Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,743 total views

Gospel Reading for May 12, 2025 – John 10: 1-10

CONSCIENCE

Jesus said: “Amen, amen, I say to you, whoever does not enter a sheepfold through the gate but climbs over elsewhere is a thief and a robber. But whoever enters through the gate is the shepherd of the sheep. The gatekeeper opens it for him, and the sheep hear his voice, as the shepherd calls his own sheep by name and leads them out. When he has driven out all his own, he walks ahead of them, and the sheep follow him, because they recognize his voice. But they will not follow a stranger; they will run away from him, because they do not recognize the voice of strangers.” Although Jesus used this figure of speech, the Pharisees did not realize what he was trying to tell them. So Jesus said again, “Amen, amen, I say to you, I am the gate for the sheep. All who came before me are thieves and robbers, but the sheep did not listen to them. I am the gate. Whoever enters through me will be saved, and will come in and go out and find pasture. A thief comes only to steal and slaughter and destroy; I came so that they might have life and have it more abundantly.”

————
Most of our dogs at home feel so insecure when left alone. Perhaps, they are worried that their master might not come back. This is very obvious because when the master comes home they jump up and down, making non-barking sounds, perhaps in human terms, sighs of relief. The sense of insecurity is brought about by uncertainty. They are not sure of the love of their master. They are not sure about how much the master cares for them. They are afraid to be abandoned.

Jesus, our Good Shepherd assures us of his love. He promises to keep us safe from the evil one. He knows all of us by our names. We are his sheep. But, we need to learn to recognize his voice, and to follow him. Otherwise, the evil one might steal and slaughter us.

How do we learn to recognize his voice?

In spiritual life, the voice of God is our CONSCIENCE. That is, if our CONSCIENCE had been formed from the age of reason in accordance with the Word of God. This is why the role of parents is so very important in the formation of CONSCIENCE of their children. Otherwise, the child may develop a Doubtful CONSCIENCE where the child will be unable to decide whether an action is good or bad, always creating uncertainty and hesitation; or an Erroneous CONSCIENCE where the child will be making incorrect judgments, mistaking good for evil and vice versa; or a Scrupulous CONSCIENCE where the child will be overly cautious and judges that there is sin where there isn’t or that a minor sin is a major one. It will cause a lot of anxiety in the child’s life; or a Lax CONSCIENCE where the child ignores or minimizes the severity of sin.

One way to form a child’s CONSCIENCE is to correct the wrong doing and explain to them why it is wrong, and to always affirm and praise them when they are doing right. Another way is to have a dialogue with them and ask them how they would feel if what they did is okay if it was done to them. Children, being very honest, will realize that what they did was wrong. This comes from the very delicate moral fiber woven within our inner self, having being made in God’s image and likeness. But, the best way to form a child’s CONSCIENCE is for the parents themselves to set a good example. As they say, children always look up to their parents that’s why they tend to follow what their parents do. Children are the mirrors of their parents. It is equally important to explain the 10 Commandments to them, not by forcing it on them but by explaining why there is need to obey each commandment, and how obeying them will benefit them and make them free from the evil one, and bring them to everlasting life.

Let us ponder on this hymn, O PANGINOON, PASTOL KO (based on Psalm 23) –
Sa t’wing pagod ako sa
mga hirap na dinaranas ko,
Pinahihimlay mo ako
sa luntiang pastulan mo;
Inaakay mo ako sa
payapang batisan;
Pinagiginhawa kalooban,
dinadala sa tuwid na landas.
O Panginoon Pastol ko,
pasanin mo ako sa `yong balikat
`pagkat tiyak na ako’y ligtas
sa anumang kapahamakan.
O Panginoon Pastol ko,
pasanin mo ako sa `yong balikat;
Kabutihan at pag-ibig mo
susunod sa buong buhay ko!
Sa harap ng kaaway,
pinaghahain mo ako,
pinapahiran ng langis sa ulo,
umaapaw ang aking baso.
Lumalakad man ako
sa lambak ng karimlan,
walang takot `pagkat nar’yan ka,
tungkod, pamalo nagpapasigla.
O Panginoon Pastol ko,
pasanin mo ako sa `yong balikat
`pagkat tiyak na ako’y ligtas
sa anumang kapahamakan.
O Panginoon Pastol ko,
pasanin mo ako sa `yong balikat;
kabutihan at pag-ibig mo
susunod sa buong buhay ko!
Panalangin ko ay manirahan
sa `yong bahay magpakailan!
Amen.

Pagkakaibigan, pinakamabisang daan ng bokasyon-Cardinal Tagle

 18,128 total views

Iginiit ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-prefect ng Dicastery for Evangelization, na ang pagkakaibigan ang isa sa pinakamabisang daan ng bokasyon, sapagkat sa pamamagitan ng mga tunay na ugnayan nagiging buhay at konkretong karanasan ang pagkilala kay Hesus at ang pagtugon sa tawag ng Diyos.

