Pontifical coronation ng Mary Mother of Peace, inanunsyo ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,958 total reads

Inanunsyo ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang pahintulot ng Vatican sa pontifical coronation ng imahe ng Maria, Ina
ng Kapayapaan (Mary, Mother of Peace), sa Montalban (Rodríguez), Rizal.

Sa mensaheng ipinadala ng obispo sa Radyo Veritas, ipinabatid nito ang mahalagang pagkilala sa debosyon ng mga
mananampalataya sa naturang lugar.

“The Dicastery for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments, acting in the name and with the authority of His
Holiness Pope Leo XIV, has officially granted our request for the Pontifical Coronation of the Venerable Image of Maria,
Ina ng Kapayapaan (Mary, Mother of Peace), venerated at the Parish of Maria, Ina ng Kapayapaan in Barangay Kasiglahan,
Montalban (Rodriguez), Rizal,”
ayon kay Bishop Santos.

Sinabi ng obispo na magandang pagkakataon ang pagkilala sa malalim na debosyon sa Mahal na Birhen sa lugar lalo’t
ipinagdiriwang ngayong taon sa Diocese of Antipolo ang hubileyo para sa ikaapat na siglo ng pagdating ng imahe ng Birhen
ng Antipolo at ang ika-100 canonical coronation sa imahe.

“This singular honor is a precious gift from the Holy Father and a profound grace for our Diocese,
especially during this blessed Jubilee Year. Through this Pontifical Coronation, the Universal Church recognizes the deep
devotion of the faithful to our Blessed Mother under the title Maria, Ina ng Kapayapaan, and affirms her maternal presence
among the People of God,” dagdag ng obispo.

Nagpasalamat si Bishop Santos, kasama ang mga kaparian ng diyosesis, kay Pope Leo XIV sa pagkakaloob ng natatanging
pagkilalang ito sa lokal na simbahan.

Binigyang-diin ng obispo na ang karangalang natanggap ng diyosesis ay hindi bunga ng kakayahan ng tao kundi isang biyaya
mula sa Panginoon.

“This honor is not our achievement but God’s gracious gift,” ani Bishop Santos.

Hinimok ni Bishop Santos ang mga mananampalataya na muling ipagkatiwala ang kanilang sarili sa pagkalinga ni Maria,
Ina ng Kapayapaan, at ipanalangin ang pagkakamit ng tunay na kapayapaan para sa mga pamilya, pamayanan, bansa at
buong daigdig.

“May she continue to intercede for our families, our communities, our nation, and our world, that we may receive the gift
of true and lasting peace,”
saad ng obispo.

Ang Pontifical Coronation ay isa sa pinakamataas na pagkilalang ipinagkakaloob ng Simbahang Katolika sa mga imahen ng
Mahal na Birhen na may matagal at malalim nang kasaysayan ng debosyon at malawak na impluwensiya sa buhay
pananampalataya ng mga mananampalataya.

Matatagpuan ang Parokya ng Maria, Ina ng Kapayapaan, sa Barangay Kasiglahan, bayan ng Rodriguez, Rizal, na
kasalukuyang ipinapastol ni Fr. Michael Balatbat.

Naitatag ang parokya noong 2004 at patuloy na nagiging sentro ng debosyon ang Mahal na Birheng Maria bilang Ina ng
Kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 48,013 total reads

 48,013 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 85,390 total reads

 85,390 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 120,689 total reads

 120,689 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 346,959 total reads

 346,959 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 237,610 total reads

 237,610 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top