Sambayanang Pilipino, hinimok ng DENR na makiisa sa Earth Hour 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,874 total views

Hinikayat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lahat ng Pilipino na makiisa sa taunang paggunita ng Earth Hour.

Ayon kay DENR Secretary Juan Miguel Cuna, maipapakita ang pakikibahagi sa pandaigdigang kampanya sa pamamagitan ng simple ngunit makabuluhang hakbang, tulad ng pagpapatay ng mga ilaw at pagtanggal sa saksakan ng mga appliances na hindi ginagamit, kahit isang oras lamang.

Batid ni Cuna ang nararanasan ng mamamayan dulot ng epekto ng pagbabago ng klima—mula sa matinding init, lumalalang pagbaha, hanggang sa tumataas na singil sa kuryente.

“Ang kalikasan ay bahagi ng ating araw-araw na buhay. Kaya’t malinaw ang direktiba ng Pangulo: dapat kumilos ang pamahalaan sa mga problemang nararamdaman ng tao araw-araw, at kumilos ngayon,” ayon kay Cuna.

Ipinapaalala ng kalihim na bahagi ng mga hakbang ng DENR ang paglilinis ng mga daluyan ng tubig, pagpapalakas ng sistema sa pamamahala ng baha, pagbibigay ng malinis na tubig, at maayos na pangangasiwa ng likas na yaman upang mas ligtas ang mga pamilya at mas matatag ang gastusin.

Ngunit, ayon kay Cuna, hindi sapat na pamahalaan lamang ang kikilos, kaya’t mahalaga ang sama-samang pagtutulungan ng bawat mamamayan para sa kapakanan ng kalikasan.

“Isang oras lamang—ngunit kapag sama-sama, ibig sabihin nito ay mas kaunting konsumo ng enerhiya, mas kaunting pasanin sa kalikasan, at isang hakbang tungo sa pagprotekta ng ating mga tahanan at kinabukasan,” saad ni Cuna.

Una nang sinabi ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na ang isang oras ng kadiliman ay maaaring maging liwanag ng pag-asa na magtutulak sa mas malalim na pagninilay, tunay na pagbabagong-loob, at konkretong pagkilos para sa kalikasan.

Taunang ipinagdiriwang ang Earth Hour bilang bahagi ng pandaigdigang kampanya para sa enerhiya at kalikasan, na naglalayong himukin ang publiko at pamahalaan na maging mas responsable sa paggamit ng kuryente at pangangalaga sa kapaligiran.

Ika-18 taon na ng pakikibahagi ng Pilipinas sa Earth Hour, na unang isinagawa noong 2007 sa Sydney, Australia, at ngayo’y ipinagdiriwang sa mahigit 185 bansa at lugar sa buong mundo bilang simbolo ng sama-samang pagkilos para sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 49,595 total views

 49,595 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 174,006 total views

 174,006 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 216,279 total views

 216,279 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 294,098 total views

 294,098 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top