Tinalakay ito ni Cardinal Tagle sa isinagawang Heart to Heart Talk sa unang araw ng 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) 2026 sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion, kung saan ibinahagi nina Sr. Mary Joannie Bolisay ng Sisters of Saint Paul of Chartres (SPC) at Fr. Dean Jerome Cruz ng Diocese of Cabanatuan ang mga pagkakaibigang naging bahagi ng kanilang paglalakbay tungo sa buhay relihiyoso at pagpapari.

Binigyang-diin ni Cardinal Tagle na bagama’t mahalaga ang mga vocation promotion materials tulad ng posters, videos, short stories at seminars, mas nagiging makapangyarihan ang personal na ugnayan at buhay na patotoo ng mga taong nagpapakita ng kasiyahan sa paglilingkod sa Diyos.

“While we appreciate the use of film, mga short stories na nakikita natin sa TV, yung mga posters announcing a diocese, a seminary, a religious order, they’re all good for giving information. But we should not discount the role of friendship in making the face of Jesus, the face of the Church, real to people,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Ibinahagi ni Sr. Bolisay na ang kanyang pagtugon sa bokasyon ay unti-unting nahubog sa pakikipagkaibigan niya sa mga seminarista ng Maria Asunta Seminary noong siya ay youth coordinator ng Diocese of Cabanatuan.

Ayon sa madre, ang masayang samahan at dedikasyon ng mga seminarista sa paglilingkod ang naging inspirasyon upang makita niya ang kagandahan ng buhay relihiyoso.

“Iyong joyful disposition ng mga seminarians, ‘yun po ‘yung isa sa mga nakahikayat sa akin na pwede naman palang subukan. At sila din po ‘yung nagpakilala sa akin ng congregation kung saan po ako papasok,” ayon kay Sr. Bolisay.

Samantala, ibinahagi naman ni Fr. Cruz na ang kanyang bokasyon bilang pari ay nagsimula rin sa pag-anyaya at paggabay ng mga kaibigang altar server at youth ministers noong siya ay nasa high school.

Binigyang-diin ng pari na mahalaga ang pagkakaroon ng mabubuting kaibigan maging sa patuloy na buhay-paglilingkod, lalo na sa panahon ng mga pagsubok at panghihina ng loob sa ministeryo.

“Truth and charity, magkakambal po ‘yan para sa growing relationship. You have to be truthful and of course you have to be charitable in expressing the truth para po balanse. Kasi kapag truth lang po, baka po masaktan kung walang charity. Pero kung charity lang, baka puro compromise naman po at wala pong truth. Baka po fake friendship na po ‘yun,” saad ni Fr. Cruz.

Sa pagtatapos ng talakayan, hinikayat ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na huwag matakot makipagkaibigan at maging saksi ng pag-ibig ni Kristo, dahil ang mga ugnayang binubuo ngayon ay maaaring maging binhi ng mga bokasyon sa hinaharap.

“The seeds of friendship that you sow now will be the harvest of vocation in the future,” ayon kay Cardinal Tagle.

Tema ng PCNE XII ang “Sangkay: I have called you Friends (John 15:15),” na naglalayong palalimin ang diwa ng pagkakaibigan bilang daan tungo sa pagbabagong-loob sa misyon at sa pagbuo ng isang higit na sinodal na Simbahang Katolika sa Pilipinas.

Pag-ibig, pundasyon ng tunay pakikipagkaibigan

 17,976 total views

Binigyan-diin ng Prior Provincial ng Dominican Province of the Philippines Father Filemon Dela Cruz Jr., O.P – , ang ‘pag-ibig’ bilang pundasyon ng tunay na pakikipagkaibigan at matatag na ugnayan ng bawat mananampalataya sa kaniyang mensahe para sa 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) sa University of Santo Tomas.

Ito ay sa kaniyang pagninilay sa session ng “Confessio Peccati et Laudis: Healing and Nurturing Relationships,” na nakatuon sa pagpapanumbalik at pagpapatibay ng mga ugnayan.

Ayon kay Fr. dela Cruz, ang tunay na pagkakaibigan ay nakaugat sa pag-ibig na nag-uudyok sa tao na pahalagahan, ingatan, at alagaan ang kapwa.

Iginiit niyang ang pagmamahal ay hindi lamang damdamin kundi isang desisyon na kilalanin ang dignidad at kahalagahan ng bawat tao, na siyang nagpapatatag sa mga ugnayang humuhubog sa pamayanan ng pananampalataya.

“Friendship is friendship in love, kaya kapag ika’y nagmahal, iingatan mo ang halaga ng isang tao pinapahalagahan mo ang taong yan, kaya mahal kita l, mahalaga ka sakin,” ayon sa pagninilay ni Fr.Dela Cruz

Binigyang-diin din ng pari na ang pagpapahalaga sa kapwa ay nagiging daan upang mapagaling ang mga nasirang relasyon at makabuo ng mga pamayanang nagkakaisa sa diwa ng pakikinig, pag-unawa, at pagmamalasakit. dahil ang tunay na pagkakaibigan ay naipapakita sa konkretong pag-aaruga at patuloy na pag-akay sa isa’t isa tungo sa pag-ibig ni Kristo.

