Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 98,403 total views

Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan?

Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng senior citizen na PWD ang pinag-tripan ng kanyang lalaking apo habang nagtatawanan ang iba niyang kasama. Nangyari ito sa Antipolo, Rizal. Gamit ang tuhod niya, inangat-baba ng lalaking apo ang kanyang lola habang hawak niya siya sa magkabilang braso. Bagamat hindi nagsalita ang lola, makikitang nasaktan siya noong maglakad siya palayo nang mabagal at hawak ang kanyang braso. Inireklamo sa barangay ng pamangkin ng lolang PWD ang ginawa ng lalaki. Napag-alaman ding madalas itong mangyari, dahil nakasanayan na daw ng lalaking apo na makipaglaro sa kanyang lola, pero ngayon lang ito nakuhanan ng video. Para sa nagreklamong kaanak, hindi na ito laro o biro lamang dahil makikitang nasaktan ang lolang PWD.

Wala pang isang linggo, isang video ng isang babaeng PWD sa Pasig ang nag-viral. Sa video, sinabi niya na walang suportang ibinibigay ang kasalukuyang mayor ng Pasig sa mga PWD, kaya ang kalaban ng alkalde daw ang kanyang iboboto. Nadismaya ang pamangkin ng PWD sa video. Aniya, offensive ang nangyari dahil sinamantala ang kahinaan ng kanyang tiyahin para gamitin sa pamumulitika. Sabi naman ng nanay ng PWD, distressed o nababahala ang kanyang anak ngayon dahil sa nangyari. Hindi raw kasi alam ng PWD na ito ay ipo-post. Nagpunta lamang siya sa kabilang barangay upang makakuha ng libreng bigas mula sa isang tumatakbong kandidato, at sinabihang kailangan siyang kunan ng video bago umuwi.

Nakasaad sa Magna Carta for Disabled Persons na bawal kutyain at gawing katatawanan ang mga PWD. Sakop din ang mga PWD ng Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act, na nagbabawal sa pananamantala ng kanilang kondisyon. Sa dalawang batas na ito, binibigyang-halaga ang pagkakaroon ng isang lipunan kung saan makapamumuhay ang mga PWD nang malaya at may dignidad. Kabilang dito ang pagrespeto sa kanilang mga karapatan at pagbibigay sa kanila ng mga oportunidad upang mapabuti ang kanilang mga sarili.

Sabi nga ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, hindi lang dapat pag-aalaga sa mga PWD ang ating inaalala, kundi pati ang pagtiyak sa kanilang aktibong partisipasyon sa kanilang pamayanan. Ibig sabihin, hindi natin dapat tingnan ang mga PWD bilang mga passive recipients o tagatanggap lamang ng ating habag at tulong. Sila dapat ay tinatrato bilang mga taong may likas na halaga at kakayanang mag-ambag sa lipunan.

Makikita natin itong nangyari sa kuwento ni Bartimeo sa Ebanghelyo ni San Marcos. Nang mapansin ni Hesus ang bulag na si Bartimeo, pinalapit Niya siya at tinanong, “Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?” Sumagot si Bartimeo, “Guro, gusto ko pong makakitang muli.” Bagamat obvious naman ang pagiging bulag ni Bartimeo, binigyan pa rin siya ni Hesus ng pagkakátaóng sabihin ang kanyang pangangailangan, isang aksyong nagbigay-dignidad kay Bartimeo bilang isang tao.

Mga Kapanalig, gaya ng ginawa ni Hesus kay Bartimeo, bigyang-lakas natin ang ating mga kapatid na PWD. Hindi sila dapat pagsamantalahan, gawing katatawanan, o tingnan lamang bilang mga alagain na walang kakayahang mag-isip. Hindi sila manhid o mangmang. Karapat-dapat na sila ay makita at irespeto bilang mga indibidwal na may dignidad at may mga karapatan, kasabay ng ating pagiging sensitibo sa kanilang mga pangangailangan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 10,810 total views

 10,810 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 26,899 total views

 26,899 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 64,656 total views

 64,656 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 75,607 total views

 75,607 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 20,215 total views

 20,215 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 10,811 total views

 10,811 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 26,900 total views

 26,900 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 64,657 total views

 64,657 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 75,608 total views

 75,608 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 91,489 total views

 91,489 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 92,216 total views

 92,216 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 113,005 total views

 113,005 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 98,466 total views

 98,466 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 117,490 total views

 117,490 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top