Paninindigan ni Bishop Mangalinao sa mga katutubo, kinilala ng CBCP-ECIP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,200 total reads

Kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples (ECIP) ang pagtindig ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao sa mga katutubong pamayanan ng Kasibu, Nueva Vizcaya, kasabay ng panawagang igalang ang kanilang karapatang maipahayag ang mga alalahanin sa pagmimina at iba pang usaping nakaaapekto sa kanilang lupaing ninuno.

Ayon kay Calapan Bishop Moises Cuevas, chairman ng CBCP-ECIP, nakikiisa ang komisyon at Indigenous Peoples Apostolates (IPA) kay Bishop Mangalinao at sa mga mamamayan ng Kasibu sa kanilang mapayapang pagpapahayag ng mga alalahanin hinggil sa pagmimina at sa posibleng epekto nito sa kanilang kabuhayan, kultura at kinabukasan.

Iginiit ni Bishop Cuevas na ang presensya ni Bishop Mangalinao sa Kasibu ay isang kongkretong pagpapahayag ng pastoral na pakikiisa ng Simbahan sa mga Katutubong Pamayanan at iba pang nasa laylayan ng lipunan na madalas hindi napakikinggan sa mga usaping may kinalaman sa kanilang lupain at mga karapatan.

“Ang kanyang presensya ay sumasalamin sa misyon ng Simbahan na samahan ang mga taong ang mga tinig ay madalas hindi napapakinggan at ang mga karapatan ay nalalagay sa panganib dahil sa mga pagpapasyang may malalim na epekto sa kanilang buhay, lupain, at kinabukasan,” pahayag ni Bishop Cuevas.

Binigyang-diin din ng komisyon ang natatanging ugnayan ng mga katutubong pamayanan sa kanilang mga lupaing ninuno, na bahagi ng kanilang pagkakakilanlan, kultura, kasaysayan, pananampalataya at pamumuhay.

Ipinaliwanag ni Bishop Cuevas na itinuturo ng Laudato Si’ na magkaugnay ang pangangalaga sa sangnilikha at pagtatanggol sa dignidad ng tao, lalo na ng mga maralita at katutubong pamayanan.

Napahayag rin ng pagkabahala ang CBCP-ECIP sa mga sitwasyong maaaring magdulot ng takot o pangamba sa mga katutubong pamayanan, mga tagapagtanggol ng kalikasan, mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao at maging sa mga manggagawa ng Simbahan na gumagamit ng mapayapa at kinikilalang pamamaraan upang maipahayag ang kanilang mga lehitimong alalahanin.

Ayon sa komisyon, mahalagang matiyak na malayang nakalalahok ang mga Katutubong Pamayanan sa mga usaping may kinalaman sa kanilang buhay, karapatan at kinabukasan nang walang kinakaharap na takot o panggigipit.

“Sa diwa ng katarungan, kapayapaan at pangangalaga sa ating iisang tahanan, nakikiisa kami kay Obispo Jose Elmer Mangalinao, sa mga Katutubong Pamayanan ng Kasibu, at sa lahat ng mga komunidad na mapayapa at buong tapang na nagsisikap pangalagaan ang kanilang karapatan, ang kanilang kapaligiran, at ang kanilang kinabukasan,” ayon kay Bishop Cuevas.

Dalangin ng CBCP-ECIP na manaig ang katotohanan, katarungan, karunungan at paggalang sa dignidad ng bawat tao sa pagtalakay sa mga usaping kinahaharap ng mga komunidad sa Kasibu at sa lahat ng pagsisikap na isulong ang kabutihang panlahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 85,293 total reads

 85,293 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 118,626 total reads

 118,626 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 150,770 total reads

 150,770 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 216,828 total reads

 216,828 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 230,733 total reads

 230,733 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 121,029 total reads

 121,029 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top