Kinabukasan mo at kapwa ang nakataya sa boto mo

SHARE THE TRUTH

 8,806 total views

Binigyang diin ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy na ang nakatakdang halalan ay hindi lamang isang simpleng gawaing pulitikal sa halip ay isang mahalagang pagkakataon para sa bawat mamamayan upang iprayoridad ang kapakanan at kinabukasan ng bayan.

Ito ang paalala ng Obispo sa kanyang pastoral kaugnay sa nakatakdang 2025 Midterm National and Local Elections bukas, ika-12 ng Mayo, 2025.

Ayon sa Obispo, dapat na maunawaan ng lahat na ang halalan ay isang pambihirang pagkakataon upang isulong ng bawat mamamayan ang isang lipunan kung saan namamayani ang katarungan, kapayapaan, katotohanan at pagmamalasakitan sa bawat isa.

“As we stand on the threshold of another important moment in our nation’s democratic journey, I address you not only as your shepherd in faith but as a fellow Filipino who shares your hopes for a better tomorrow. Elections are not merely political events—they are moral choices. They are opportunities to shape the kind of society we want to live in, one that reflects justice, truth, and compassion.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Uy.

Hinikayat din ni Bishop Uy ang bawat botante na manalangin at hingin ang paggabay ng Banal na Espiritu sa kanilang pagpili ng karapat-dapat na ihalal sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.
Paliwanag ng Obispo, kinakailangang gamitin ng bawat isa ang kanilang konsensya at pagnilayan ang gagawing pagpili sa kung sino ang mga katapat-dapat na ihalal upang pamunuan ang iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.

Giit ni Bishop Uy, hindi dapat na magpaapekto ang mga botante sa anumang impluwensya ng mga kandidato lalo na ang mga nagnanais na bumili ng kanilang boto, sapagkat ang eleksyon at kanilang boto ay maituturing ding sagrado at walang katumbas na halaga o presyo.

“Pray and ask the guidance of the Holy Spirit before voting. Do not approach the ballot as a mere civic duty, but as a spiritual one. In prayer, open your heart to God’s wisdom so that you may discern rightly and courageously. Vote according to your conscience and do not allow politicians’ money to influence you. Your vote is not for sale. No amount of cash or short-term favor can ever outweigh the long-term consequences of choosing the wrong leaders. Conscience, formed in truth and faith, must be your guide.” Dagdag pa ni Bishop Uy.

Pagbabahagi ng Obispo, kinakailangang piliin at ihalal ng mga botante ang mga kandidatong may kredibilidad, kakahayan, may puso para mahihirap at kalikasan, at tunay na nagnanais na maglingkod ng tapat ng walang pansariling interes sa posisyon at kapangyarihan.

“Choose candidates who you think are capable, credible, conscientious, and committed to serve, and don’t be swayed by money, popularity, and false promises. Leadership is a sacred trust. Seek those who demonstrate integrity, competence, and a heart for the poor and the environment.” Ayon pa kay Bishop Uy.

Batay sa tala ng COMELEC, aabot sa mahigit 69.6 na milyon ang bilang ng mga rehistradong botante para sa nalalapit na 2025 National and Local Elections kung saan kinakailangang maghalal ng mahigit sa 18,200 mga bagong opisyal ng bayan na kinabibilangan ng 12-senador, mga partylist representatives, congressional district representatives, governor, mayor, sangguniang bayan member at iba pa

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 13,429 total views

 13,429 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 28,073 total views

 28,073 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 42,375 total views

 42,375 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 59,077 total views

 59,077 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 104,901 total views

 104,901 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top