Marawi siege survivors, nahaharap sa mas matinding krisis

SHARE THE TRUTH

 279 total views

Bukod sa kasalukuyang kalagayan ng mga evacuees kabilang na ang mga nanunuluyan sa kani-kanilang kamag-anak ay mas malaking problema ang naghihintay sa mga taga-Marawi kahit matapos na ang kaguluhan.

Ayon kay Fe Salimbangon, Coordinator ng Iligan Social Action Center mas marami ang pangangailangan ng mga taga-Marawi dahil nawasak sa airstrike ng tropa ng militar ang mga bahay, mga business establishment maging ang mga simbahan kabilang na ang St. Mary’s Cathedral.

“Sana i-pray din kami kasi there will be a deeper problem, if not kung matapos ito, there will be another problem,” ayon kay Salimbangon.

Sinabi ni Salimbangon na hindi natatapos ang pangangailangan ng mga nagsilikas sa pagkain, damit at gamot kundi mas nangangailangan sila ng tulong at suporta sa kanilang pagbangon. Bukod sa kakulangan sa pagkain at mga pangunahing pangangailangan, may ilan na rin ang nagkakasakit na mga lumikas mula sa Marawi City.

Ilan rin aniya sa mga nagkakasakit na evacuees ay dinala na sa Northern Mindanao Regional Hospital sa Cotabato.

“Marami pa kaming kailangang tulong ngayon. Mayroon ng donors, diba minsan lang nagbigay tapos wala na, donors fatigue. Sa ngayon yung concern namin yung nutrition ng mga nasa evacuation centers kasi mayroon na silang paglulutuan, mga kaldero, mayroon silang bigas but wala naman silang pang ulam. So yung ginagawa ng iba binibenta na yung mga bigas nila, yung mga balde para sa ibang needs nila,” pahayag ni Salimbangon.

Patuloy naman ang panawagan ni Salimbangon ng tulong lalo’t hindi pa natatapos ang gulo sa Marawi.

Sinasaad sa Evangelii Gaudium ni Pope Francis, ang lahat ay tinatawag para tumulong lalo na sa nahihirapan bilang pagmamalasakit sa ating kapwa.

Ang Iligan City ay may tatlong evacuation centers na inilagay ang lokal na pamahalaan na may higit sa isang libong evacuees habang mas marami ang mga home based evacuees.

Kaugnay nito, inamin ni Jo Henry, information officer ng Humanitarian Emergency Action and Response Team (HEART) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM na nahihirapan silang i-rescue ang marami pang residente dahil sa walang tigil na putukan sa Marawi city.

Isa rin sa kinakaharap na problema ng mga rescue group ay ang pagtanggi ng ilang residente na lisanin ang kanilang mga tahanan kaya’t napipilitan silang bitbitin ang mga ito palabas para sa kanilang kaligtasan.

Inamin naman ni Henry na kapos pa rin ang mga relief operation dahil sa dami ng mga lumikas sa 12-araw na kaguluhan sa siyudad.

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,850 total views

 24,850 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 35,855 total views

 35,855 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 43,660 total views

 43,660 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 60,220 total views

 60,220 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 75,953 total views

 75,953 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 12,227 total views

 12,227 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top