Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 13,984 total views

Ika-33 Linggo ng KP, taon B, ika-17 ng Nobyembre 2024, Marko 13:24-32

Noong nagpilgrimage ang mga pari ng Kalookan, minsan nakita ko ang isa sa mga pari namin na “plantito” ring tulad ko. Nakatayo siya sa ilalim ng isang punongkahoy sa tapat ng hotel. Nakahawak siya sa gilid ng puno, nakadampi ang palad niya, nakayuko ang ulo, at nakapikit ang mata. Hindi niya ako napansin nang lumapit ako. Pumuwesto ako sa tapat niya at gumaya ako sa kanya. Mga ilang minuto rin bago niya naramdaman na nandoon ako at binuksan ang mga mata niya. Pagkakita niya sa akin, ngumiti siya at ang sabi nya, “Ramdam nyo rin ba ang energy na galing sa punongkahoy na ito, Bishop? Sabi ko, “Oo.” “Parang siyang power charger ano? “

Sabi nila, si Gautama Siddharta ay nagtamo ng liwanag sa ilalim ng banyan tree, kaya tinawag itong Bodhi tree (tree of enlightenment) at siya, na naliwanagan ay tinawag na Buddha. Sa imahinasyon ko, inilalarawan ko si Hesus sa Gospel reading natin ngayon na nagdarasal sa ilalim ng mga punongkahoy, katulad noong naroon siya sa garden of olives noong Huwebes Santo nang gabi nang arestuhin siya. Dito sa pagbasa natin ngayon, fig tree naman. Sabi niya, “Matuto daw tayo sa fig tree.” Hindi lang energy, kundi wisdom o karunungan ang pwedeng makuha sa punongkahoy. Kumbaga sa karanasan ni Gautama Siddharta, may maidudulot itong liwanag o pagmumulat. Sa mga evbanghelyo, ang dalas pumulot ni Hesus ng mga aral mula sa kalikasan: sa ibon, sa ligaw na bulaklak, sa butil ng trigo, sa mustasa, at maraming iba pa.

Dalawang aral ang ibig niyang matutunan natin ngayon mula sa kalikasan: una, na lahat ng bagay ay lilipas, kaya mahalagang nakaugat tayo sa walang hanggan. At pangalawa, na kung marunong tayong magmasid sa mga palatandaan sa kasalukuyan, kaya nating alamin ang hinaharap. Simulan natin sa pangalawa (palatandaan), at mula doon balikan ang una (pagkakaugat).
Madalas gamitin ni Hesus ang salitang tanda o palatandaan. Wala pang scientific weather forecasting noong panahon niya, pero noon pa man marunong nang magmasid ang tao. Sa Mateo 16:3 sabi niya nasasabi daw ng tao “Mukhang may paparating na bagyo; kulay-pula ang alapaap.” Bakit ba kaya ninyong kilatisin ang anyo ng langit pero hindi ninyo makilatis ang mga palatandaan ng panahon?

Noong una, ang tawag sa mga propeta sa Israel ay manghuhula, dahil naaaninag daw nila ang darating. Hindi naman kailangan ng bolang kristal para maaninag ang hinaharap. Kailangan lang maging mapagmasid at mapanuri para maintindihan ang mga pangyayari sa kasalukuyan batay sa nakaraan. Kalulunsad lang sa diocese of Kalookan ng isang makapal na libro na pinamagatang AGOS. Nasabi ko sa book launching namin noong nakaraang Biyernes na magandang larawan ang “agos” para sa pagsusumikap naming matuto ng mga aral sa kasaysayan, dahil ang buhay nga naman ay parang tubig ng ilog na patuloy na umaagos. “You don’t step on the same river twice,” sabi ng Griyegong pilosopo na si Heraclitus. Hindi lang ang mundo ang patuloy na nagbabago; tayo rin, araw-araw napapalitan ang mga cells sa katawan natin.

