Lahat ng Apostolic Nuncio sa buong mundo, pupulungin ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,997 total reads

Inihayag ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na siya ay magtutungo sa Roma sa susunod na buwan upang dumalo sa isang mahalagang pagtitipon kasama ang lahat ng apostolic nuncio mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ang nasabing pulong ay gaganapin kasama si Pope Leo XIV, ang bagong halal na Santo Papa ng Simbahang Katolika.

Ayon kay Archbishop Brown, ang pagtitipon ay bahagi ng karaniwang gawain ng Vatican tuwing ikatlong taon, kung saan sabay-sabay na ipinapatawag ang mga nuncio upang makipagkita sa Santo Papa at makibahagi sa mga mahahalagang usapin ukol sa direksyon ng Simbahan sa buong mundo.

“Every three years, instead of individual meetings all the nuncios are coming at the same time and meet with the Pope, and that is what we will be doing this year in 2025,” anini Archbishop Brown. “So next month, literally a month from now, I believe I will be in Rome, but with all other nuncios to meet Pope Leo XIV. So I won’t be on a one-on-one meeting, it will be a 110 nuncios- one-Pope meeting.”

Ang pagtitipong ito ay kauna-unahang pagkakataon na makakaharap ng mga nuncio si Pope Leo XIV mula nang siya ay mahalal bilang ika-267 na Santo Papa nitong taong 2025.

Kilala sa kanyang pagiging miyembro ng Augustinian order, si Pope Leo XIV ay ang kauna-unahang Santo Papa mula sa Estados Unidos, na dati ring nagsilbi bilang obispo sa Peru bago naitalaga sa Vatican.

Si Pope Leo XIV ay nagpahayag ng intensyong ipagpatuloy ang mga pangunahing adbokasiya ni Pope Francis, lalo na ang pagtataguyod sa mga mahihirap, ang pagbibigay halaga sa mga isyu ng katarungan at kapayapaan, at ang pagharap sa mga hamon ng makabagong teknolohiya gaya ng artificial intelligence.

Kilala rin siya sa kanyang debosyon sa Mahal na Ina, partikular sa dambana ng Madre del Buon Consiglio sa Genazzano, Italya, na una niyang binisita matapos mahalal bilang Santo Papa.

Si Archbishop Brown, na nagsisilbi namang kinatawan ng Vatican sa Pilipinas mula pa noong 2020, ay aktibong nakikibahagi sa mga usaping panlipunan at panrelihiyon sa bansa. Ang kanyang pagdalo sa pagtitipon sa Roma ay inaasahang magbibigay daan upang maibahagi niya kay Pope Leo XIV ang kalagayan ng Simbahang Katolika sa Pilipinas at ang pananampalataya ng sambayanang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 66,514 total reads

 66,514 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 98,942 total reads

 98,942 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 200,768 total reads

 200,768 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 241,326 total reads

 241,326 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 259,075 total reads

 259,075 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top