Mamamayan, hinimok na isulong ang renewable energy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,438 total reads

Hinikayat ng Oxfam Pilipinas ang publiko na isulong ang paggamit ng renewable energy sa gitna ng patuloy na banta ng Climate Change.

Sa panayam ng programang “Dapat All Equal” kay Maria Rosario Felizco, Country Director ng Oxfam Philippines, sinabi nito na mahalaga na magkaroon ng kaalaman at pakikibahagi ang mamamayan sa pagsusulong na mas gamitin ang renewable energy dahil na rin sa hindi mapigilang pagbabago sa ating klima na siyang nagdudulot ng mga mapaminsalang kalamidad at labis na epekto sa kabuhayan ng mga ordinaryong mamamayan.

Naniniwala si Felisco na kailangan ng suporta at pakikilahok ng taongbayan upang mas tumibay ang pagsusulong na gawing prayoridad ang paggamit ng renewable energy.

“Ito ang madalas natin sinasabi sa Oxfam na iisa lamang ang ating planeta wala naman tayong lilipatan kaya wala tayong choice kundi gawin ang makakaya natin para mas lalo pa natin mapigil yun lalong mapaminsala na climate change kaya lahat tayo ay may dapay ibahagi alamin ang issue sa climate change ating isulong ang mga alternatibong solusyon gaya ng renewable energy” paliwanag ni Felizco.

Tiniyak din ng tagapamuno ng Oxfam Philippines na patuloy silang magsasagawa ng mga programa o proyekto na makakatulong sa mga mahihirap at mga nasa malalayong komunidad gamit ang mga makabagong pamamaraan na hindi magdudulot ng labis na pinsala sa ating mundo.

“sinusulong natin ang paggamit ng renewable energy kung saan halimbawa may tinutulungan tayong mga komunidad sa Eastern Samar para magamit ang renewable energy, meron tayong tinutulungan na mga komunidad sa Maguindanao na sila naman ay mga binabaha at meron din conflict sa kanilang mga area, meron tayong binigay na mga solar generators at solar lamps, mahalaga yun sa kanila kasi wala silang ibang pinagkukunan nun mga solar powered na loudspeakers at sa Camarines Sur naman binigyan natin ang mga magsasaka ng ‘solar rice dryer’ kaya puwede sila magpatuyo ng palay kahit umuulan gamit ang solar.” Dagdag pa ni Felizco.

Batay sa pag-aaral, isa ang Pilipinas sa 10 mga bansa sa buong mundo na pinaka nakakaranas ng displacement o paglikas sa mga tirahan dahil sa mga mapaminsalang kalamidad na epekto ng nagbabagong klima.

Ang Simbahang Katolika sa Pilipinas ay masigasig din na isinusulong ang pangangalaga sa kalikasan at paggamit ng renewable energy kung saan ilang mga Simbahan na sa Visayas at Mindanao ang gumagamit nito.

Mapapakinggan ang bagong programa na ‘Dapat all Equal’ ng Oxfam Pilipinas sa Radio Veritas 846 tuwing ika-4 na Miyerkules ng buwan at mapapanood din sa Veritas846.ph facebook page.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,580 total reads

 11,580 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 12,861 total reads

 12,861 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 26,856 total reads

 26,856 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 64,234 total reads

 64,234 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 95,504 total reads

 95,504 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 171,013 total reads

 171,013 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 263,937 total reads

 263,937 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 100,274 total reads

 100,274 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top