Ang kapalit ng kapalpakan at kapabayaan

SHARE THE TRUTH

 160 total views

Mga Kapanalig, lubhang nakababahala ang nangyaring shootout sa pagitan ng mga pulis mula sa anti-illegal drug operatives ng Quezon City Police District at mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (o PDEA) sa harap ng isang mall sa Quezon City noong isang linggo. Dalawang pulis ang namatay habang tatlong taga-PDEA ang nagtamo ng mga sugat. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, iginigiit ng dalawang ahensyang lehitimong drug operation ang kanilang ginawa. Ngunit ang nakapagtataka, paanong sila-sila rin ang nagkasagupa? Bakit ang mga dapat na humahabol sa mga sangkot sa droga ang nagpalitan ng putok ng baril?

Misencounter ang itinawag ng mga awtoridad sa nangyari—isang pagkakamaling sa kasamaang-palad ay nauwi sa isang madugong engkuwentro. Ngunit sa mata ng publiko, patunay ito ng malaking pagkukulang ng mga tagapagpatupad ng batas sa kung paano sila nagsasagawa ng kani-kanilang operasyon upang labanan ang sinasabing malaking problema natin sa droga. Malapit nang matapos ang administrasyong Duterte na nangako ng isang bayang malinis sa ipinagbabawal na gamot, ngunit heto at patuloy ang giyera nito kontra droga na may bahid ng kapalpakan, kakulangan sa maayos na intelligence, at kawalan ng koordinasyon. Ang nakalulungkot, buhay ng tao ang nagiging kapalit nito.



Ganito rin ang masasabi natin sa kaso ng libu-libong pinatay ng mga pulis habang ipinatutupad ang “war on drugs” ni Pangulong Duterte. Kung paniniwalaan natin ang datos ng pamahalaan, umabot na sa mahigit 6,000 ang mga namatay mula Hulyo 2016—ang unang buwan ng panunungkulan ng pangulo—hanggang sa Disyembre ng 2020. Karamihan sa mga ito, ayon sa pulisya, ay nanlabán, mga suspek na nagmatigas sa mga pulis, hindi sumuko, at nakipagpalitan ng putok. Ito ang palagi nating naririnig sa mga pulis sa tuwing may namamatay sa kanilang mga isinasagawang operasyong madalas nangyayari sa mga mahihirap na komunidad.

Hindi agad na tinatanggap ng mga pumupuna sa giyera kontra droga at lalo na ng mga kaanak ng mga pinatay ang katwirang ito ng mga pulis. At tumibay ang pagkukuwestyon sa paraan ng pagsasagawa ng mga pulis ng kanilang operasyon dahil mismong si DOJ Secretary Menandro Guevarra na ang nagsabing marami sa mga kaso ng mga nanlabán ay hindi nasusundan ng tinatawag na “full examination” sa mga narekober na armas na tangan ng mga napatay na suspek. Sinabi niya ito sa United Nations Human Rights Council noong nakaraang linggo. Lumabas sa imbestigayon ng binuong interagency panel ng kagawarang sa maraming pagkakataon, hindi nasusunod ng mga pulis ang mga nakatakdang protocol sa tuwing may namamatay sa mga isinasagawa nilang operasyon. Hindi na inaalam kung sino ang totoong may-ari ng baril na hawak ng mga umano’y nanlabán, at hindi na humihiling ang mga pulis ng ballistic examination o paraffin test upang patunayang nagpaputok ng baril ang mga namatay.



Hindi natin ito dapat palampasin, lalo na kung naniniwala tayo sa itinuturo ng ating pananampalatayang Kristiyano na walang sinuman ang may karapatang kumitil ng buhay ng kanyang kapwa at na hindi karahasan ang paraan upang itama ang mga itinuturing nating mali sa ating lipunan. At ang mga paniniwala nating ito ay laging nakabatay sa katotohanan, bagay na ipinagkait sa mga kababayan nating sinabi lamang na nanlabán upang bigyang-katwiran ang pagpatay sa kanila.

Mga Kapanalig, buhay ng tao ang nagiging kapalit ng kapalpakan at kapabayaan ng mga inaasahan nating magpatupad ng batas. Sa mga kasong ito, para ba nating naririnig ang winika ni Yahweh kay Cain sa Genesis 4:10: “Sumisigaw sa akin mula sa lupa ang dugo ng iyong kapatid, at humihingi ng katarungan.” Tayo kaya bilang isang bayan, kailan natin maririnig ang paghingi ng katarungan ng mga kababayan nating biktima ng karahasang para daw sa kapayapaan?

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kultura ng pagpapanagot

 15,607 total views

 15,607 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 28,031 total views

 28,031 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Farm lots

 43,466 total views

 43,466 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »

Wage Gap

 44,706 total views

 44,706 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »

Education Equality

 54,717 total views

 54,717 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 15,609 total views

 15,609 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 28,033 total views

 28,033 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Farm lots

 43,468 total views

 43,468 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wage Gap

 44,708 total views

 44,708 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Equality

 54,719 total views

 54,719 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 51,179 total views

 51,179 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive mobility

 65,938 total views

 65,938 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa content?

 56,432 total views

 56,432 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabuhayan sa Bangketa

 75,829 total views

 75,829 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Street People

 86,944 total views

 86,944 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buhay sa Slum Settlements

 90,865 total views

 90,865 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga katutubong pinaasa at pinalayas

 73,792 total views

 73,792 total views Mga Kapanalig, nagulat at nanlumo ang 44 na miyembro ng tribong Ati sa isla ng Boracay nang palayasin sila sa lupang inakala nilang napakasamay na nila. Linggo ng Palaspas nang dumating ang mga guwardyang naglagay ng mga piraso ng yero upang paligiran ang lupa. Hindi sila pinapasok ang mga katutubo kahit pa namagitan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Naglahong pera na naman?

 70,190 total views

 70,190 total views Mga Kapanalig, hindi pa naipaliliwanag ng Department of Education (o DepEd) ang 125 bilyong pisong confidential funds nito na nagastos sa loob ng labing-isang araw noong 2023, heto na naman at may bagong kontrobersyang minumulto ang sektor ng edukasyon. Speaking of “multo”, may kinalaman ang panibagong isyu sa mga tinatawag na “ghost students”. 

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sikretong kasunduan

 69,799 total views

 69,799 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo sa balita ang nangyari sa mga barko ng Pilipinas at sa mga sakay ng mga ito habang nagsasagawa ng tinatawag na rotation and resupply mission para sa ating mga sundalong nasa BRP Sierra Madre na nakahimpil sa Ayungin Shoal? Nangyari ang insidente Sabado bago ang mga Mahal na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Catastrophic Diseases

 92,626 total views

 92,626 total views Alam niyo kapanalig, ang pagkakasakit, lalo na pag malubha, ay isa sa mga pangunahing dahilan ng kahirapan ng marami nating mga kababayan. Ayon sa opisyal na datos, ang mga pangunahing cause of death sa ating bansa ay ang sakit sa puso o ischemic heart disease, kanser, at mga cerebrovascular diseases. 19% ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top