Program Paghilom founder, isa sa 12-indibidwal na huhugasan ng paa ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,672 total reads

Pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mahalagang pagdiriwang ngayong Paschal Triduum sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral.

Sa Huwebes Santo ng alas sais ng umaga makikiisa ang cardinal sa morning prayer bago ang Chrism Mass sa alas siyete ng umaga kung saan babasbasan ang mga langis at ang rito ng pagsasariwa ng pangako ng mga pari.

Sa pagsisimula ng banal na triduo pangungunahan ni Cardinal Advincula ang Misa sa Huling Hapunan sa alas singko ng hapon kung saan isasagawa rin ang nakagawiang paghuhugas ng paa sa 12 indibidwal mula sa iba’t ibang sektor.

Ngayong taon kabilang sa mga huhugasan ng paa sina Fr. Flavie Villanueva, SVD – pari; Sr. Mary Jane Valerio, MCST – madre; Jhanella Aguado – guro; Thessalonica Cadiz -Pychometrician; John Rey Espinoza – mula sa sektor ng kabataan; Leah Gatdula – magulang; Philip Sumera – Charismatic Leader; Dr. Anthony Leachon – Doctor; Lourdes Villaram – PPCRV member; Jenneson Carl – Church volunteer; Marielle Alegue – TNK member; at, Paterno Esmaquel sa sektor ng mamamahayag.

Susundan ito ng paglalagak ng Banal na Santisimo sa altar of repose ng cathedral kasabay ng pagtatanod ang pagsasagawa ng sakramento ng kumpisal.
Sa Biyernes Santo pangunahan din ng cardinal ang pagdiriwang sa Pagpapakasakit ng Panginoon sa alas tres ng hapon habang sa Sabado de Gloria ng alas otso ng gabi ang Magdamagang Pagdiriwang sa Muling Pagkabuhay ni Hesus.

Kaugnay nito mapakikinggan sa Radio Veritas 846 ang live coverage sa lahat ng mga gawain ng Manila Cathedral at matutunghayan sa DZRV 846 Facebook Page at Veritas TV sa Sky Cable 211.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 108,025 total reads

 108,025 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 193,406 total reads

 193,406 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 257,245 total reads

 257,245 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 337,622 total reads

 337,622 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 415,509 total reads

 415,509 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top