VeritasPH

The Word, The Truth

Imbes na magbiro, maging tanglaw

SHARE THE TRUTH

 162 total views

Mga Kapanalig, tatlong araw matapos isailalim sa martial law ang buong Mindanao dahil sa pag-atake ng mga kasapi ng Maute group at mga tagasuporta ng Abu Sayyaf, dumayo si Pangulong Duterte sa Iligan City upang kumustahin ang mga sundalong tumutugis sa mga armadong grupo. Sa kanyang talumpati, ipinagdiinan niyang siya lamang at wala nang iba ang magiging responsable sa anumang kalalabasan ng batas militar, basta’t gawin lamang daw ng mga sundalo ang kanilang trabaho. Biro pa niya, kahit pa makagahasa ang mga sundalo ng tatlong babae, aakuin niya ito.

Hindi nagustuhan ng marami ang birong ito ng ating pangulo. Ngunit gaya ng inaasahan, ipinagtanggol siya ng kanyang mga tagapagsalita at kaalyado. Nais lamang daw ng commander-in-chief na palakasin ang loob ng mga sundalo sa pamamagitan ng pangakong hindi niya sila pababayaan at iiwan anuman ang mangyari, kahit mang-abuso sila.

Himayin natin, mga Kapanalig, ang panibagong “biro” ng ating Pangulo. Una, sinabi niya ito kaugnay ng batas militar na mahigit tatlong dekada na ang nakalipas ay nagdulot ng nakaparaming pag-abuso sa karapatang pantao, kasama na ang sekswal na pang-aabuso ng mga tagapagpatupad dapat ng batas. Ang martial law, bagama’t pinahihintulutan ng ating Saligang Batas, ay sensitibong usapin dahil na rin sa malagim nating karanasan sa ilalim nito noong dekada ’70, kaya’t hindi ito isang bagay na ginagamit lamang sa pagbibiro.

Ikalawa, hindi ito ang unang pagkakataon na ginawang biro ng pangulo ang rape. Noong kumakandidato pa lamang siya, nagbiro siyang dapat siya ang unang nanggahasa sa isang misyonerong dinukot at ginahasa ng mga rebelde noong panahong alkalde pa siya ng Davao City. Ayon sa mga grupo ng kababaihan, ang mga ganitong pahayag ay pambabastos sa dignidad ng kababaihan at humihimok ng tinatawag na “rape culture.” Ang gawing biro ang pangre-rape ay walang puwang sa isang lipunang sibilisado at may paggalang sa karapatan at dignidad ng tao, anuman ang kanyang kasarian.

Ikatlo, ang naging biro ng pangulo ay hindi akma (o “out of place”, ‘ika nga sa Ingles) sa gitna ng patuloy na kaguluhan sa Marawi. Ang mensaheng dapat marinig ng mga sundalo sa talumpating iyon ay ang paghikayat sa kanila, bilang mga tagapagtanggol ng mamamayan, na sikaping mapanumbalik ang kaayusan at katiwasayan sa siyudad. Samakatuwid, ang pagpapataas ng morál ng ating mga sundalo ay hindi magmumula sa kakayahan nilang mang-abuso o manggahasa, kundi sa suporta at tiwala ng mga Pilipino, sa pangunguna ng kanilang commander-in-chief, na kaya nilang ibalik at panatilihin ang kapayapaan sa Marawi at ibang bahagi ng Mindanao.

Mga Kapanalig, sa lahat ng pagkakataon, lalo na ngayong may pinagdaraanan ang ating bansa, ang kailangan natin ay mga lider na magsisilbing tanglaw sa ating bansa. Ito ay liwanag na nagmumula sa mga tuwid at makataong prinspiyo, hindi sa mga baluktot na paniniwalang madalas sinasambit bilang mga biro. Ipinapaalala sa atin ng ating Simbahan na “kinakailangang kinikilala, iginagalang at itinaguyod ng awtoridad o ng mga pinuno ang mga pangunahing morál na prinsipyo”. At makikita natin ito sa mga salitang namumutawi sa kanilang bibig at sa mga hakbang na kanilang ipinatutupad.

Bilang mga mamamayan, mga Kapanalig, karapatan at tungkulin nating magpahayag ng pagtutol sa mga pinunong ang salita, ugali, at gawa ay salungat sa mga morál na prinsipyo. Hindi dahil ayaw lamang natin sa mga taong ito, kundi dahil nilalabag nila ang mga pinahahalagahan natin bilang isang bayang disente at makatao. Ang layunin natin ay ang ituwid ang mga mali at delikadong pananaw sa mga bagay na may impluwensya sa takbo ng ating buhay bilang isang bansa. Ngunit kung hahayaan nating maging biro lamang ang mga sensitibo at seryosong bagay, baka hindi rin natin matatanggap ang magiging biro ng tadhana sa ating bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 12,942 total views

 12,942 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 20,987 total views

 20,987 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 26,067 total views

 26,067 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 31,773 total views

 31,773 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 40,561 total views

 40,561 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 12,943 total views

 12,943 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 20,988 total views

 20,988 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 26,068 total views

 26,068 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 31,774 total views

 31,774 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 40,562 total views

 40,562 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,759 total views

 40,759 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,073 total views

 55,073 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,763 total views

 58,763 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,366 total views

 57,366 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,353 total views

 67,353 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,321 total views

 71,321 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,208 total views

 82,208 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,647 total views

 94,647 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,405 total views

 105,405 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,658 total views

 52,658 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top