At kaya kasaysayan para sa atin ang history ay dahil, mas mahalaga kaysa salaysay ang pag-unawa sa saysay o kahulugan ng mga pangyayari. Ito lang ang pwedeng magpamulat sa atin sa direksyon na dapat tahakin patungo sa hinaharap. Di ba kasabihan din natin, “Ang di marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan?”
Bumalik tayo ngayon sa unang aral: lahat ng bagay ay lilipas. Ang mga punongkahoy na mababaw ang ugat ay madaling itaob ng bagyo. Mahalaga ang magkaroon ng mas malalim na pagkakaugat para maging matatag, at tulad ng kawayan, matutong yumuko at magpakumbaba sa pagdaan ng mga unos sa buhay na lilipas din naman. Hangga’t nakaugat nang malalim, puwedeng tumayong muli at bumawi. Ganyan ang Diyos sa buhay natin.

Sabi ni Hesus, lilipas daw pati langit at lupa ngunit hindi ang kanyang salita. Kaya tayo bumabalik-balik sa simbahan: para hanapin ang mas malalim na pagkakaugat, para maging mas matatag ang tayo natin sa pagharap natin sa mga kalamidad tulad ng mga unos, daluyong at bagyo. Hindi ba sa kuwento ng paglikha, salita lang ang binigkas ng Diyos at sunod-sunod nang nalikha ang lahat ng bagay sa daigdig? Ang salita ng Diyos ng Pag-ibig ang humubog sa atin sa kanyang hugis at wangis. Kaya mahalagang makinig sa kanyang salita sa pamamagitan ng panalangin para maliwanagan tayo tungkol sa kaugnayan ng ngayon sa kahapon at matanaw ang bukas.

So ito pong dalawang aral ang baunin natin at huwag kalilimutan: lilipas ang lahat, iugat ang buhay sa walang hanggan. At ikalawa, matutong bumasa ng mga palatandaan, umunawa sa kaugnayan ng nakaraan sa kasalukuyan upang maaninag ang hinaharap.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Diabolical Proposal

 9,409 total views

 9,409 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »

Pagsasayang Ng Pera

 17,145 total views

 17,145 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »

Education Crisis

 24,632 total views

 24,632 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 29,957 total views

 29,957 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More »

Pagbabalik ng pork barrel?

 35,765 total views

 35,765 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAMULAT

 920 total views

 920 total views Homiliya para sa Kapistahan ng Pagkakabinyag ng Panginoon, 12 Enero 2025, Lk. 3:15-16,21-22 Hindi si Juan Bautista ang nagbinyag kay Hesus kundi ang Espiritu Santo. Naging okasyon lang ang paglulublob na ginawa ni Juan sa kanya para sa pagbaba ng Espiritu Santo. Ang Espiritu ang pumukaw sa kalooban niya at nagbigay sa kanya

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PRAYER AND SOLITUDE

 921 total views

 921 total views Homily for Friday after Epiphany, 10 Jan 2025, Lk 5:12-16 On two counts, the leper in the Gospel violated the Law of Moses. Firstly, he was not supposed to stay inside a town if he was afflicted by the disease of leprosy. He was supposed to isolate himself by staying in a cave

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

EFFECTS OF PRAYER

 2,046 total views

 2,046 total views Homily for Wednesday after Epiphany, 08 Jan 2025, Mk 6, 45-52 They had just fed 5,000 people. St. Mark tells us Jesus instructed his disciples to serve them in groups of 50 to 100. Even with 100 per group, he would still have needed at least 50 volunteers to do the serving. They

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TEACHING WHILE FEEDING

 3,356 total views

 3,356 total views Homily for Tues after Epiphany, 07 Jan 2025, Mk 6:34-44 Because we are familiar with a two-part Liturgy at Mass that distinguishes between the first part, which we call the Liturgy of the Word and the second part, which we call the Liturgy of the Eucharist, we tend to project it on this

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TATLONG REGALO

 921 total views

 921 total views Homiliya para sa Kapistahan ng Epifania o Pagpapakita ng Panginoon sa mga Bansa, Enero 4, 2025, Mt 2:1-12 May nabasa akong isang feministang cartoon strip tungkol sa pagdalaw ng tatlong Pantas na lalaki “Ano daw kaya ang nangyari kung imbes na mga lalaki ay mga babae ang tatlong Pantas na bumisita sa Sagrada

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE PARABLE OF THE DONKEY

 2,320 total views

 2,320 total views Homily for Thursday before Epiphany, Jn 1:19-28 Today’s readings remind me of the parable of the donkey who thought he was the Messiah when he entered Jerusalem. That was because he was met by crowds of people who were waving their palm branches at him. Some of them were even laying their cloaks

