Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 77,391 total views

Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na!

Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon ngayong taon din ay isang midterm elections kung kailan bumuboto tayo ng labindalawang senador na bubuo sa Senado at ng mga kandidato para sa mga lokal na posisyon. Sa makasaysayang araw na ito, nararapat lang nating tandaan at pahalagahan ang eleksyon bilang mga mamamayang Pilipino at Katolikong Kristiyano.

Iba’t ibang dahilan ang sumasaklaw sa paraan ng ating pagboto ngayong eleksyon. Ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (o SWS) tungkol sa tinatawag na voter preference, mataas ang tsansang iboto ng mga botante ang mga kandidatong may adbokasiya sa mga sumusunod na isyu: pagbibigay ng trabaho; seguridad sa pagkain at agrikultura; pagpapaunlad sa health care system; at pagprotekta sa mga karapatan ng mga manggagawa. Iatapat natin ito sa resulta ng isa pang survey ng SWS kung saan 55% ng mga pamilyang Pilipino ay itinuturing ang kanilang mga sarili na mahirap.

Maliban sa mga panlipunang at ekonomikong dahilan, masasabi ring magulo ang kalagayan ng ating pulitika. Sa eleksyon para sa mga pambansang posisyon hanggang sa mga lokal na puwesto, laganap ang mga kandidatong mula sa political dynasties, walang sapat na karanasan at kakayahan, at nadadawit pa sa katiwalian at kriminal na gawain. Naiipit ang bansa ngayon sa mga nag-uumpugang political dynasties. Sa kabila ng hindi pagsang-ayon ng 60% ng mga Pilipino sa mga mga political dynasties sa Senado, pare-parehong mga pangalan pa rin ang nangunguna sa mga pre-election survey.

Bilang mga Pilipinong Katoliko, may magagawa ba ang ating simpleng pagboto ngayong araw sa gitna ng mga realidad na ito?

Nakasaad sa ating Saligang Batas na karapatan nating mga mamamayang Pilipino—nasa Pilipinas man o nasa ibang bansa—na maghalal ng mga opisyales sa ating mga pampublikong opisina. Ang karapatang bumoto ay pagkilala sa atin bilang mga taong may likas na dignidad at may mga karapatang sibil na mahalaga sa pagtataguyod ng ating mga komunidad at ng bansa. Ngunit kaakibat ng ating karapatang bumoto ay ang tungkulin nating bumoto nang responsable at magluklok ng mga karapat-dapat na kandidato.

Hindi nalalayo rito ang panlipunang turo ng Simbahan. Hinihikayat tayo ni Pope Leo XIII na ating bigyang-pansin ang pulitika bilang mga Katoliko dahil tungkulin din natin ito sa Diyos. Ayon naman kay Saint Pope John Paul II, hindi natin dapat isawalambahala ang ating tungkuling pulitikal. Dapat tayong makiisa sa buhay-pulitika ng ating bayan dahil isang paraan ito ng pag-ibig na nagtataguyod sa kabutihang panlahat o common good.

Ulitin natin ang tanong: may magagawa ba tayo? Ang sagot ay: oo, may magagawa tayo!

Kung gayon, ano naman ang dapat nating gawin? Sa araw na ito ng halalan, dapat tayong tumugon sa paanyaya ng Simbahan at ng Saligang Batas na isabuhay hindi lang ating tungkuling bumoto kundi ang tungkuling bumoto nang matalino at nakikinig sa ating konsensya. Ang ating pagboto ngayong araw ay hindi lamang isang pulitikal na gampanin. Ito ay pagpapahayag ng ating pananampalataya sa Diyos at pag-ibig sa kapwa. Hinahamon tayo ng Simbahan na, nasaan mang larangan tayo, dapat dinadala natin ang liwanag at kabanalan ni Kristo!

Mga Kapanalig, sa sitwasyon ng bayan ngayon, higit na kinakailangan sa pulitika ang kabanalan ng ating Panginoon! Sa ating eleksyon ngayon, maihalal sana ang mga kandidatong may kakayahan at may mga adbokasiyang nagtataguyod ng kabutihang panlahat. Sa araw na ito, maging banal tayo sa ating pagboto at makakasiguro tayo, gaya ng sabi sa Mga Awit 144:15, na “maligaya ang ating bayan na ang Diyos ay ang Panginoon!”

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 112,866 total views

 112,866 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 177,994 total views

 177,994 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 138,614 total views

 138,614 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 199,976 total views

 199,976 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 219,932 total views

 219,932 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

PADAYON concert, isasagawa ng Caritas Manila

 9,724 total views

 9,724 total views Magsasagawa ang Caritas Manila ng fundraising concert-ang PADAYON Pag-ibig, Damayan sa Pag-ahon, na ilalaan para mga biktima ng nakalipas na lindol sa Visayas

Read More »

RELATED ARTICLES

DESTABILIZATION

 112,867 total views

 112,867 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 177,995 total views

 177,995 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 138,615 total views

 138,615 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 199,977 total views

 199,977 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 219,933 total views

 219,933 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 145,752 total views

 145,752 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 156,534 total views

 156,534 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 162,980 total views

 162,980 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 181,575 total views

 181,575 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 201,318 total views

 201,318 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »
Scroll to Top