Mamamayan, inaanyayahan sa Caritas Manila Segunda Mana Grand Bazaar

SHARE THE TRUTH

 5,007 total views

Inaanyayahan ng Caritas Manila ang mga Pilipino na makiisa sa Segunda Mana Bazaar para sa kinabukasan ng mga mahihirap lalu ang mga Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP Scholars.

Inihayag ni Father Anton CT Pascual – Executive Director ng Caritas Manila, sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga preloved items na tampok sa Segunda Mana Bazaar sa Trinoma Mall Quezon City ay matutulungan ang Social Arm na makalikom ng sapat na pondo sa pagpapaaral ng mga YSLEP Scholars.

“Magkita-ikita po tayo rito, napakarami pong mabibili dito, murang-mura siyempre Segunda Mana, At siyempre ang ating mapagbebentahan ay makakatulong sa ating kalikasan, sa edukasyon ng mga bata, sa ating YSLEP Program at sa ating mga mothers na nag uukay-ukay, kaya pumunta po tayo June 06 to 8 dito sa Segunda Mana Bazaar,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Pascual.

Ibinahagi naman ni SANLAKBAY Priest-in-Charge Fathre Bobby Dela Cruz na tampok sa bazaar ang mga kalidad at branded na preloved items.

“Ako po si Father Bobby Dela Cruz ng SANLAKBAY Program, ang Drug rehab program ng Archdiocese of Manila, ako rin ay taga Tondo, sa Tondo mayroong kaming bagong hashtag, ANAK MAHIRAP, PORMANG MAYAMAN, so nagiging posible ito dahil pwede kaming kumuha dito sa Segunda Mana, pwede kaming maging pormang mayaman kahit mahirap, kaya po tangkilikin po n atin ang Segunda Mana,” ayon sa panayam ni Fr.Dela Cruz sa Radyo Veritas.

Sinuportahan ng Quezon City Local Government Unit at mga Beauty Queens ang Caritas Manila Segunda Mana Grand Bazaar 2025.

Tiniyak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na malaki ang naitutulong ng mga katulad na gawain ng Caritas Manila sa kabuhayan ng mga mahihirap na benepisyaryo.

“Inaanyayahan ko po ang lahat na dumako dito sa Trinoma 4th floor cinema lobby para po tunghayan ang atin pong Segunda Mana Bazaar ng Caritas Manila, marami po kayong matatagpuan na magagandang preloved items, mga household goods at mga textiles na mga damit at marami pang iba, mga laruan, mga gamit sa bahay, lahat ng mga hinahanap niyo ay naandito,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Mayor Belmonte.

Binigyan naman ni Miss ECO International 2025 Ms.Alexie Mae Caimoso Brooks na nabibigyan ng pagkakataon ng Caritas Manila bazaar ang mga mahihirap na kabataan na mabago ang takbo ng kanilang buhay sa pamamagitan ng edukasyon.

“Hi Everyone! It’s Alexie Mae Caimoso Brooks your Miss Eco International 2025 and today we’re here at Caritas in here Trinoma Mall, we are doing this Charity Event and I highly encourage to come here visit, try to buy something if you actually need something to help the people and off course to help the kids who needed it the most, thank you all so much in advance, please come and visit,” ayon pa sa panayam ng Rayo Veritas kay Brooks.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,901 total views

 24,901 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 35,906 total views

 35,906 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 43,711 total views

 43,711 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 60,266 total views

 60,266 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 75,996 total views

 75,996 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top