Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Malinis na Traslacion, panawagan ng environmental group sa Nazareno 2024

SHARE THE TRUTH

 35,907 total views

Hinimok ng EcoWaste Coalition ang mga deboto ng Poong Jesus Nazareno na ipahayag ang pananampalataya sa pagpapakita ng paggalang sa inang kalikasan.

Ito ang panawagan ng environmental watchdog group sa ginanap na pagtitipon sa harapan ng Minor Basilica and National Shrine of the Black Nazarene sa Quiapo, Maynila para sa nalalapit na kapistahan ng Poong Nazareno o Nazareno 2024 sa Martes, Enero 9.

Inihayag ni EcoWaste Zero Waste Campaigner Ochie Tolentino na isabuhay nawa ng mga deboto at mananampalataya ang mga katagang “Kalakip ng Debosyon ang Malinis na Traslacion”, sa pamamagitan ng pag-iwas sa paglikha ng kalat at basura ngayong Nazareno 2024.

“We appeal to all devotees as people of strong faith to join hands in solidarity to make this year’s Traslacion as litter-free as possible. Not leaving any garbage behind along the processional route from Rizal Park to Quiapo Church will mirror our understanding of our role and responsibility as stewards of God’s creation,” panawagan ni Tolentino.

Matapos ang tatlong taong pag-iral ng coronavirus pandemic ay muling ibabalik ang tradisyunal na prusisyon ng Poong Nazareno o traslacion mula Quirino Grandstand sa Rizal Park patungo sa Quiapo Church.

Pagbabahagi ni Tolentino na sa mga nakaraang Traslacion bago ang pandemya ay naitala ang malaking bilang ng mga nakokolektang basura tulad ng single use plastics, food containers, at mga upos ng sigarilyo.

Tema ng Nazareno 2024 ang “Ibig po naming makita si Hesus” na hango sa ebanghelyo ni San Juan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,406 total views

 73,406 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,401 total views

 105,401 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,193 total views

 150,193 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,141 total views

 173,141 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,539 total views

 188,539 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 649 total views

 649 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,711 total views

 11,711 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 6,524 total views

 6,524 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top