Mamayang Pilipino, hinamong maghain ng disqualification case laban sa mga magkakamag-anak na kandidato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 65,204 total reads

Nanawagan ang Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) sa publiko na maghain ng Disqualification Case laban sa mga kaanak ng incumbent Congressmen, Governor o Mayor na kakandidato sa nakatakdang 2025 Midterm Elections upang palitan sa puesto ang mga kaanak na magtatapos na ang termino sa pwesto.

Ayon kay ANIM Lead Lawyer for Anti-Dynasty Campaign Atty. Alex Lacson, sa pamamagitan lamang ng paghahain ng disqualification cases matatanggal at malilimitahan ang pananatili sa posisyon ng mga dinastiyang angkan sa bansa.

“We are encouraging the public to file separate disqualification cases against the dynasties in their respective areas because these dynasties can only be disqualified as candidates or removed from office if a disqualification case is filed against them. If no disqualification case is filed against them, they will remain in office” Bahagi ng panawagan ni Atty. Lacson.

Tiniyak naman ng ANIM ang kahandaan ng grupo na tulungan at gabayan ang publiko sa kabuuang proseso ng paghahain ng disqualification case mula sa pagkakaloob ng pro-forma Petition for Disqualification na kinakailangan na lamang punan ng mga detalye ng mga nagnanais na maghain ng petisyon.

Ang ANIM ay isang non-partisan, broad-based coalition na binubuo ng anim na sectoral groups sa bansa na kinabibilangan ng religious sector, retired military and uniformed personnel, youth, women businessmen and professionals, at civil society organizations na naninindigan laban sa patuloy na pag-iral ng political dynasty sa bansa na isa sa maituturing na dahilan ng patuloy na katiwalian sa pamahalaan.

Una ng binigyang diin ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace at pangulo ng Caritas Philippines na isa rin sa nagsisilbing convenor ng ANIM na naaangkop lamang na makibahagi ang Simbahan sa mahahalagang usaping panlipunan na makakaapekto sa buhay ng bawat mamamayang kabilang na ang usapin ng pulitika partikular na ang nalalabing 2025 Midterm Elections sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 37,210 total reads

 37,210 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 120,884 total reads

 120,884 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 215,215 total reads

 215,215 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 276,901 total reads

 276,901 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 320,885 total reads

 320,885 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top