Mamamayan, inaanyayahan ng CBCP na makiisa sa paggunita ng World Day of Grandparents and the Elderly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 640 total reads

Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Family and Life ang manamayan na makibahagi sa paggunita ng kauna-unahang World Day of Grandparents and the Elderly na idineklara ni Pope Francis sa ika-25 ng Hulyo, 2021.

Inaasahan ang pakikipagtulungan ng kumisyon sa CBCP-Episcopal Commission on Youth at Liturgy gayundin sa Catholic Grandparents Association of the Philippines para sa pagsasagawa ng isang three-day virtual national conference of grandparents and the elderly mula ika-22 hanggang ika-24 ng Hulyo.

Ang pagsasagawa ng virtual national conference ay bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng COVID-19 virus kung saan ipinagbabawal pa rin ang mass gathering.

“The Episcopal Commission on Family and Life has partnered with the Episcopal Commission on Youth and on Liturgy and with the Catholic Grandparents Association (CGA) of the Philippines to offer a three-day virtual conference from 22 to 24 July 2021. Everyone is invited, especially the elderly and the young.” Ang bahagi ng paanyaya ng CBCP-Episcopal Commission on Family and Life.

Tampok sa nasabing three-day virtual conference ang pagbabahagi ng mga pagninilay sa kahalagahan ng mga lolo’t lola at mga nakatatanda sa pagpupunla ng pananampalatayang Kristiyano at pag-uugali sa bawat pamilya.

Tema ng idineklarang kauna-unahang World Day for Grandparents and the Elderly ni Pope Francis ang “I am with you always” na naglalayong bigyang diin ang pagiging malapit ng Simbahan at ng mismong Panginoon sa bawat isa partikular na sa mga nakatatanda lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay Pope Francis, malaki ang ambag ng mga lolo, lola at mga nakatatanda sa buhay ng bawat isa kaya naaangkop lamang ang pagkilala at pagbibigay halaga sa kanilang malaki at makabuluhang kontribusyon hindi lamang sa lipunan kundi maging sa pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyano.

Nakatakda ang kauna-unahang World Day of Grandparents and the Elderly sa ika-25 ng Hulyo na malapit sa Kapistahan nina San Joaquin at Santa Ana ang Lolo at Lola ni Hesus na patron ng mga lolo, lola at nakatatanda.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 94,087 total reads

 94,087 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 177,117 total reads

 177,117 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 271,447 total reads

 271,447 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 333,131 total reads

 333,131 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 374,485 total reads

 374,485 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top