200 total views
Ito ang panawagan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo,chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity sa mamamayan sa patuloy na pagtaas ng kaso ng extra – judicial killing sa bansa.
Base sa tala ng Philippine National Police umaabot na 6,200 ang kanilang napapatay sa kampanya kontra iligal na droga.
Inihayag ni Bishop Pabillo na bilang chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity, naninindigan at tumututol ang halos 99.9 na porsiyento ng mga layko na binubuo ng 52-lay organization at institutions sa nangyayaring “culture of death” sa bansa.
“If we are silent, and we are made silent, dahil sa pananakot, dahil sa pagbabanta, we will go to the culture of death. That death is seen as a solution to our problems. Andiyan na ang abortion, andiyan na ang extra-judicial killing, nandiyan na yung death penalty, nandiyan na ang euthanasia, that death is the solution to our problems, that death will promote life which is not good,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radyo Veritas.
Iginiit pa ni Bishop Pabillo na kailanman ay hindi mananahimik ang Simbahan tulad ng isang patay na wala ng boses bagkus isusulong nito ang karapatan ng buhay at dignidad ng tao.
“And if the culture of death comes in, surely again will follow the culture of silence because there is no voice in death. Kaya kung tayo ngayon ay silent papasok ang death and really we will have the silence of death. Kaya dapat ngayon magsalita na, dapat ngayon magpahayag na, lalong-lalo na sa ating mga politicians who get the mandate from the people and not from the administration,” giit pa ni Bishop Pabillo sa Veritas Patrol.
Pinaalalahanan rin nito ang mga Basic Ecclesial Communities ngayong Taon ng mga Parokya na ituro sa mga barangay na kanilang nasasakupan ang tungkol sa pagpapahalaga sa buhay na nakapaloob sa katuruan ng Simbahang Katolika.
Nanawagan din ang mga lider ng Simbahan sa taumbayan na piliin ang buhay kaysa kamatayan.
Read: http://www.veritas846.ph/piliin-ang-buhay-hindi-kamatayan/
http://www.veritas846.ph/takot-ng-mga-pilipino-sa-ejk-wake-call-sa-pamahalaan/
Samantala, sa ika – 18 ng Pebrero taong kasalukuyan, sa pagdiriwang na rin ng Pro – Life month ay magsasagawa ng “Walk For Life” sa Quirino Grandstand sa ganap na 4:30PM hanggang alas otso ng umaga kung saan inaanyayahan ang suporta at partisipasyon ng mga layko sa buong Metro Manila at karatig lalawigan.