Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nasa mga lider ang problema ng bansa-Bishop Alminaza

SHARE THE TRUTH

 9,369 total views

Binigyang-diin ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pangangailangan ng bansa para sa mahusay na pamumuno at pagsusulong ng pananagutan upang mapangalagaan ang kapakanan ng sambayanang Pilipino.

Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, ang patuloy na suliranin ng bansa ay nakaugat sa hindi mabuwag na political dynasties at malawakang korapsyon.

Sinabi ng obispo na hindi natututo ang bansa dahil sa paulit-ulit na paghalal sa mga lider na hindi ginagampanan nang wasto ang tungkulin, kaya ang resulta’y kawalan ng epektibong pagtugon sa mga suliranin lalo na sa usapin ng sakuna at kalamidad.

Ginawa ni Bishop Alminaza ang pahayag sa media briefing kaugnay ng kanyang pakikibahagi bilang kinatawan ng Simbahang Katolika ng Pilipinas sa 29th United Nations Climate Change Conference of Parties (COP29) Summit na ginaganap sa Baku City, Azerbaijan.

“Kaya nga tayo, if you remember, nagsampa na tayo ng disqualification case laban sa mga political dynasty. Kasi ang problema ay nasa leadership din. Kung sino ‘yung binoboto natin, sino ‘yung gumagawa ay palagi na lang hindi tayo natututo… Ang problema ang mga voters, hindi natin masisisi pero ganoon pa rin, madaling madala sa pera e. Tapos ang corruption sa government, matindi talaga,” paliwanag ni Bishop Alminaza.

Binatikos din ng obispo ang pamahalaan dahil sa mga proyekto, tulad ng flood control, na bilyon-bilyon na ang ginastos ngunit hindi napapakinabangan nang maayos.

Dagdag pa ni Bishop Alminaza ang pagkakaroon ng mababang kalidad ng mga trabaho, serbisyo, at programa sa bansa, na madalas nagiging sanhi ng hindi epektibong pagtugon sa mga suliranin sa lipunan.

Kaya naman hinikayat ng opisyal ng CBCP ang sama-samang pagpapahayag ng tinig ng taumbayan upang ipakita ang pagkadismaya at pagtutol sa kasalukuyang sitwasyon ng lipunan, at humingi ng pananagutan at pagbabago sa mga nasa katungkulan.

“Kaya kung may nakikita tayong problema, mag-ingay talaga tayo at mag-organize din para magkaroon ng sama-samang boses na nagsasabing ‘ayaw na namin ng ganito, tama na ‘yan’,” saad ni Bishop Alminaza.

Una nang inihayag ni Bishop Alminaza, na siya ring National Convenor ng Laudato Si’ Convergence National hub, na ang kanyang pagdalo sa COP29 Summit ay pagpapakita ng pangako at paninindigan ng Simbahang Katolika ng Pilipinas na kumilos para sa katarungang ekolohikal at harapin ang epekto ng krisis sa klima.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 7,302 total views

 7,302 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »

Pueblo Amante de Maria

 16,012 total views

 16,012 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »

POGO’s

 24,771 total views

 24,771 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »

Culture Of Waste

 33,164 total views

 33,164 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »

Trustworthy

 41,181 total views

 41,181 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Michael Añonuevo

2,310 Mt. Kanlaon evacuees, kinakalinga ng St.Vincent Ferrer Parish Shrine

 243 total views

 243 total views Kabuuang 2,310 indibidwal o 662 pamilya mula Barangay Mansalanao ang kasalukuyang nanunuluyan sa Saint Vincent Ferrer Parish-Shrine sa La Castellana, Negros Occidental ng Diyosesis ng Kabankalan, matapos ang pagsabog ng bulkang Kanlaon kahapon. Ayon kay Parochial Vicar, Fr. Romel “Boyet” Enar, ang mga evacuee ay pansamantalang nakatira sa St. Vincent’s High School, kung

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ipagdasal ang kaligtasan ng mamamayan sa pagsabog ng bulkang Kanlaon, panawagan ng Obispo

 321 total views

 321 total views Nananawagan ng panalangin si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza kaugnay sa pagsabog ng Bulkang Kanlaon na matatagpuan sa isla ng Negros Occidental at Oriental. Dalangin ni Bishop Alminaza ang kaligtasan ng mga Negrense na nakatira malapit sa bulkan, lalo na ang mga nasa 4 to 6-kilometer permanent danger zone (PDZ). Patuloy naman ang

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na makibahagi sa paghahanda sa 2025 Jubilee Year

 315 total views

 315 total views Hinikayat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na sama-samang paghandaan ngayong Adbiyento ang Pasko ng pagsilang ng Panginoon at ang Ordinary Jubilee Year sa susunod na taon. Sa liham sirkular, sinabi ni Cardinal Advincula na magandang pagkakataon ang Adbiyento upang ihanda ang mga sarili sa pagdiriwang ng Banal na Taon na

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Pagtalaga ni Pope Francis kay Cardinal David, pagsuporta sa pagsusulong ng simbahan ng katarungan

 581 total views

 581 total views Nagpaabot ng pagbati at pananalangin ang social, development, at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kay bagong Filipino Cardinal, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David. Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang pagkakatalaga ni Pope Francis kay Cardinal David ay hindi lamang pagkilala sa kanyang personal

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mamamayan, binalaan ni Bishop Santos

