Manila Cathedral, sasaklolo sa mga ikakasal sa Batangas at Cavite

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 704 total reads

Handa ang Manila Cathedral na tumulong sa mga nakatakdang ikasal ngayong Enero at Pebrero sa mga simbahan sa Batangas at Cavite.

Sa social media post ng The Manila Cathedral, inanyayahan nito ang mga naka-schedule na ikakasal na agad makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sakaling hindi maaring magamit ang simbahan na pagpapakasalan.

“Due to a number of calls and inquiries we are receiving regarding transfer of weddings affected by the Taal Volcano eruption in Batangas and Cavite areas to the Manila Cathedral, we are now opening slots and extending assistance for weddings scheduled this January and February 2020.”

Ito ay upang matulungan sa mga prosesong gagawin at agad na maisaayos ang mga dapat gawin at ang schedule ng pagdiriwang ng kanilang pag-iisang dibdib.

Sa kasalukuyan, malaking bahagi ng Cavite at Batangas ang naapektuhan sa pagbuga ng abo ng bulkang Taal.

Una na ring nagbukas ang mga simbahan sa Cavite at Batangas maging ang ilan pang institusyon ng simbahang katoliko upang magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga lumilikas na residente.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang tanggapan ng Manila Cathedral mula Martes hanggang Sabado, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Bukas din ito ng Linggo mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali o tumawag sa telephone number 8527-3093.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 39,936 total reads

 39,936 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 119,982 total reads

 119,982 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 153,430 total reads

 153,430 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 188,728 total reads

 188,728 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 413,749 total reads

 413,749 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top