Mananampalataya, inaanyayahang bisitahin ang Radio Veritas Santo Nino exhibit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 271 total views

Inaanyayahan ng Radyo Veritas ang mga mananampalataya na bisitahin ang kauna-unahang nitong Santo Niño Exhibit ngayong 2018 sa second floor Activity Center ng Starmall Shaw Blvd. EDSA Mandaluyong City.

Ayon kay Father Anton Pascual – Pangulo ng Radyo Veritas at Executive Director ng Caritas Manila, layunin ng exhibit na masmapatingkad ang pagkilala ng mga Filipino sa Santo Niño bilang ugat ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas.

Bukod dito, hangad din ng Pari na sa pagkilala ng mga mananampalataya sa batang si Hesus ay matularan ng bawat isa ang puso nitong tulad ng sa isang bata na handang magpasakop, sumuko at magpamalas ng kababaang loob sa Panginoon.

“Ang ating napakagandang kapistahan ng Santo Niño na talagang espesyal sa Pilipinas ay tuwing ikatlong Linggo ng Enero, at itong imahe ng Panginoong Hesukristo sa larawan ng isang sanggol ay isang napakalakas na simbolo na napaka lapit sa puso ng mga Filipino, isang mabigat na simbolismo ng childlikeness not childishness but more childlikeness ang ating pagpapasakop, ating pagsuko at ating kababaang loob sa ating Panginoon na naghandog ng kanyang buhay at nagkatawang tao para sa ating katubusan,” pahayag ni Father Pascual sa Radyo Veritas.

Binigyang diin rin ni Father Pascual na ang nalalapit na pagdiriwang ng ika-500 taong anibersaryo ng Kristiyanismo sa bansa sa taong 2021 ang nagbibigay patotoo sa pagmamahal ng Panginoon sa Pilipinas.

Dahil dito, hinimok ng pari ang mga mananampalataya na patuloy na isabuhay ang mayamang tradisyon ng Pilipinas sa pagpupuri sa Santo Niño, tularan ang puso ng isang bata, at pahalagahan ang mga kabataang higit na malapit sa kalooban ng Panginoon.

“Ito ay isang mahalagang patotoo na mahal tayo ng Panginoon at sa imahe ng Santo Niño na syang naging bahagi ng mahabang tradisyon ng Kristiyanismo sa Pilipinas nawa’y maging patuloy tayong childlike sa ating Panginoon na sa atin ang kababaang loob at pagsunod at pagpapahalaga sa mga kabataan, mga bata na syang napaka lapit sa puso ni Hesukristo, sabi nga ni Hesus na sa kanila ang pahahari ng Diyos, nawa’y manatili tayong mga bata sa harap ng Panginoon at nakikiinig at sumusunod at nagpapasakop sa kanyang dakilang kalooban upang tunay na ang Kapistahan ng Santo Niño ay maging instrumento ng pagbabago hindi lang ng ating buhay kundi ng ating buong bansa.” Dagdag pa ng Pari

Ang Santo Niño Exhibit na sinimulan noong ika-14 ng Enero ay magtatagal hanggang ika-26, ito ay bukas sa publiko simula alas-diyes ng umaga hanggang alas-diyes ng gabi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa loob ng 24 oras

 14,854 total views

 14,854 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 32,654 total views

 32,654 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 32,654 total views

 32,654 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 146,000 total views

 146,000 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 167,337 total views

 167,337 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 296,779 total views

 296,779 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top