Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Philippines, nanawagan ng tulong

SHARE THE TRUTH

 9,831 total views

Nananawagan ng tulong at suporta ang social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa mga diyosesis na labis na naapektuhan ng Super Typhoon Pepito.

Ayon kay Caritas Philippines executive director, Fr. Tito Caluag, mahalaga ang sama-samang pagtutulungan upang maibsan ang mga pasanin ng milyon-milyong pamilyang nasalanta, hindi lamang ng Super Typhoon Pepito, kundi maging ng iba pang kalamidad sa nakalipas na mga linggo.

Hinikayat ni Fr. Caluag na suportahan ang Alay Kapwa Program ng institusyon kung saan ang lahat ng donasyong malilikom ay direktang maipapadala sa mga apektadong diyosesis.

“Mga kababayan, dahil sa patuloy na kalamidad, marami na naman ang nangangailangan ng ating tulong. Sa pamamagitan ng Caritas Philippines, ang Alay Kapwa Program, nakatuwang natin ang ating mga partners nationwide, at ang mga diocese po ay napapaabot natin ang ating pagtulong at pagkalinga sa mga naapektuhan ng kalamidad,” ayon kay Fr. Caluag.

Batay sa situational report ng Caritas Philippines, mahigit isang milyong indibidwal o mahigit 200-libong pamilya ang naapektuhan ng super typhoon sa Bicol Region, ayon sa tala ng Department of Social Welfare and Development.

Kabilang sa labis na apektado ang lalawigan ng Catanduanes, na unang tinamaan ng Bagyong Pepito, kung saan higit 36-libong indibidwal o 10-libong pamilya ang inilikas sa mga ligtas na lugar.

Bago pa man maramdaman ang epekto ng super typhoon ay binuksan ng mga diyosesis, lalo na sa Bicol Region, ang mga simbahan at iba pang pasilidad bilang pansamantalang matutuluyan ng mga pamilyang lumikas.

Bukod dito, tiniyak ng mga simbahan ang paghahatid ng pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at maiinom na tubig sa mga apektadong residente.

Sa mga nais magbahagi ng tulong, maaaring bisitahin ang facebook page ng Caritas Philippines para sa kumpletong detalye kung paano makapagpadala ng donasyon.

“Hinihiling po namin ang inyong patuloy na pagtulong at lalo na po ang pagpaparamdam ng ating pagkalinga sa ating mga kababayan… Ano man ang kaya, biyaya po para sa iba,” saad ni Fr. Caluag.

Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy ang paghina ng Bagyong Pepito habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 7,177 total views

 7,177 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »

Pueblo Amante de Maria

 15,887 total views

 15,887 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »

POGO’s

 24,646 total views

 24,646 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »

Culture Of Waste

 33,039 total views

 33,039 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »

Trustworthy

 41,056 total views

 41,056 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Michael Añonuevo

2,310 Mt. Kanlaon evacuees, kinakalinga ng St.Vincent Ferrer Parish Shrine

 229 total views

 229 total views Kabuuang 2,310 indibidwal o 662 pamilya mula Barangay Mansalanao ang kasalukuyang nanunuluyan sa Saint Vincent Ferrer Parish-Shrine sa La Castellana, Negros Occidental ng Diyosesis ng Kabankalan, matapos ang pagsabog ng bulkang Kanlaon kahapon. Ayon kay Parochial Vicar, Fr. Romel “Boyet” Enar, ang mga evacuee ay pansamantalang nakatira sa St. Vincent’s High School, kung

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ipagdasal ang kaligtasan ng mamamayan sa pagsabog ng bulkang Kanlaon, panawagan ng Obispo

 307 total views

 307 total views Nananawagan ng panalangin si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza kaugnay sa pagsabog ng Bulkang Kanlaon na matatagpuan sa isla ng Negros Occidental at Oriental. Dalangin ni Bishop Alminaza ang kaligtasan ng mga Negrense na nakatira malapit sa bulkan, lalo na ang mga nasa 4 to 6-kilometer permanent danger zone (PDZ). Patuloy naman ang

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na makibahagi sa paghahanda sa 2025 Jubilee Year

 305 total views

 305 total views Hinikayat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na sama-samang paghandaan ngayong Adbiyento ang Pasko ng pagsilang ng Panginoon at ang Ordinary Jubilee Year sa susunod na taon. Sa liham sirkular, sinabi ni Cardinal Advincula na magandang pagkakataon ang Adbiyento upang ihanda ang mga sarili sa pagdiriwang ng Banal na Taon na

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Pagtalaga ni Pope Francis kay Cardinal David, pagsuporta sa pagsusulong ng simbahan ng katarungan

 571 total views

 571 total views Nagpaabot ng pagbati at pananalangin ang social, development, at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kay bagong Filipino Cardinal, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David. Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang pagkakatalaga ni Pope Francis kay Cardinal David ay hindi lamang pagkilala sa kanyang personal

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mamamayan, binalaan ni Bishop Santos

