355 total views
Palaganapin ang diwa ng pag-ibig at kawanggawa, apela ng opisyal ng Vatican
Inihayag ng opisyal ng Vatican na dapat palaganapin sa lipunan ang diwa ng pag-ibig, pag-asa at kawanggawa lalo ngayong panahon ng kuwaresma sa patuloy na pakikipaglaban sa pandaigdigang krisis pangkalusugan.
Ayon kay Cardinal Peter K. A. Turkson, Prefect ng Dicastery for Promoting Integral Human Development, mahalagang mapalakas ang kaloobang ng mamamayan sapagkat marami ang nawawalan ng pag-asa dahil sa labis na kahirapang dulot ng pandemya.
“During this time of Lent, let us in our charity “speak words of reassurance and help others to realize that God loves them as sons and daughters”. This is a time to cultivate hope and to love those who are suffering, abandoned and distressed,” mensahe ni Cardinal Turkson.
Ang mensahe ng Cardinal ay kaugnay sa paggunita ng ika – 14 na World Rare Disease Day tuwing Pebrero 28.
Ipinaliwanag ni Cardinal Turkson na labis ang negatibong epekto ng COVID-19 pandemic sa mga pamilya at tagapangalaga ng maysakit sa buong daigdig dulot ng mga limitasyon na dapat isaalang-alang.
Itinuring ang mga nahawaan ng hindi pangkaraniwang sakit na kabilang sa mahinang sektor ng lipunan na hindi dapat naisasantabi.
Batay sa pag-aaral mahigit sa anim na libo ang itunuring na rare disease kung saan 72 porsyento ay genetic origin habang 70 porsyento naman ang nagsimula pagsilang ng bata.
“It is essential to promote a culture of care that is grounded in the promotion of the dignity of every human person, solidarity with the poor and the defenseless, the common good and the protection of creation,” dagdag ng opisyal.
Sa huli ipinanalangin ni Cardinal Turkson sa Mahal na Birhen ang kagalingan ng lahat ng may karamdaman kabilang na ang mga dinapuan ng hindi pangkaraniwang sakit at kanilang pamilya na madama ang dakilang pag-ibig ng Diyos lalo’t higit ang kagalingan sa karamdaman.