Mananampalataya, hinimok na tuluran ang payak na pamumuhay ni San Juan Bautista

SHARE THE TRUTH

 11,834 total views

Hinimok ng pastol ng simbahan na tuluran si San Juan Bautista sa payak na pamumuhay at malalim na pananampalataya sa panginoon.
Ito ang paanyaya ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa misang ini-alay sa Kapistahan ni St.John the Baptist sa San Juan City.

Inihayag ni Cardinal Advincula na mahalagang tularan ang pagsasabuhay ng santo sa katangiang pagtugon, pagpapakumbaba at pagiging tahimik na paglilingkod sa panginoon at pamayanan.

“Sa katahimikan, hinubog si Juan, doon siya naging matatag, doon siya naging handa kaya nga ang tunay na pag-asa ay hindi palaging maingay o dramatiko, minsan ito ay lumalago sa likod ng altar, sa loob ng pamilya, sa mga tahimik na sakripisyo ng mga ina, ama, manggagawa, estudyante, OFW at sa malalim na pananampalataya ng mga deboto ng ating Patron na si San Juan Bautista. Mga kapatid ganito tayo tinatawag ng Diyos, lumago tayo sa pananampalataya kahit walang gantimpala, maglingkod tayo kahit walang pumalakpak, gawin natin ang tama kahit walang nakatingin, ang tunay na pag-asa ay hindi laging malakas ang dating, madalas ito ay tahimik, ngunit totoo,”bahagi ng homiliya ni Cardinal Advincula.

Sinabi naman ni Father Mike Kalaw – Rector at Parish Priest ng dambana, ang pagdedebosyon kay San Juan Bautista ay pagbibigay pag-asa at inspirasyon sa kapwa at lipunan.

Ipinagdarasal ng Pari ang pagkakaroon ng mas malalim na pagdedebosyon sa Santo na ini-aalay ang sarili sa panginoon, paglilingkod sa kapwa at isinasabuhay ang payak na pamumuhay.

“Ang ating parokya, ang ating komunidad ay tinayo na bilang isang dambana noong nakaraang taon, ibig sabihin mas maraming misyon na kailangan tayong gampanan lalung-lalu na yung misyong pastoral tulad ng pag-aasikaso sa mga mahihirap, sa mga nagugutom, sa mga nangangailagan at ito’y akmang-akma sa buhay ng ating Mahal na Patron San Juan Bautista, sa patuloy na pagtatayo at pagdadagdag at pagsaayos nitong napakatanda ng simbahan, marami tayong mas matutulungan sa pamamagitan noong ating tinatawag na Development Structure,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Kalaw.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battle of uncertainty

 9,591 total views

 9,591 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 22,952 total views

 22,951 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 37,772 total views

 37,772 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 55,268 total views

 55,268 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 108,692 total views

 108,692 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

YSLEP, kinilala ng MOP

 12,582 total views

 12,582 total views Kinilala ng Military Ordinariate of the Philippines ang Caritas Manila Youth Servant Leader and Education Program o YSLEP TELETHON 2025. Ayon kay M-O-P

Read More »
Scroll to Top