4,485 total views
Umapela ang Caritas Philippines sa mga botante ng malalim na pagninilay sa mga ihahalal sa 2025 Midterm Election.
Ayon kay Caritas Philippines Kidapawan Bishop Jose Colin, ito ay dahil ang magiging resulta ng halalan ngayong Mayo ay magdidikta ng kinakabukasan ng mga Pilipino.
Umaasa ang Obispo na piliin ng mga Pilipino ang lider na mayroong pagmamahal sa bayan, katarungan at pinakamahihirap sa lipunan.
“Let us elect leaders — both national and local — who embody integrity, competence, and a genuine commitment to the common good. Our vote must be both moral and patriotic, grounded in truth, justice, and the dignity of every Filipino. It must also be an expression of our faith in our God of justice and equality with a genuine love for the poor,” ayon sa mensahe ni Bishop Bagaforo.
Ipinagdarasal ni Bishop Bagaforo na ihalal ng mga Pilipino ang mga pinunong tutugon sa malnutrisyon, pagkasira ng kalikasan, kahirapan, kawalan ng katarungan at pagkasira ng moralidad sa lipunan.
Iminungkahi naman ng Obispo sa mga botante na iboto ang mga kandidato na naninindigan sa soberenya ng Pilipinas.
Inaasahan din ni Bishop Pilipino na tuluyan ng wakasan ng mga botante ang pamamayagpag ng political dynasties, wakasan ang fake news, karahasan, takot at kawalang galang na umiiral sa bansa.
“We urge our fellow Filipinos: do not be deceived by dole-outs and ayuda in exchange for votes. Our dignity is not for sale. Do not believe the lies of those paid to spread disinformation, sow confusion, and destroy the names of deserving, competent, and honest candidates, chose leaders who are God-fearing, people-centered (makatao), and committed to building a just, inclusive, and compassionate society.Let this election be a moment of moral renewal. Let our votes reflect not just our hopes, but also the values of our faith, our conscience, and our love for the Philippines,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Bagaforo.
Ibinahagi naman ng Obispo sa mga botante na gamitin sa pagboto ang “seven Alay-Kapwa legacy program ng Caritas Philippines.
Ito ay Alay para sa Kabataan, Alay para sa Kabuhayan, Alay para sa Kalikasan, Alay para sa Kalusugan, Alay para sa Katarungan at Kapayapaan, Alay para sa Karunungan, at Alay para sa Katugunan sa Kalamidad.