1,509 total views
Isabuhay ang pagkalinga sa mga mahihirap at pinaka nangangailangan sa lipunan katulad ng pagmamahal sa kanila ni Saint Mother Teresa of Calcutta.
Ito ang mensahe ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, Vice-president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa paggunita ng kapistahan ng banal.
Ayon sa Obispo, nawa katulad ni Saint Teresa ay mapaigting ng mananampalataya ang pagmimisyon na maitaas ang kalidad at antas ng pamumuhay ng kapwa.
“Love and service to the poor, kaya maganda ding bigyang diin ito siyempre kung mayroon tayong constant consistent prayer like dapat nagfo-flow ito sa ating love of favor, service the least, the last and the lost,” ayon kay Bishop Vergara sa panayam ng Radio Veritas.
Nawa ay gamitin huwaran ng mamamayan ang patuloy na pagbabahagi ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa naging buhay ni Saint Mother Teresa of Calcutta na bukod sa pagtulong sa kapwa ay nagkaroon rin ng malalim na pagdedebosyon at pananalangin sa Panginoon.
Ngayong araw (September 05) bilang paggunita sa Feast Day ni Saint Mother Teresa of Calcutta, pinangunahan ni Bishop Vergara ang misa sa St.Mother Teresa Of Calcutta Parish sa Biñan Laguna kung saan idaraos din ang pagbabasbas sa bagong retablo ng parokya.
Taong 2003 ng biyetapikahan si Mother Teresa at naging ganap na santo noong 2016; Taong 1950 ng itatag ni Saint Mother Teresa ang Missionaries of Charity na kasalukuyang pinamamahalaan ng mahigit sa 4,000 madre sa ibat-ibang bansa.
Noong nabubuhay pa ay kilala ang Santo bilang “The Living Saint” dahil sa kaniyang pagkalinga sa mga may sakit lalo na sa mahihirap na bansa.