Kaugnay nito, umaasa si Fr. dela Cruz na magsisilbing inspirasyon ang PCNE 2026 upang higit pang mapalalim ang kultura ng pagkakaibigan at pagmamahalan sa loob ng Simbahan, kasabay ng paghahanda ng mga mananampalataya para sa Evangelization 2033, sa pamamagitan ng paghubog ng mga disipulong handang magmahal, maglingkod, at maghatid ng pag-asa sa kapwa.

Pagkakaibigan, mahalagang pundasyon ng sama-samang misyon sa pagpapalaganap ng ebanghelyo- Papal Nuncio sa mananampalataya

 19,543 total views

Binigyang-diin ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown na ang tunay na pagkakaibigan na nakaugat kay Hesukristo ang mahalagang pundasyon ng sama-samang misyon ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo.

Sa kanyang mensahe para sa 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII), sinabi ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas na ang pagkakaibigan ay isa sa pinakadakilang kaloob ng Diyos sa tao, kasunod lamang ng mismong buhay, sapagkat ito ang nagpapatatag sa mga pamayanan at nagbibigay ng tunay na kagalakan at pag-asa.

Ipinaliwanag din ni Archbishop Brown na ang tunay na pagkakaibigan ay hindi nakabatay sa pakinabang o pansariling interes kundi sa kalayaan, kabutihang-loob, at tapat na pagmamahal sa kapwa.

“Friendship is truly one of life’s greatest treasures, next only to the gift of life itself. Even wealth without friends feels empty when compared to the joy of good friendship. Friendship strengthens communities and transforms ordinary connections into lasting happiness. Without it, life becomes incomplete and burdensome. This is not merely because we are social beings, but because friendship is a vital bond rooted in freedom, generosity, and goodwill. Friendship is more than duty or utility.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Brown.

Binigyang-diin din nito ang turo ni San Agustin na ang tunay na kaibigan ay nananatiling tapat sa anumang kalagayan ng buhay.

Ayon kay Archbishop Brown, ang pagkakaibigan ay higit pang nagiging ganap sa pananampalatayang Kristiyano sapagkat ito ay nagiging pakikipagkaisa kay Kristo na humahamon sa mga mananampalataya na sama-samang maglingkod, ipagtanggol ang pananampalataya, at pangalagaan ang pagkakaisa ng Simbahan.

“In our mission as Christians, friendship means communion in Christ. Together we strive for the faith, resist false teachings, and guard against discord,” Dagdag pa ni Archbishop Brown.

Ipinaalala rin ng kinatawan ng Santo Papa na ang sukdulang larawan ng pagkakaibigan ay ipinakita mismo ni Hesus sa pamamagitan ng Kanyang pag-aalay ng buhay para sa Kanyang mga kaibigan.

Kasabay nito ay binati ni Archbishop Brown si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, ang mga obispo, pari, mga nakatalaga sa buhay-relihiyoso, layko, at lalo na ang mga kabataang kalahok sa kumperensya, at hinikayat ang lahat na patuloy na isabuhay ang diwa ng pagkakaibigang nagmumula kay Kristo bilang daan sa masiglang misyon ng ebanghelisasyon.

Isinagawa ang 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) noong Hulyo 24 hanggang 26, 2026 sa University of Santo Tomas sa Maynila na may temang “Sangkay: I Have Called You Friends” (Jn. 15:15), na naglalayong palalimin ang pakikipagkaibigan kay Hesus at paigtingin ang pakikibahagi ng bawat mananampalataya sa misyon ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 76,241 total views

 76,241 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 104,532 total views

 104,532 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 150,463 total views

 150,463 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 183,546 total views

 183,546 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 207,046 total views

 207,046 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RECOGNIZE and EXPERIENCE

 10,934 total views

 10,934 total views Gospel Reading for July 20, 2026 – Matthew 12: 38-42 RECOGNIZE and EXPERIENCE Some of the scribes and Pharisees said to Jesus, “Teacher,

Read More »

CHOOSE GOD

 12,078 total views

 12,078 total views Gospel Reading for July 19, 2026 – Matthew 13: 24-30 CHOOSE GOD Jesus proposed another parable to the crowds, saying: “The kingdom of

Read More »

RECOGNIZE

 8,987 total views

 8,987 total views Gospel Reading for July 18, 2026 – Matthew 12: 14-21 RECOGNIZE The Pharisees went out and took counsel against Jesus to put him

Read More »

VERY PRECIOUS GIFT

 9,236 total views

 9,236 total views Gospel Reading for July 17, 2026 – Matthew 12: 1-8 VERY PRECIOUS GIFT Jesus was going through a field of grain on the

Read More »
Scroll to Top