 4,094 total views

 4,094 total views Nagbabala si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa publiko laban sa mga mapagsamantala na ginagamit ang kanyang pangalan para makapanlinlang ng kapwa. Ito’y matapos mapag-alaman ng obispo na may kumakalat na pekeng Facebook account gamit ang pangalang “Roperto Cruz Santos,” na humihingi ng donasyon para sa mga nasalanta ng mga nagdaang kalamidad sa Bicol

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mining moratorium, panawagan ng dalawang Apostoliko Bikaryato ng Palawan

 5,794 total views

 5,794 total views Nananawagan ang dalawang Apostoliko Bikaryato sa Palawan para sa pagpapatupad ng mining moratorium upang mapangalagaan ang lalawigan bilang ‘last ecological frontier’ ng Pilipinas. Sa pinagsamang liham pastoral, inihayag nina Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, Taytay Bishop Broderick Pabillo, at Taytay Bishop-emeritus Edgardo Juanich ang matinding pagtutol sa pagmimina, na nagdudulot ng labis na

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Makialam sa krisis pulitika, apela ng LAIKO sa mamamayan

 6,038 total views

 6,038 total views Hinimok ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity ang sambayanang Pilipino na makialam at kumilos sa gitna ng kasalukuyang krisis sa pulitika ng bansa. Ayon sa Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO), ang lumalalang tensyong dulot ng akusasyon, pagbabanta, at personal na alitan sa pagitan

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nakikiisa sa Red Wednesday

 5,247 total views

 5,247 total views Makikiisa ang Diocese of Imus sa taunang paggunita ng Red Wednesday bilang bahagi ng pananalangin at pagsuporta sa mga Kristiyanong nakakaranas ng karahasan at pang-uusig dahil sa kanilang pananampalataya. Sa liham-sirkular, hinihikayat ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang mga parokya, paaralan, institusyon, at pamayanan na makibahagi sa pagdiriwang ng Misa ng Pagsamo para

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Plastic treaty, panawagan ng LRC

 6,443 total views

 6,443 total views Iginiit ng Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) na mahalaga ang pagkakaroon ng bagong plastic treaty upang matugunan ang patuloy na suliranin ng plastic pollution sa buong mundo. Ayon kay Atty. Mai Taqueban, ang executive director ng LRC, ang kakulangan ng ganitong uri ng kasunduan ay maaaring magdulot ng patuloy na pinsala

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Panukalang NCQG sa COP29, tinututulan

 6,890 total views

 6,890 total views Hinikayat ng civil society groups ang pamahalaan ng Pilipinas at iba pang mga developing country mula sa Global South na tanggihan ang mapanganib na kasunduan sa climate finance. Kaugnay ito ng naging talakayan sa 29th United Nations Climate Change Conference of Parties (COP29) Summit na ginanap sa Baku, Azerbaijan, hinggil sa panukalang New

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Jamie Rivera at Vehnee Saturno, judge sa kauna-unahang Radio Veritas Himig ng Katotohanan Liturgical Song Writing Contest

 7,909 total views

 7,909 total views Isasagawa kasabay ng Kapistahan ni Santa Cecilia, patron ng musika at mga musikero, ang pagtatanghal at pagpaparangal sa finalists ng kauna-unahang Himig ng Katotohanan liturgical song writing contest ng Radio Veritas 846. Gaganapin ito sa Blessed Pier Giorgio Frassati, O.P Building Auditorium ng University of Santo Tomas sa Biyernes, November 22, 2024 mula

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

Ipanalangin ang mga kristiyano na dumaranas ng pag-uusig, paalala ni Bishop Santos

 9,552 total views

 9,552 total views Ipanalangin ang mga kristiyano na dumaranas ng pag-uusig, paalala ni Bishop Santos Hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na alalahanin at ipanalangin ang mga Kristiyano sa iba’t ibang panig ng mundo na nakakaranas ng pang-uusig at pagdurusa. Ito ang panawagan ni Bishop Santos, na siya ring Episcopal Coordinator for Asia

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Diocese of Bayombong, humiling ng saklolo

 9,754 total views

 9,754 total views Umaapela ng tulong at panalangin ang Diyosesis ng Bayombong matapos manalasa ang Bagyong Pepito sa mga lalawigan ng Nueva Vizcaya at Quirino. Ayon kay Bishop Jose Elmer Mangalinao, hindi pa ganap na nakakabangon ang dalawang lalawigan mula sa mga nagdaang kalamidad sa nakalipas na mga linggo, ngunit muling naranasan ang malawakang pinsala dulot

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Nasa mga lider ang problema ng bansa-Bishop Alminaza

 9,359 total views

 9,359 total views Binigyang-diin ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pangangailangan ng bansa para sa mahusay na pamumuno at pagsusulong ng pananagutan upang mapangalagaan ang kapakanan ng sambayanang Pilipino. Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, ang patuloy na suliranin ng bansa ay nakaugat sa hindi mabuwag na

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nakahanda sa pananalasa ng bagyong Pepito

 9,863 total views

 9,863 total views Nakahanda na ang social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa posibleng epekto ng binabantayang Super Typhoon Pepito. Pinaalalahanan ni Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang lahat na isaalang-alang ang kaligtasan ng sarili at mga mahal sa buhay, at maging handa sa mga magiging epekto

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top