Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

36-taong anibersaryo sa pagkapari, ipinagdiwang ni Bishop Mesiona sa inaangking lupain sa Mariahangin

SHARE THE TRUTH

 1,758 total views

Ipinagdiwang ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang kanyang ika-36 anibersaryo sa pagkapari sa pamamagitan ng Banal na Misa sa Our Lady of Perpetual Help Chapel sa Sitio Mariahangin, Bugsuk, Balabac, Palawan, nitong Lunes Santo, April 14.

Ayon kay Bishop Mesiona, maituturing itong isa sa pinakamakahulugang anibersaryo bilang pari, sapagkat ipinagdiwang ito kasama ang mga residente ng Sitio Mariahangin na kasalukuyang nahaharap sa banta ng sapilitang pagpapaalis mula sa mga lupaing ninuno.

Iginiit ng obispo na nagkakaroon lamang ng tunay na kahulugan ang pagkapari kapag ito’y isinasabuhay sa piling ng mga taong nangangailangan ng tulong at paggabay ng Panginoon.

“It’s 36 years ago today since I was ordained as a priest, and to be honest, this is one of the most meaningful anniversaries I celebrate because I spend it here in Mariahangin with people who are under threat of being displaced from their homes. The priesthood can only be meaningful against the backdrop of the people you are called to serve,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Mesiona.

Bago ito, pinangunahan ni Bishop Mesiona, kasama sina Fr. Diego “Jiggs” Orcino, SVD, at Fr. Jumen Ma. Arcelo, OSM, ang pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas sa Sitio Mariahangin nitong April 13–ang unang pagdiriwang sa loob ng mahigit tatlong dekada.

Binisita rin ng obispo at ilang mga pari ang mga residente ng lugar na patuloy na nagbabantay sa pamayanan at lupaing ninuno laban sa presensya ng mga armadong guwardiya.

Taos-puso naman ang pasasalamat ng mga residente at ng SAMBILOG Balik Bugsuk Movement sa pagdalaw nina Bishop Mesiona at mga pari, na sumisimbolo ng pakikiisa ng simbahan sa patuloy na laban para sa karapatan sa lupaing ninuno, seguridad, at dignidad ng mga taga-Sitio Mariahangin.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 73,603 total views

 73,602 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 81,377 total views

 81,377 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 89,558 total views

 89,557 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 105,147 total views

 105,146 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 109,089 total views

 109,089 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 2,054 total views

 2,054 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 3,407 total views

 3,407 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top