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

INA NG PAGASA

 4,636 total views

 4,636 total views Solemnidad ni Mariang Ina ng Diyos, Bagong Taon 2025, Lk 2:16-21 Sa aklat ng Eksodo may isang eksena kung saan naglalambing si Moises sa Diyos. Sabi niya sa Panginoon: kung talagang matalik na kaibigan ang turing mo sa akin, sana ipakita mo sa akin ang iyong mukha. Sagot daw ng Diyos, “Di mo

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KEEP THE FIRE BURNING

 2,324 total views

 2,324 total views Homily for the Episcopal Ordination of Bishop Euginius Cañete, 28 Dec 2024, Matthew 2: 13-18 Dear brothers and sisters in Christ. We are still in the season of Christmas, so let me begin by greeting you a Merry Christmas. What a joy it is to preside at this Eucharist in the company of

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGPATULÓY

 13,157 total views

 13,157 total views Homiliya para sa Pasko 2024, Lk 2:1-14 Minsan kahit mga batikang lector at commentator sa simbahan nagkakamali din ng bigkas sa ibang mga Tagalog na salita depende sa diin. Halimbawa, matapos itaas ng pari ang Ostia at sabihing, “Ito ang Kordero ng Diyos, ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan…”. Sasagot ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LANDAS NG KAPAYAPAAN

 8,735 total views

 8,735 total views Homiliya para sa Huling Simbang Gabi, 24 Dis 2024, Lk 1:67-79 Parang orakulo ng propeta ang narinig nating awit ni Zacarias sa ating ebanghelyo para sa huling simbang gabi: “Sapagkat lubhang mahabagin ang ating Diyos, magbubukang-liwayway sa atin ang araw ng kaligtasan upang magbigay-liwanag sa mga nasa kadiliman at nasa lilim ng kamatayan,

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUMALIKID

 3,647 total views

 3,647 total views Homiliya para sa Pampitong Simbang Gabi, ikaapat na Linggo ng Adbiyento, 22 Disyembre 2024, Lk 1: 39-45 Ang Salmong Tugunan ang pinagbatayan ko ng pagninilay ngayong umaga. Pero hindi ako kuntento sa Tagalog translation. Sa literal na Ingles ganito ang sinasabi: “Lord make us turn to you; let us see your face and

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NARITO PO AKO!

 9,259 total views

 9,259 total views Homiliya Para sa Panlimang Simbang Gabi, 20 Dis 2024, Lk 1:26-38 Pag nagtaas ka ng kamay para magvolunteer sa isang gawain na hindi mo muna inalam kung ano, at di ka na makaatras matapos na malaman mo kung ano ito dahil naka-oo ka na, mayroon tayong tawag sa Tagalog sa ganyan klaseng sitwasyon:

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUHAY NA MABUNGA

 4,053 total views

 4,053 total views Homiliya Para sa Pang-apat na Simbang Gabi, 19 Dis 2024, Lk 1:5-25 Ramdam ko ang pagkainis sa tono ng salita ni anghel Gabriel sa kuwento ng ating ebanghelyo sa araw na ito. Ang trabaho lang naman niya ay magdala ng mabuting balita. Kadalasan ang mahirap ay ang magdala ng masamang balita. Kung ikaw

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DI NA MAGLULUWAT

 6,677 total views

 6,677 total views Homiliya para sa Unang Simbang Gabi, 16 Disyembre 2024, Isa 56, 1-3a. 6-8 and Jn 5:33-36 Ang unang pagbasa mula kay propeta Isaias ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa unang araw ng ating simbang gabi. Ayon sa propeta, sinabi daw ng Panginoon: “Ang pagliligtas ko’y di na magluluwat, ito ay darating, ito’y

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RED DAY

 20,669 total views

 20,669 total views On this “red day” of my life and ministry as a bishop, allow me to repost a homily I delivered on 25 Nov. 2020, Red Wednesday, entitled “WASHED BY THE BLOOD OF THE LAMB” based on Lk 21:12-19, Memorial of St. Catherine of Alexandria Red is a dangerous color. The Spaniards say if

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top