 4,104 total views

 4,104 total views Nagbabala si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa publiko laban sa mga mapagsamantala na ginagamit ang kanyang pangalan para makapanlinlang ng kapwa. Ito’y matapos mapag-alaman ng obispo na may kumakalat na pekeng Facebook account gamit ang pangalang “Roperto Cruz Santos,” na humihingi ng donasyon para sa mga nasalanta ng mga nagdaang kalamidad sa Bicol

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mining moratorium, panawagan ng dalawang Apostoliko Bikaryato ng Palawan

 5,808 total views

 5,808 total views Nananawagan ang dalawang Apostoliko Bikaryato sa Palawan para sa pagpapatupad ng mining moratorium upang mapangalagaan ang lalawigan bilang ‘last ecological frontier’ ng Pilipinas. Sa pinagsamang liham pastoral, inihayag nina Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, Taytay Bishop Broderick Pabillo, at Taytay Bishop-emeritus Edgardo Juanich ang matinding pagtutol sa pagmimina, na nagdudulot ng labis na

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Makialam sa krisis pulitika, apela ng LAIKO sa mamamayan

 6,052 total views

 6,052 total views Hinimok ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity ang sambayanang Pilipino na makialam at kumilos sa gitna ng kasalukuyang krisis sa pulitika ng bansa. Ayon sa Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO), ang lumalalang tensyong dulot ng akusasyon, pagbabanta, at personal na alitan sa pagitan

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nakikiisa sa Red Wednesday

 5,257 total views

 5,257 total views Makikiisa ang Diocese of Imus sa taunang paggunita ng Red Wednesday bilang bahagi ng pananalangin at pagsuporta sa mga Kristiyanong nakakaranas ng karahasan at pang-uusig dahil sa kanilang pananampalataya. Sa liham-sirkular, hinihikayat ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang mga parokya, paaralan, institusyon, at pamayanan na makibahagi sa pagdiriwang ng Misa ng Pagsamo para

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Plastic treaty, panawagan ng LRC

 6,457 total views

 6,457 total views Iginiit ng Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) na mahalaga ang pagkakaroon ng bagong plastic treaty upang matugunan ang patuloy na suliranin ng plastic pollution sa buong mundo. Ayon kay Atty. Mai Taqueban, ang executive director ng LRC, ang kakulangan ng ganitong uri ng kasunduan ay maaaring magdulot ng patuloy na pinsala

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Panukalang NCQG sa COP29, tinututulan

 6,904 total views

 6,904 total views Hinikayat ng civil society groups ang pamahalaan ng Pilipinas at iba pang mga developing country mula sa Global South na tanggihan ang mapanganib na kasunduan sa climate finance. Kaugnay ito ng naging talakayan sa 29th United Nations Climate Change Conference of Parties (COP29) Summit na ginanap sa Baku, Azerbaijan, hinggil sa panukalang New

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Jamie Rivera at Vehnee Saturno, judge sa kauna-unahang Radio Veritas Himig ng Katotohanan Liturgical Song Writing Contest

 7,919 total views

 7,919 total views Isasagawa kasabay ng Kapistahan ni Santa Cecilia, patron ng musika at mga musikero, ang pagtatanghal at pagpaparangal sa finalists ng kauna-unahang Himig ng Katotohanan liturgical song writing contest ng Radio Veritas 846. Gaganapin ito sa Blessed Pier Giorgio Frassati, O.P Building Auditorium ng University of Santo Tomas sa Biyernes, November 22, 2024 mula

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

Ipanalangin ang mga kristiyano na dumaranas ng pag-uusig, paalala ni Bishop Santos

 9,562 total views

 9,562 total views Ipanalangin ang mga kristiyano na dumaranas ng pag-uusig, paalala ni Bishop Santos Hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na alalahanin at ipanalangin ang mga Kristiyano sa iba’t ibang panig ng mundo na nakakaranas ng pang-uusig at pagdurusa. Ito ang panawagan ni Bishop Santos, na siya ring Episcopal Coordinator for Asia

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Diocese of Bayombong, humiling ng saklolo

 9,764 total views

 9,764 total views Umaapela ng tulong at panalangin ang Diyosesis ng Bayombong matapos manalasa ang Bagyong Pepito sa mga lalawigan ng Nueva Vizcaya at Quirino. Ayon kay Bishop Jose Elmer Mangalinao, hindi pa ganap na nakakabangon ang dalawang lalawigan mula sa mga nagdaang kalamidad sa nakalipas na mga linggo, ngunit muling naranasan ang malawakang pinsala dulot

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nanawagan ng tulong

 9,841 total views

 9,841 total views Nananawagan ng tulong at suporta ang social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa mga diyosesis na labis na naapektuhan ng Super Typhoon Pepito. Ayon kay Caritas Philippines executive director, Fr. Tito Caluag, mahalaga ang sama-samang pagtutulungan upang maibsan ang mga pasanin ng milyon-milyong pamilyang nasalanta, hindi lamang

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nakahanda sa pananalasa ng bagyong Pepito

 9,864 total views

 9,864 total views Nakahanda na ang social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa posibleng epekto ng binabantayang Super Typhoon Pepito. Pinaalalahanan ni Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang lahat na isaalang-alang ang kaligtasan ng sarili at mga mahal sa buhay, at maging handa sa mga magiging epekto

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top