Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mas mataas na sin tax, pinaboran

SHARE THE TRUTH

 418 total views

Pabor ang CBCP – Episcopal Commission on the Laity na patungan ng mas mataas na buwis ang mga alak at sigarilyo dahil hindi na ito nakabubuti sa mga kabataang nalulong rito.

Sang – ayon si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng kumisyon sa suwestiyon ng ilang eksperto na taasan ang “sin tax” sa alak at sigarilyo lalo’t napupunta naman ang naturang buwis sa health projects ng pamahalaan.

Paliwanag pa ni Bishop Pabillo kung matutuloy ang nasabing suwestiyon maiiwasan na ang paglobo ng bilang ng mga kabataang tumatangkilik nito.

“Okay lang yun kasi bisyo naman yan dapat taasan yung tax para una makaiwas ang tao sa bisyo at pangalawa mapapakinabangan pa lalo na nabibigyan ng gamot yung mga galing sa sin tax. Kaya kung tataasan yung presyo niyan yung mga consumer niyan ay mababawasan para maiwasan ng mga kabataan ang pagbibisyo,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Veritas Patrol.

Lumabas sa pag – aaral noong 2013 ng Young Adult Fertility and Sexuality (YAFS) na halos pito sa bawat sampung Pinoy edad kinse hanggang bente – kuwatro ang nakatikim na ng alak.

Samantala, sa tala naman ng Department of Health na ang alcohol ay nakakapag – bigay ng 200 uri ng mga sakit at injury na sanhi ng pagkamatay ng higit 3 milyon sa buong mundo kada taon.

Habang higit 1 libo rin ang naa – aksidente dito sa Pilipinas dahil sa alak.

Nauna ng ipinaalala ni Apostol San Pablo na ang katawan ng tao ay siyang tahanan ng Espiritu Santo.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 24,371 total views

 24,371 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 36,088 total views

 36,088 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 56,921 total views

 56,921 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 73,423 total views

 73,423 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 82,657 total views

 82,657 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Veritas Team

TRAIN law, anti-poor

 37,347 total views

 37,347 total views Dagok sa mga mahihirap na Filipino ang tuluyang pagsasabatas ng tax reform program. Itinuturing ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman at

Read More »
Economics
Veritas Team

Kaligtasan ng IDPs, binigyang halaga

 36,404 total views

 36,404 total views Sumentro sa pagtataguyod ng karapatan ng mga internally displaced persons at kahandaan sa gitna ng sakuna ang paggunita sa International Day for Disaster

Read More »
Economics
Veritas Team

OFW bank, suportado ng CBCP-ECMIP

 36,534 total views

 36,534 total views Ikinatuwa ng Catholic Bishops conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Economics
Veritas Team

Sariling komisyon ng mga matatanda

 36,513 total views

 36,513 total views Ito ang hiling ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Incorporated sa pamahalaan. Ayon kay FSCAP National Capital Region President Jorge

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top