel—pinasabog ang mga oil wells at military installations ng Iran, gayundin ang mga kuta ng Hezbollah sa Lebanon. Gumanti ang Iran, isinara ang stait of Hormuz para matigil ang 20% na supply ng langis na nanggagaling sa Gulf States. At lahat tayo ngayon apektado sa matinding economic crisis na idinulot nito.

Ang hirap talaga ng sitwasyon kapag ang anak mo binubully pala sa school pero di niya masabi sa magulang niya. Araw araw niyang kikimkimin ang galit sa loob niya at ang pagnanais na makaganti. Kaya di ba ang daming beses nating makarinig sa America ng mga kabataan na biglang magwawala, papasok sa school na may dalang baril at basta na lang ilalabas ang matagal nang kimkim na galit kahit sa mga taong walang kinalaman sa nambully sa kanya?

Ang mga kausap ni Hesus sa ebanghelyo, mukhang marami ring kimkim na basurang espiritwal sa loob nila. Feeling nila iniinsulto sila ni Hesus, kaya pumupulot kaagad ng batong ipupukol sa kanya. Sa dahas ng kamay inilalabas ang galit nila.

Aminin natin, kapag nasaktan tayo, natural ang magngitngit; gusto mo ring manakit. Ang mga pagbasa natin ngayon ay magandang paalala kung ano ang dapat gawin kapag sumisidhi ang sama ng loob at natutukso tayong gumanti at manakit sa pamamagitan ng salita at gawa?

Sa first reading, kay propeta Jeremias, ang sagot ay: isumbong mo sa Diyos. Binully din si Jeremias. At sa unang pagbasa naghihinga siya ng sama ng loob. Sa tindi ng hinanakit, gusto rin niyang manakit, magwala, at maghiganti. Pero imbes na magpadala sa udyok ng galit, inilabas niya sa panalangin. Inireklamo niya sa Diyos. Sabi niya, “Panginoon natatalos po ninyo ang nasa isip at puso ko. Ipakita mo sa akin ang iyong paghihiganti; sa iyo ko ipinagkakatiwala ang sama ng loob ko.”

May tawag tayo dito, tayong mga Pilipino sa mga ganitong sitwasyon na parang gusto mong magwala: i poagpasa-Diyos mo. Ihinga mo sa Kanya. Sa kanya mo sabihin. Murahin mo sila na walang ibang makakarinig kundi ang Panginoon. Ilabas mo ang kimkim mong galit, isigaw mo, iiyak mo, ipagdasal mong magdusa at mamatay na silang lahat kung iyon ang ramdam mo. Pero siyempre, Thy will be done pa rin sa dulo; suggestion lang naman po, Lord.

Hindi naman totoong puro “Praise the Lord” lang ang puwede nating sabihin sa dasal. Sa harap man lang ng Diyos magpakatotoo naman tayo, huwag tayong magkunwari dahil alam naman niya ang kaloob-looban natin.

Maganda ang payo ni San Pablo:

“Matuto kayong magpuno sa pagkukulang ng isa’t isa. Pag may hinanakit kaninuman, matutong magpatawad dahil pinatawad din kayo. Papaghariin sa puso ang kapayapaan dahil bahagi kayo ng iisang katawan. Tinawag kayo ng Diyos para mabuhay na mapayapa. At maging mapagpasalamat kayong lagi.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 22,706 total reads

 22,706 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 84,400 total reads

 84,400 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 130,098 total reads

 130,098 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 231,366 total reads

 231,366 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 300,254 total reads

 300,254 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

THE POPE WHO NEVER CAME HOME

 2,288 total reads

 2,288 total reads As I follow Pope Leo XIV’s apostolic journey through Argentina, I cannot help thinking of Jorge Mario Bergoglio, the man who left Buenos

Read More »

NADALÂ NA

 13,226 total reads

 13,226 total reads There is a Filipino expression that is difficult to translate into English: Nadalâ na. Perhaps the closest equivalent is, “We’ve learned our lesson.”

Read More »

WHY CONTEXT MATTERS

 17,164 total reads

 17,164 total reads Why has Iran been attacking its neighbors in the Gulf? One explanation is that several Gulf states host American military installations, some of

Read More »

REMEMBER ME

 19,991 total reads

 19,991 total reads Homily for All Souls’ Day — November 2, 2026, Wisdom 3:1–9; Psalm 23; Romans 6:3–9; John 6:37–40 In 1987, when I was still

Read More »
Scroll to Top