Humilitas for the Sacred Heart movement 2025, inilunsad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,544 total reads

Tiniyak ni Father Nicanor Lalog II – Humilitas Metro Manila Convenor ang pagbabalik ng puso ng tao sa Panginoon.

Ito ang mensahe ng Pari sa naging pagdaraos ng Humilitas for the Sacred Heart Movement 2025 sa National Shrine of Mary, Queen of Peace o EDSA Shrine.

Ayon sa Pari, ang pagpapatuloy nito higit na ngayong Hunyo na itinatakda ng simbahan para sa Kabanal-banalang Puso ni Hesus ay upang higit na mapalalim ang pagmamahalan at isentro ang Panginoon sa mundong nababalot ng suliranin na nakakalimutan na ang pagmamahal ng Panginoon.

“Simple lamang naman kami sa Humilitas, ang sa amin lang naman kailangan magkaroon ng awareness ang mga tao na mayroong movement na ganito, yun nga kasi-kapuna-puna lalo sa parokya maraming mga tao parang wala ng first friday, noon dati sa Veritas diba mayroong tayong Meatless Fridays, yun ay magandang ginagawa ng iba sa Amerika, pero siguro yun lang ang purpose namin- na magising muli ang mga tao na ang June ay buwan ay kamahal mahalang puso ni Hesus at dito natin nakikita yung pagiging tunay na tao ng ating Panginoon Hesukristo, naramdaman niyang masaktan, naramdaman niyang mabigo, naramdaman niyang mamataya , naramdaman niyang mawalan ng kaibigan, naramdaman niyang na talikuran ng mga kaibigan, naramdaman niya lahat ang hirap at pasakit ng isang tao, kaya kung meron man isang kadamay natin sa ating mga kapaghatian at mga sakit sa buhay yan ay walang iba kungdi ang ating Panginoong Hesukristo,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Lalog.

Layunin din nito na mapalalim ang kamalayan ng bawat isa sa pagkakatawang tao ni Hesus kung kaya’t siya ang walang ibang nakakaintindi ng kalbaryo kung paano maging tao sa mundong nabablaot ng suliranin.

Bilang paggunita rin ng Jubilee Year 2025, layunin ng gawain na maisulong ang Sacred Heart of Jesus bilang mahalagang bahagi ng pananampalataya.

Ayon kay Fr.Lalog, ito ay upang higit na mapatibay ang sinodo na sama-samang paglalakbay kasabay ng pagiging pag-asa para sa kapwa alinsunod sa temang ‘Pilgrims of Hope’.

“Ang layunin namin ay makita natin ang kahalagahan ng ating puso, na ang puso ay hindi bato na matigas, maramot at masungit kungdi pusong laman na nararamdaman ang tibok, ang pintig ng bawat isa na mayroon ding uso na isang puso na magmamahal, isang puso na buhay, hindi pusong patay, yun ang mahalaga na gusto naming magising sa mga tao, na ang puso natin, ang puso ay buhay- daoat buhayin, ito’y tumitibok, may pintig at ibig sabihin, gumagalaw, kumikilos, nagmamahal yun ang pinakamahalaga,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Lalog.

Ngayon taon, nakiisa ang mga mananampalataya mula sa ibat-ibang parokya kasama ang mga deboto at kabataan sa Humilitas for the Sacred Heart Movement 2025.

Sinimulan sa EDSA Shrine ang Gawain sa pamamagitan ng prusisyon sa Ortigas Business Center na sinundan ng Exposition of the Sacred Heart of Jesus, kasunod nito ay nagkaroon ng mga tampok na tagapasalita mula sa hanay ng Humilitas at pagtalakay ni Fr.Paolo Pirlo SMHI sa kahalagahan ng pagdedebosyon at pagbabalik loob sa Sacred Heart of Jesus.

Nagkaroon din ng Manifesto Signing ang mga Kabataan, Mananampalataya at Debotong kalahok sa gawain na nangakong makikiisa sa patuloy na pagsusulong sa kamalayan ng tao at muling panunumbalik sa Kabanal-banalang Puso ni Hesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 121,901 total reads

 121,901 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 155,230 total reads

 155,230 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 187,374 total reads

 187,374 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 253,437 total reads

 253,437 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 264,868 total reads

 264,868 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top