Bagong assignment ng mga pari sa Diocese of Tagbiliran, isinapubliko ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,063 total reads

Inihayag ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy na ang mga langis na binasbasan ng simbahan tuwing Chrism Mass ay tanda at paalalang makibahagi sa misyon ni Hesus.

Ayon sa obispo sa pamamagitan ng mga sakramento ng simbahan nawa’y magdudulot ito ng pag-asa sa pamayanan lalo’t higit ang mga pinanghihinaan.

Pinangunahan ni Bishop Uy ang Chrism Mass ng diyosesis nitong Lunes Santo, April 14, kung saan kasabay ng pagbabasbas ng mga langis ay isinagawa rin ang pagsariwa ng pangako ng mga pari sa kanilang tungkuling pagpapastol sa kawang ipinagkatiwala sa kanilang pangangalaga.

“The oil we bless today is not just a symbol, but a sign of the mission we are called to embrace: To be bearers of hope in a world that thirsts for it” bahagi ng pagninilay ni Bishop Uy.

Kabilang sa mga binabasbasang langis ang para sa mga maysakit, langis para sa mga inihahanda sa binyag at banal na krisma.

Ito ay ginagamit ng simbahan sa paghahatid ng mga sakramento tulad ng binyag, kumpil, para sa mga may karamdaman at pag-oorden sa mga pari ng simbahan.

Ngayong taon kasabay ng pagsariwa ng pangako ng mga pari sa kanilang tungkulin sa simbahan ay isinapubliko rin ni Bishop Uy ang bagong assignment ng mga pari para sa halos 60 mga parokya, mission stations, chapels, parochial schools at iba pang tanggapan ng diyosesis.

Kabilang sa mga itinalaga ng obispo sa kanilang tungkulin bilang Vicar General si Fr. Gerardo Saco, Jr.; Chancellor naman si Fr. Heraldin Laniba; Oeconomus si Fr. Jofel Naraga; Judicial Vicar si Fr. Milan Ted Torralba habang Judge of the Tribunal of the First

Instance naman sina Fr. Torralba kasama sina Msgr. Harold Anthony Parilla at Fr. Frankeley Balladares, PACEM.

Katuwang ni Bishop Uy sa pagpapastol sa halos isang milyong katoliko ng Diocese of Tagbilaran ang humigit kumulang 180 mga pari na mayorya ay diocesan priests.

Umapela naman si Bishop Uy sa mananampalataya na patuloy ipanalangin ang mga pari na manatiling tapat sa tungkuling mangalaga sa pastoral at espiritwal na pangangailangan ng mamamayan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 29,447 total reads

 29,447 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 18,120 total reads

 18,120 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 54,728 total reads

 54,728 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 156,550 total reads

 156,550 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 197,109 total reads

 197,109 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 216,993 total reads

 216,993 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top