Tumataas na kaso ng HIV, ikinababahala ni Bishop Florencio

SHARE THE TRUTH

 5,230 total views

Nanawagan ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga kabataan na huwag matakot humingi ng tulong at sumailalim sa pagsusuri dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV/AIDS sa bansa.

Ito ang panawagan ni Bishop Oscar Jaime Florencio, Vice Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, kaugnay sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng naturang sakit.

Nababahala rin ang obispo sa pagtaas ng kaso, kung saan marami sa mga pasyente ang hindi maagang nagpapakonsulta para maagagapan ang karamdaman.

“Actually. we know that already (I mean the HIV/AIDS rise), as reported to us. But the problem is that these people don’t come out in the open because of the stigma or shame that they have this HIV/AIDS,” pahayag ni Bishop Florencio.

Aminado rin ang CBCP Health Care Ministry na may mga nauna na silang isinagawang interbensyon upang matulungan ang mga may HIV/AIDS, ngunit hindi ito naging sapat upang mapigil ang pagkalat ng sakit.

Sinabi ng obispo na kailangang mas paigtingin pa ang kampanya at tuloy-tuloy na pagkilos upang maabot ang mas maraming nangangailangan.

“We have already made some interventions, but to no avail. Perhaps we need more to continue our crusade so we can at least stop this malady,” ayon pa kay Bishop Florencio.

Nanawagan din si Bishop Florencio sa mga kabataan na huwag matakot lumapit at tanggapin ang mga programang tulong na iniaalok ng simbahan.

“I hope this message goes clear to our young people: Don’t be afraid to come out and avail of the intervention that the episcopal commission on health care is doing. We know that you are part of the Church we serve and love. We want to reach out and be cured,” dagdag pa ng obispo.

Batay sa ulat ng Department of Health (DOH), umabot na sa 148,831 ang naitalang kaso ng HIV mula noong 1984 hanggang Marso 2025. Sa unang tatlong buwan ng taon, naitala ang 5,101 bagong kaso, na may average na 57 kaso kada araw. Sa tala, pinakaapektado ang mga kalalakihang may edad 15 hanggang 34.

Dahil sa tumataas na bilang ng kaso, nanawagan ang DOH sa publiko na magpakonsulta at sumailalim sa pagsusuri upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Ayon sa DOH, ang agarang pagtugon ay mahalaga upang maprotektahan ang kalusugan ng bawat isa at ng buong komunidad.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,626 total views

 24,626 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 35,631 total views

 35,631 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 43,436 total views

 43,436 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 60,021 total views

 60,021 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 75,773 total views

 75,773 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

A Call to Conscience and Duty

 1,777 total views

 1,777 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa mga senador ng Republika ng Pilipinas na igalang at isakatuparan ang kanilang tungkuling

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top