Matapang at konkretong tugon sa krisis sa klima, hamon ng Obispo kay PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,141 total views

Nanawagan si Bishop Gerardo Alminaza ng Diocese of San Carlos, Negros Occidental, para sa isang matapang at kongkretong tugon mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kinakaharap na krisis sa klima ng bansa, kasabay ng nalalapit na ika-apat na State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 28.

Binigyang-diin ng Obispo na bilang host country ng Loss and Damage Fund Board, may moral at makasaysayang tungkulin ang Pilipinas na pangunahan ang panawagan para sa climate reparations mula sa mga bansang may mataas na antas ng polusyon.

“I strongly urge the President to present a bolder, more concrete response to the climate emergency. As host of the Loss and Damage Fund Board, the Philippines must lead in demanding climate reparations from high-polluting nations, narrowing the glaring gaps in climate justice and ecological debt,” giit ni Bishop Alminaza.

Dagdag pa ng Obispo, ang ganitong hakbang lamang ang magbibigay daan sa tunay na makatao at pangkomunidad na mga programang pangkalikasan, partikular sa mga rehiyong madalas tamaan ng sakuna.

Hinimok din ni Bishop Alminaza si Pangulong Marcos na itaguyod ang tunay at makabuluhang pananagutan—hindi lamang laban sa mga dayuhang responsable sa pagkasira ng kalikasan, kundi lalo na sa mga ahensiya ng pamahalaan, tiwaling opisyal, at mga korporasyong Pilipino na may direktang ambag sa pagwasak ng kapaligiran at pagdurusa ng mamamayan.

“The President must also push for genuine accountability, not only from international actors, but from our own government offices, public officials, and corporations who have contributed to environmental destruction and the suffering of our people,” ayon pa sa mensahe ng Obispo sa Radyo Veritas.

Umaasa rin si Bishop Alminaza na makikinig si Pangulong Marcos sa boses ng mga ordinaryong mamamayan at hindi sa mga makapangyarihan na may pansariling interes, dahil ang taumbayan ang higit na naapektuhan ng mga krisis sa lipunan at kalikasan.

“Above all, we pray that President Marcos Jr. listens, not to the voices of oligarchs and vested interests, but to the cries of ordinary Filipinos. May his leadership serve the common good and safeguard our people and our planet for generations to come,” ayon pa kay Bishop Alminaza.

Ang panawagan ng Obispo ay kasabay ng lumalakas na panawagan mula sa mga civic group at simbahan na humihiling ng pananagutan at malinaw na tugon mula sa pamahalaan, lalo na sa mga isyung may kinalaman sa kalikasan at lipunan.

Sa kabila ng mga kritikismo, umaasa ang simbahan na handang makinig ang administrasyon sa tinig ng simbahan at ng sambayanan, at gamitin ito bilang gabay sa mas tapat, makatao, at epektibong pamumuno.

Sa nakalipas ng Social Weather Station Survey (SWS) noong Hunyo, bahagyang tumaas ang trust rating ng Pangulong Marcos sa 48 percent o karagdadang 10 porsyento kumpara sa buwan ng Mayo na 38 percent.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 12,137 total views

 12,137 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 33,118 total views

 33,118 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 55,546 total views

 55,546 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 229,273 total views

 229,273 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 206,174 total views

 206,174 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top