May katangian na mangaral ang Simbahan, ayon sa ethics at moral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 570 total views

Hindi kailanman maaring tumahimik ang Simbahang Katolika sa mga usapin ng estado lalo na sa usapin ng naapakan na ang moralidad ng tao.

Ayon kay dating CBCP president Lingayen-Dagupan archbishop emeritus Oscar Cruz, nakabatay sa Bibliya ang pakikialaman ng Simbahan kasama na rito ang reason at ethics upang ipangaral dun kung ano ang tama at mali.

Pahayag ito ng arsobispo kaugnay ng muling pagbuhay sa same sex union/marriage bill sa Kamara.

“Ang Simbahan ang kanyang pamantayan una sa lahat ay nakasulat sa Banal na Bibliya di puwedeng dagdagan yun at bawasan, so as far as the church is concern that is the fundamentals of all the teachings and practices that the church has doon po nakabatay…may isa pa, yung reason and ethics, what is right or wrong according to reason, that’s ethics, yung isa according to faith that is moral, pagsamahin ninyo ito.” Pahayag ni archbishop Cruz sa panayam ng programang Veritasan.

Binigyang halimbawa ng arsobispo ang nangyari sa Sodom at Gomorrah na pinaulanan ng apoy dahil na rin sa sobrang kasamaan.

“Matatandaang may Sodom and Gomorrah ayon sa Bibliya, naging sanhi ng pagkamuhi (bagamat hindi ito ang wastong salita) kaya dun pinaulanan ng apoy, ang simbahan ba ay maaring tumahimik kapag ang alam niya na hindi wasto ayon sa etika at moral ang isang gawain?, pwede ba niya tanggapin ang isang bagay na mali na hindi sang-ayon sa katwiran at sa pananampalaya, hindi po siya malaya. Hindi po maaring tumahimik ang Simbahan pagkat ang utos ni Hesus teach the gospel to all nation, mangangaral siya magsasalita siya, makinig ka kung gusto mo kung ayaw mo huwag mo, may katangian na mangaral ang simbahan ayon sa ethics at moral

Kaugnay nito, inihayag ni archbishop Cruz na iginagalang niya ang mga miyembro ng LGBT community subalit hindi akma na gawin o ipilit ang mali na maging tama gaya ng pagpapakasal ng parehong babae at parehong lalaki.

Pahayag din ng arsobispo, karapatan din ng mga mambabatas na ihain ang panukala subalit hindi niya makita dito ang dahilan kung bakit ipinipilit pa rin ang mali.

“Karapatan po nila yan, ang sabi ko lang bakit ano kayang nais nilang mangyari, magbanggaan na naman ang Simbahan at estado, eto na naman same sex marriage bill kung mararapatin ninyo isa po ito sa pinakamahabang bagay na pinag-aralan ko and I wrote a book about it, I spoke about not the LGBT , I talk about gender identity difficulty, pagkat ginagalang natin sila, tao din sila, nung sinabi ng Diyos mahalin mo ang iyong kapwa di naman niya sinabi pwera lang sila (LGBT) so ang tanong ko bakit dumadami sila at sa kanilang pagdami lalo natinsila dapat maunawana, kaya lang may mga pgakakataon na hindi pwede maging white ang black, white is white, black is black.” Ayon pa sa arsobispo.

Dagdag nito, ang same sex marriage ay “incarnate falcity”.

Sinasabi ko lang itong same sex marriage is an incarnate falcity meaning pagbaligtarin mo man yan, ito ay kontradksyon na ang dalawang babae ay magiging mag-asawa, ang dalawang lalaki magiging mag-asawa, ginagalang ko ang mga karapatan ng mga tao na ito, sabi ng Diyos mahalin mo ang lahat ng tao. Kahit sa hayop man wala noon, wala kayong makikitang dalawang tandang na magkasama, kaya ginawa ng Diyos ayon sa Bibliya, gumawa siya ng lalaki, hinugot sa kanyang tadyang si Eba, nagsimula ito sa isang babae at lalaki, kaya may mga bagay na hindi talaga pwede.” Dagdag nito.

Hanggang nitong July ng 2016, nasa higit 20 bansa na ang nagsa-ligal ng same sex union.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 23,232 total views

 23,232 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 56,314 total views

 56,314 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 84,665 total views

 84,665 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 152,396 total views

 152,396 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 173,842 total views

 173,842 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 151,822 total views

 151,822 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 315,262 total views

 315,262 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top