77,225 total views

Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na!

Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon ngayong taon din ay isang midterm elections kung kailan bumuboto tayo ng labindalawang senador na bubuo sa Senado at ng mga kandidato para sa mga lokal na posisyon. Sa makasaysayang araw na ito, nararapat lang nating tandaan at pahalagahan ang eleksyon bilang mga mamamayang Pilipino at Katolikong Kristiyano.

Iba’t ibang dahilan ang sumasaklaw sa paraan ng ating pagboto ngayong eleksyon. Ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (o SWS) tungkol sa tinatawag na voter preference, mataas ang tsansang iboto ng mga botante ang mga kandidatong may adbokasiya sa mga sumusunod na isyu: pagbibigay ng trabaho; seguridad sa pagkain at agrikultura; pagpapaunlad sa health care system; at pagprotekta sa mga karapatan ng mga manggagawa. Iatapat natin ito sa resulta ng isa pang survey ng SWS kung saan 55% ng mga pamilyang Pilipino ay itinuturing ang kanilang mga sarili na mahirap.

Maliban sa mga panlipunang at ekonomikong dahilan, masasabi ring magulo ang kalagayan ng ating pulitika. Sa eleksyon para sa mga pambansang posisyon hanggang sa mga lokal na puwesto, laganap ang mga kandidatong mula sa political dynasties, walang sapat na karanasan at kakayahan, at nadadawit pa sa katiwalian at kriminal na gawain. Naiipit ang bansa ngayon sa mga nag-uumpugang political dynasties. Sa kabila ng hindi pagsang-ayon ng 60% ng mga Pilipino sa mga mga political dynasties sa Senado, pare-parehong mga pangalan pa rin ang nangunguna sa mga pre-election survey.

Bilang mga Pilipinong Katoliko, may magagawa ba ang ating simpleng pagboto ngayong araw sa gitna ng mga realidad na ito?

Nakasaad sa ating Saligang Batas na karapatan nating mga mamamayang Pilipino—nasa Pilipinas man o nasa ibang bansa—na maghalal ng mga opisyales sa ating mga pampublikong opisina. Ang karapatang bumoto ay pagkilala sa atin bilang mga taong may likas na dignidad at may mga karapatang sibil na mahalaga sa pagtataguyod ng ating mga komunidad at ng bansa. Ngunit kaakibat ng ating karapatang bumoto ay ang tungkulin nating bumoto nang responsable at magluklok ng mga karapat-dapat na kandidato.

Hindi nalalayo rito ang panlipunang turo ng Simbahan. Hinihikayat tayo ni Pope Leo XIII na ating bigyang-pansin ang pulitika bilang mga Katoliko dahil tungkulin din natin ito sa Diyos. Ayon naman kay Saint Pope John Paul II, hindi natin dapat isawalambahala ang ating tungkuling pulitikal. Dapat tayong makiisa sa buhay-pulitika ng ating bayan dahil isang paraan ito ng pag-ibig na nagtataguyod sa kabutihang panlahat o common good.

Ulitin natin ang tanong: may magagawa ba tayo? Ang sagot ay: oo, may magagawa tayo!

Kung gayon, ano naman ang dapat nating gawin? Sa araw na ito ng halalan, dapat tayong tumugon sa paanyaya ng Simbahan at ng Saligang Batas na isabuhay hindi lang ating tungkuling bumoto kundi ang tungkuling bumoto nang matalino at nakikinig sa ating konsensya. Ang ating pagboto ngayong araw ay hindi lamang isang pulitikal na gampanin. Ito ay pagpapahayag ng ating pananampalataya sa Diyos at pag-ibig sa kapwa. Hinahamon tayo ng Simbahan na, nasaan mang larangan tayo, dapat dinadala natin ang liwanag at kabanalan ni Kristo!

Mga Kapanalig, sa sitwasyon ng bayan ngayon, higit na kinakailangan sa pulitika ang kabanalan ng ating Panginoon! Sa ating eleksyon ngayon, maihalal sana ang mga kandidatong may kakayahan at may mga adbokasiyang nagtataguyod ng kabutihang panlahat. Sa araw na ito, maging banal tayo sa ating pagboto at makakasiguro tayo, gaya ng sabi sa Mga Awit 144:15, na “maligaya ang ating bayan na ang Diyos ay ang Panginoon!”

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 12,952 total views

 12,952 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 27,596 total views

 27,596 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 41,898 total views

 41,898 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 58,601 total views

 58,601 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 104,495 total views

 104,495 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 12,953 total views

 12,953 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Health emergency dahil sa HIV

 27,597 total views

 27,597 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 41,899 total views

 41,899 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

K-12 ba ang problema?

 58,602 total views

 58,602 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top