1,672 total views
Inihayag ng Obispo ng Antipolo at Taytay Palawan ang suporta sa Caritas Manila sa pagpapabuti ng buhay ng mga mahihirap.
Ipinaabot ni ni Antipolo Bishop Ruperto Santos at Taytay Palawan Bishop ang suporta at panawagan sa mamamayang Pilipino na makiisa sa Caritas Manila – Damayan Alay Kapwa Telethon 2025 sa Radio Veritas upang palakasin pa ang mga programang magtataas sa antas ng pamumuhay ng mga maralita.
Iginiit ni Bishop Pabillo na ang suporta sa mga pro-poor programs lalu na sa Damayan program ng Caritas Manila ay natutugunan ang lumalalang suliranin ng kahirapan sa bansa.
“Suportahan po natin ito at maging mas close po tayo sa pag-support po sa mga programa ng Caritas Manila dahil yan po ay nakakatulong sa maraming mga mahihirap, alam po natin na ang mga kalaban ng ating bansa ngayon ay malaking kahirapan kaya sa anumang paraan na makakatulong tayo na sugpuin ang kahirapan ay nakakatulong po tayo sa pag-unlad ng ating bayan at nakikiisa po tayo kay Hesus sa kaniya pong kahirapan para po sa ating kaligtasan, suportahan po natin ang Damayan Telethon,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.
Inaanyayahan naman ni Bishop Santos ang mamamayan na magsilbing daluyan ng pag-ibig ng panginoon sa kapwa at pagpapalaganap ng kawanggawa sa kapwang nangangailangan.
Sinabi ni Bishop Santos na ang mumunting tulong na maipagkaloob sa Caritas Manila ay magpapaigting sa mga programa na maghahango sa mga mahihirap sa dinaranas na kahirapan, magpapalakas sa scholarship program sa mga under-privileged at life-saving assistance sa oras ng kalamidad at krisis.
“I invite you to join hands in solidarity with Caritas Manila for its annual Damayan Alay Kapwa Telethon 2025. This inspiring endeavor stands as a ray of inspiration, igniting the spirit of generosity and love that we are called to live as followers of Jesus.Through your heartfelt donations and unwavering support, Caritas Manila continues its noble mission to uplift the lives of our brothers and sisters who struggle in the shadows of poverty and despair. The funds raised will fuel programs that aim to alleviate hunger, provide scholarships to the underprivileged, and offer life-saving assistance in times of calamity and crisis. Together, we can embody the light of Christ and bring relief, dignity, and opportunity to those most in need. As we reflect on the gift of the Resurrection during this Easter season, let us also remember our duty to embody Christ’s teachings in our daily lives,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Ang malilikom ng Caritas Manila – Damayan Alay Kapwa Telethon 2025 ay ilalaan sa pagtugon ng Caritas Manila sa pangangailangan at pagbangon ng mga nasalanta ng bagyo, pagpapakain sa mga batang biktima ng malnutrisyon, lactating mothers at pagpapaaral sa mga mahihirap na estudyante sa ilalim ng YSLEP.